𝘼𝙠𝙖𝙡𝙖 𝙆𝙤
Akala ko noon puro na lang sakit,
tinatanong sa sarili, kelan kaya makakamit,
pagmamahal na gustong maramdaman,
kanino kaya matatagpuan?Akala ko noon palagi na lang hapdi,
mata ay pagod na sa paghikbi,
ano nga bang mali sa sarili,
at palagi na lang hindi pinipili?Ilang beses ng sinubukan,
na puso at damdamin ay harangan,
pagkat takot ng masaktan,
at iwanan na lang ng walang dahilan.Ngunit hindi na iyon mahalaga,
dahil ngayon ay nandito ka na,
hindi na ako muling luluha pa,
salamat sa pagdating mo sinta.Saksi ang araw buwan at mga bituin,
sa iyong pagmamahal sa akin,
kaya nais ko lang na sa iyo'y sabihin,
ikaw ay palagi ko ding mamahalin.Para bang ako ay nasa alapaap,
kapag ikaw na ay kausap,
puso ko'y pinakikilig,
ganito pala kapag ikaw na ay umiibig.Kalungkutan ko'y napapawi,
kapag kausap ka palagi,
ngiti at tuwa ay hindi mapawi,
parang gusto tuloy kitang hagkan sa'yong mga labi.Ipinapangakong ikaw lang ang mamahalin,
sa pagsibol ng araw hanggang kalangitan ay dumilim.𝚘𝚛𝚒𝚑𝚒𝚗𝚊𝚕 𝚗𝚊 𝚕𝚒𝚔𝚑𝚊 𝚗𝚒 : 𝚑𝚎𝚢𝚒𝚝𝚜𝚖𝚎𝚓𝚎𝚜𝚒𝚔𝚊
BINABASA MO ANG
𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗡𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗹𝗮
Puisi𝖣𝖺𝗆𝖽𝖺𝗆𝗂𝗇 𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗐𝖺𝗍 𝗌𝖺𝗅𝗂𝗍𝖺, 𝖡𝗂𝗇𝗎𝗈 𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗍𝗎𝗅𝖺. Nagsimula ako sa maikling katha, hanggang sa ang isipan ko ay mahasa, para magsulat ng mga tula, tulang ibabahagi sa madla. Mga letra at inspirasyon, pinag-isa ng imahen...