"𝐇𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐢𝐭𝐮𝐢𝐧"
✍︎ʜᴇʏɪᴛsᴍᴇᴊᴇsɪᴋᴀ✍︎
Bituin, bituin
ako'y may lihim
na sa iyo'y sasabihin
sana'y iyong dinggin.Dinggin ang aking hiling
na sana ay mapansin
aking lihim na pagtingin
na ginoong may angking galing.Galing sa pagsusulat ng tula't kwento
tulang nakaka antig ng puso
mga kwentong tila dinadala ako sa ibang mundo
pwede bang tuparin mo ang hiling ko?Bituin, bituin
sa gabing madilim
sabihin sa akin
ang aking ginoong iniibig may gusto rin ba sa akin?kung hindi man ako papalarin
na kanya ring gustuhin
hindi magsasawang humiling
sa mga bituin na sana ay tuparin.Tuparin ang dalangin
na sana ako rin ay mahalin
dahil isa iyon sa mga hangarin
na masarap kamtin.Bituin, bituin
pakinggan ang saloobin
ng binibining sa iyo'y nakatingin
sa tuwing sasapit ang dilim.
BINABASA MO ANG
𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗡𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗹𝗮
Poesia𝖣𝖺𝗆𝖽𝖺𝗆𝗂𝗇 𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗐𝖺𝗍 𝗌𝖺𝗅𝗂𝗍𝖺, 𝖡𝗂𝗇𝗎𝗈 𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗍𝗎𝗅𝖺. Nagsimula ako sa maikling katha, hanggang sa ang isipan ko ay mahasa, para magsulat ng mga tula, tulang ibabahagi sa madla. Mga letra at inspirasyon, pinag-isa ng imahen...