𝖱𝖺𝗇𝖽𝗈𝗆 𝖯𝗈𝖾𝗍𝗋𝗒 (2 - 𝐫𝐩𝐰)

18 3 0
                                    

✍︎ʜᴇʏɪᴛsᴍᴇᴊᴇsɪᴋᴀ✍︎

Tila ba may kakaiba sa iyo,
na hindi ko mapagtanto kung ano,
para kang isang katanungan,
na mahirap hanapan ng kasagutan.

Tila isa kang rubrix cube,
na mahirap ibalik sa tamang kinalalagyan,
at isang morse code,
na mahirap bigyan ng kahulugan.

Gusto kong pumasok sa mundo mo,
nais kong makita kung anong nasa loob neto,
mundong puno ng ilusyon,
na gawa gawa ng iyong imahenasyon.

Hayaan mo sanang makapasok ako,
sa pintuang tila ba nagtatago,
wala akong pake kung sa loob mo'y magulo,
halika at baka sakaling maayos ko.

𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗡𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗹𝗮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon