📕𝑳𝒂𝒍𝒂𝒚𝒖𝒂𝒏 𝑵𝒂 𝑲𝒊𝒕𝒂📕
✍︎ʜᴇʏɪᴛsᴍᴇᴊᴇsɪᴋᴀ✍︎
Naglaho na yung dating saya,
saya at tuwa kapag kausap ka,
nawala na din ang asaran at kulitan,
na dati ay ginagawa nating libangan.Nawala na maging ang Good Morning sa umaga,
na nagbibigay sakin ng saya,
pati na din ang Good Night sa gabi,
na nagpapanatili sakin ng mga ngiti sa labi.Yung dating sunod sunod na conversation,
ngayon nagkaroon na ng social distancing,
palagi mo na din akong siniseen,
nakukulitan ka na ba sa akin?Para bang may nagbago?
pakiramdam ko'y iniiwasan mo na ako,
Guni-guni ko nga lang ba ito?
O totoo na ang mga naiisip ko?Nasaan na yung ikaw at ako?
Nasaan na yung tayo?
Ay, oo nga pala wala nga palang tayo,
dahil kaibigan lang ako.Hindi na tayo tulad noon,
dahil ibang iba na talaga ngayon,
siguro nga ako ay iyo nang iniiwasan,
dahil sa akin ikaw na ay nakukulitan.Pasensya na kung makulit ako,
pasensya na kung magulo ako,
pasensya na!
huwag kang mag alala,
simula ngayon lalayuan na kita.
BINABASA MO ANG
𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗡𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗹𝗮
Poesía𝖣𝖺𝗆𝖽𝖺𝗆𝗂𝗇 𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗐𝖺𝗍 𝗌𝖺𝗅𝗂𝗍𝖺, 𝖡𝗂𝗇𝗎𝗈 𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗍𝗎𝗅𝖺. Nagsimula ako sa maikling katha, hanggang sa ang isipan ko ay mahasa, para magsulat ng mga tula, tulang ibabahagi sa madla. Mga letra at inspirasyon, pinag-isa ng imahen...