Chapter 24: True Love Never Lies

5.7K 268 15
                                    

**Sheign's Point of View**

I'm on my way to the hospital when suddenly I feel my stomach growls. Oo rinig ko, ang lakas nga eh. Kaya nagdesisyon akong bumaba muna ng taxi at dumaan sa isang fast food, para na rin mabilihan ko si Lola ng pasalubong.

Pumila ako doon sa may pinaka-unting nakapila.

"Oh my God Girls!! As in bwisit talaga ang malanding Sheign na 'yon!" Nanlaki ang mga mata ko when I heard that familiar voice. Si Aya 'yon argh!

"Ano bang pinuputok mo d'yan ha Aya?" I'm sure that was Brittney. Nakatalikod ako sa pinagmumulan ng boses, doon 'yon sa katabing pila ng katabi kong pila. Magulo ba? Ge skip na lang.

Anyway, 'yon na nga patuloy pa rin sila sa pag-uusap and because I heard my name again, dapat lang siguro na pakinggan ko sila.

"Eh kasi naman, etong si Nathan nagkasakit na lang bigla, so ayon I took him on his apartment." halos mayupi na ang lahat ng laman ng wallet ko sa higpit ng pagkakahawak ko rito. Nakakagigil.

"Ma'am can I take your order please." nabaling ang tingin ko doon sa babae at itinuro sa kanya ang order ko.

"Oh, and then? " That was Scarlett.

"I kissed him." bigla akong napa-ubo. Ano daw p-paki-ulit nga.

"You kissed Nathan? On the lips?" Maygad inulit nga talaga. Psh 'bat ba kung makapag-usap sila akala mo eh nasa palengke? Mga bitch nga naman oh oh.

"Yeah."

"Oh eh anong ikinagagalit mo? Tinulak ka ba o baka naman bakla siya." aba't mahadera talaga 'tong Brittney na 'to! Hindi kaya bakla ang Neight ko!

"Matapos niya kong halikan ,he calls Sheign's name!! He thought that I was that bitch!" tili nito, dahilan para pagtinginan na rin sila ng ilang mga nakapila.

Totoo ba 'yon? Tinawag ni Neight ang pangalan ko matapos halikan si Aya? That only means na ako pa rin ang iniisip niya! OMG! For real?! Naalala na kaya niya ako ,ihh Lord thank you! Thank you po talaga, ang bait-bait nyo sa'kin!!

"Miss eto na po ang order nyo." Inabot na niya sa akin ang in-order kong nakabalot sa paper bag.

"Thank you po ganda!" abot tenga ngiti kong nag-bow pa doon sa kahera na napa-nganga na lang.

"Aww you're so pathetic!" pang-aasar pa ni Brittney at Scarlett kay Aya. Napangiti na lang ako saka tuluyang lumabas.

Masaya akong pumara ng jeep para makaderetso na sa ospital. Ngayon nga pala lalabas si Lola, nag-decide kaming huwag na muna siya pa-operahan dahil mas hindi namin kakayanin na mapa-aga ang pagkawala ng Lola ko.

Mayamaya pa ay narating ko na ang room ni Lola, papasok na sana ako sa loob pero may narinig nanaman akong nag-uusap. Sige ako na talaga ang tsismosa, pero kasalanan ko bang bukas ang tenga ko at malakas ang pakiramdam.

"Nay, are you sure na ayaw mong magpa-opera?" That's my mom's voice.

"Huwag ka nang mag-alala Rebecca, ayos lang ako ang intindihin mo ay si Sheign ,mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon at ngayon alam ko nang hindi si Kyle 'yong lalaking parati niyang iniiyakan." naku po ang daldal talaga ng Lola ko.

"Ha? Eh sino daw ho La?"

"Si Ne--"

"Hi Lola!! I'm back! How are you my lovely and favorite Grandma? Are you feeling well today? Here oh may pasalubong po ako sa'yo. Your all time favorite Fries and Mashed Potato!" buong galak kong inilabas ang mga laman ng paper bag kahit pa kinakabahan ako dahil muntik na masabi ni lola kay mommy ang tungkol kay Neight.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon