Chapter 1 : Nababagot ang multo

17.7K 740 264
                                    

**Neight's Point of view**

Aargh alikabok, spider webs, gagamba, anay ...hmmm anu kaya

luminga-linga ako sa paligid and whoala!! Isang daga !!

Dahan dahan akong lumapit para sunggaban ito, pero paglanding ko...

boom tagos. Nakalimutan ko atang multo ako noh...

Hayyy, naiinip na kasi ako dito sa mansyon namin eh 50 years na kaya ako nakakulong dito! At puro ligaw na insekto lang ang kasama ko, ewan ko ba naman kasi kay San Pedro eh kung 'bat naman 'di ako pinayagan pumasok sa heaven .

By the way I'm Neight Carl Lazaro, noong 1960's itinuturing ang pamilya namin na pinakamayaman sa lugar na ito, pag-aari namin ang malawak na lupaing ito na ginawa na lang sementeryo nung namatay ang pamilya ko.

Oo me, my mom and my dad. Sabay-sabay kaming namatay dito mismo sa mansyo, nung nasunog ito na-trap kami at tuluyan nang hindi nakalabas. Sila mommy nasa heaven na, I was left here alone.

Hindi tumatanda, hindi nagugutom, hindi natatae, di nagkakasakit, but the fact that I can still feel some emotions like the feeling of being alone, sad, anger it just tearing me everytime ..

Bakit kasi hindi nalang napasamang nawala itong emosyon na to'? if I know wala na naman akong puso o kahit anong laman loob, matagal na 'yon pinagpyestahan ng mga langgam at daga dito sa bahay.

Habang nagmumuni muni, an idea entered on my mind, I guess if I have some.
Ano kaya kung magexplore ako wala namang makakakita sakin. Tama good idea para na rin malaman ko kung ano ba yung unfinished desire na sinasabi ni San Pedro.

Tumagos ako sa malaking tarangkahan ng aming mansyon, nasilaw agad ako sa mataas na sinag ng araw pero 'di naman ako nasunog or whatever, nakakapanibago lang sa pakiramdam dahan-dahan akong humakbang patungo sa modernong mundo, marahil ay malaki na ang ipinagbago ng paligid . Bago umalis ay muli kong sinulyapan ang aming mansyon .Kinakalawang na ang gate at puro halamang ligaw narin ang gumagapang sa bahay. Kinatatakutan na rin ng ilang tao ang mapagawi dito.

Tumuloy ako sa paglakad hanggang marating ko ang labas ng sementeryo ,bumungad sakin ang iba't ibang sasakyan na ibang iba ang itsura kumpara noon . May tatlo ang gulong, may apat, may dalawa at yung isang yun sampu ata ang gulong !! Ang ganda pero mukhang mas maraming usok ang nilalabas ng mga ito .

Tumawid ako nang may rumaragasang sasakyan ang tumagos saakin , "buti nalang multo na ko "

Ilang lakad pa ay may nakita akong malaking gusali, eskwelahan siguro ito , pero maganda kaysa sa mga paaralan noon .Hindi na ako nagdalawang isip na pumasok sa loob .

"Wow ang daming makukulay na pader at ang daming tao, may mga nagkekwentuhan, nagtatawanan, nagsusulat at gumagamit nung bagay na pinipindot na may ilaw tumutunog din yon, yung isa nga itinapat pa nya sa tenga nya yon tapos doon nagsasalita na animo'y may kausap . Mukhang may sayad pa ata ang isang 'to.

Pumasok ako sa isang gusali, sa paglalakad ko ay may bumanggang babae sakin as usual tumagos sya sakin, pero napatigil sya sa pagtakbo at parang may naramdamang kakaiba.

In fairness naman sa babaeng to may taste sa damit nakapalda sya na hanggang tuhod na may leggings ata 'yon sa ilalim, naka salamin ng makapal at nakarubber shoes. Wow! Kuhang-kuha nya ang porma ng mga babae noong 60's!

Mayamaya ay may mga babaeng dumating, mga naka-high heels at puro kulay ang mukha .

" B-Brittney ? Aya ? Scarlett ? A-anung kailangan nyo ? " halatang takot na tanong nung babaeng nakabangga ko.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon