✍︎ʜᴇʏɪᴛsᴍᴇᴊᴇsɪᴋᴀ✍︎
Simula ng aking mabasa
ang iyong mga likha't obra
nakuha mo agad aking atensyon,
sa iyong mga akda tila ba dinadala ako sa ibang dimensyon.Tila ba isa kang misteryo
na sa akin ay gumugulo
ano nga bang meron sayo
at di ka maalis sa isipan ko.Palagi akong namamangha,
puso ko'y bigla na lang natutuwa,
sa iyong mga binibitawang salita,
pagkat para bang ika'y isang buhay na tula.Di na maipaliwag ang naramdaman
ako ba'y humahanga na naman
sa isang Ginoong minsan ko lang nasilayan
ngunit nakapasok sa mundo ko ng biglaan.
BINABASA MO ANG
𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗡𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗹𝗮
Поэзия𝖣𝖺𝗆𝖽𝖺𝗆𝗂𝗇 𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗐𝖺𝗍 𝗌𝖺𝗅𝗂𝗍𝖺, 𝖡𝗂𝗇𝗎𝗈 𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗍𝗎𝗅𝖺. Nagsimula ako sa maikling katha, hanggang sa ang isipan ko ay mahasa, para magsulat ng mga tula, tulang ibabahagi sa madla. Mga letra at inspirasyon, pinag-isa ng imahen...