𝖫𝗂𝗆𝖺𝗇𝗀 𝖧𝖺𝗄𝖻𝖺𝗇𝗀 𝖯𝖺𝗅𝖺𝗉𝗂𝗍 𝖲𝖺'𝗒𝗈

83 6 3
                                    

𝙇𝙞𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙃𝙖𝙠𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙡𝙖𝙥𝙞𝙩 𝙎𝙖'𝙮𝙤

Isang hakbang,
sa isang binata mata'y napatingin,
imahe nya sa isipan tila ba ayaw akong lisanin,
taglay nyang katangian para bang isang bituin,
na kahit sa dilim ay mag niningning pa rin.

Ano bang problema?
Itsura mo ay palaging di maipinta.
May sama ng loob ka bang dinadala?
O baka iniwan ka ng iyong nobya?

Dalawang hakbang,
kahit sa malayo ika'y pinagmamasdan,
ang iyong mga matang puno ng kalungkutan,
aking hinihiling sa mga tala sana'y pawiin ang sakit na nararamdaman,
nang sa gayo'y ngiti mo'y muli kong masilayan.

Ngiting nagpapabilis ng kaba ko,
puso ko'y para bang nakikipaghabulan sa mga kabayo,
tyan ko na laging may paru-paro,
na gustong kumawala para lumapit sayo.

Tatlong hakbang,
tadhana ay para bang tayo'y pinaglalaruan,
ako ay lumapit sayo para makipag kaibigan,
akala ko nung una alok ko'y tatanggihan,
ngunit pumayag ka kaya puso ko'y napuno ng kagalakan.

Ang maging kaibigan mo ay isang paraan,
upang sa iyo ay mapalapit ng lubusan,
sana lamang ay h'wag akong pagtakhan,
kung bakit nauutal kapag nasa iyo ng harapan.

Apat na hakbang,
masaya ako kapag kasama ka,
ginawa ko ang lahat para lungkot mo'y mapawi na,
kaya ngayon bumabalik na ang saya sa iyong mga mata,
sana lamang ay h'wag ng matapos pa.

Problema mo'y sinabi sa akin,
na ang babaeng gusto mo ay hindi ka kayang mahalin,
nang mga oras na iyon ay gusto ko ng sa iyo'y sabihin,
"halika dito sakin at ika'y aking sasaluhin."

Limang hakbang,
tila ba isang panaginip,
na ayaw ko nang magising mula sa pagkaka-idlip,
nang isang araw iyong aminin sa akin,
na alam mo ang aking tinatagong pagtingin.

Nagtapat ka ng iyong nararamdaman,
sinabi sa akin na ako rin ay iyong nagugustuhan,
napatulala at hindi agad nakapag salita,
puso ko'y para bang pinipiga sa tuwa.

Limang hakbang papalapit sayo,
na akala ko noon mananatiling panaginip na lang ang lahat ng ito.
Limang hakbang narito ka ngayon sa harapan ko,
nakangiti sa akin, ngiting umaabot sa mga mata mo.

Limang hakbang sabay nating tutuparin,
mga pangarap na ating bubuuin.
Limang hakbang magkasama nating tatanawin,
ang buwan at mga bituin sa gabing madilim.

Limang hakbang ako ang magsisilbing iyong buwan,
at ikaw ang aking tala sa malinis na kalangitan.
Limang hakbang sana'y h'wag mong iiwan,
sa bawat gabi kahit na langit ay magpaalam.

𝚘𝚛𝚒𝚑𝚒𝚗𝚊𝚕 𝚗𝚊 𝚕𝚒𝚔𝚑𝚊 𝚗𝚒 : 𝚑𝚎𝚢𝚒𝚝𝚜𝚖𝚎𝚓𝚎𝚜𝚒𝚔𝚊

𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗡𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗹𝗮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon