𝗧𝘂𝗹𝗮 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝗞𝗮𝘆 𝗖𝗿𝘂𝘀𝗵
Gusto kong malaman mo,
ikaw ang tinitibok ng puso ko.
Sayo'y walang makakatalo,
sa katangiang taglay mo.Sana'y iyong mapansin,
aking pagtingin.
Gusto kong sayo'y maglambing,
Ngunit hindi ka sa akin.Pero kahit ganun pa man,
hindi iyon naging hadlang.
Upang aking nararamdaman,
limutin na lamang.Sana'y iyong sabihin,
kung ako'y gusto mo rin.
Kung hindi naman papalarin,
pipilitin natin.Ayoko sa iba,
Ikaw lang ang gusto ko sinta.
Ikaw ang nagbibigay sakin ng saya,
Kaya bakit papakawalan pa kita.Sa t'wing nandyan ka,
Ako'y natutuwa.
Puso ko'y nagwawala,
Kaba'y mas lumalala.Pasensyahan mo na mahal ko,
kung ako'y baliw sayo.
Pero sana'y magustuhan mo,
Tulang ginawa ko para lang sayo.𝚘𝚛𝚒𝚑𝚒𝚗𝚊𝚕 𝚗𝚊 𝚕𝚒𝚔𝚑𝚊 𝚗𝚒 : 𝚑𝚎𝚢𝚒𝚝𝚜𝚖𝚎𝚓𝚎𝚜𝚒𝚔𝚊

BINABASA MO ANG
𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗡𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗹𝗮
Poetry𝖣𝖺𝗆𝖽𝖺𝗆𝗂𝗇 𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗐𝖺𝗍 𝗌𝖺𝗅𝗂𝗍𝖺, 𝖡𝗂𝗇𝗎𝗈 𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗍𝗎𝗅𝖺. Nagsimula ako sa maikling katha, hanggang sa ang isipan ko ay mahasa, para magsulat ng mga tula, tulang ibabahagi sa madla. Mga letra at inspirasyon, pinag-isa ng imahen...