𝖠𝖺𝗆𝗂𝗇𝗂𝗇 𝖡𝖺 𝖮 𝖬𝖺𝗇𝖺𝗇𝖺𝗍𝗂𝗅𝗂𝗇𝗀 𝖫𝗂𝗁𝗂𝗆

17 3 0
                                    

"Aaminin Ba O Mananatiling Lihim?"

✍︎ʜᴇʏɪᴛsᴍᴇᴊᴇsɪᴋᴀ✍︎

Sarili'y pinakikiramdaman,
di mapakali ang isipan,
puso'y kinakabahan,
tila ba may paru paro sa aking tyan.

Madaming tanong ang gumugulo sa isipan,
ako ba ay iyong iiwasan,
kung sakaling malaman mo ang katotohanan,
na ikaw ay aking nagugustuhan?

Hindi ko na maintindihan,
natatakot na ako'y layuan,
kapag iyong nalaman,
na sayo ako'y may nararamdaman.

Nahihiya akong umamin sayo,
inuunahan din ako ng takot ko,
baka hindi mo din ako paniwalaan,
dahil may iba ka nang nagugustuhan.

Kaya ang tanong sa buwang nasa kalangitan,
at sa mga bituin sa kalawakan,
aamin pa rin ba kahit na walang tyansa?
o ililihim na lang dahil wala namang pag-asa?

𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗡𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗹𝗮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon