Chapter 33: New Friend, New Foe

4.4K 185 16
                                    

**Kyle's Point of View**

"Damn it!!! " agad nahintakutan si Zayn nang ibalibag ko ang lahat ng gamit sa aking mesa.

Napatiim-bagang ako habang pabalik-balik sa isip ko ang nangyari kanina, sila na kaagad? Ano bang nangyari? Para sandali lang ako nawala tapos pagbalik ko sila na? Like what the freaking hell was that?!

"Zayn!"
"S-sir K-Kyle?"

"Ipatawag mo si Charlotte sa opisina ko ngayon din!" mabilis namang tumalima ang aking private assistant. Masyado nang tumatagal ang pagbawi ko kay Sheign, naunahan na nga ako ng isang patay!

Ngayon ko lang naramdaman ang ganito, na para bang paulit-ulit na natapakan ang ego ko. That feeling of being a loser that was never meant to be me. Hindi ako 'yon! Hindi sa walang kwentang lalaking 'yon.

"Hey...what happened? Daig mo pa ang pinagtaksilan ng asawa ah." Sarkastikong entrada ni Charlotte saka diretsong umupo sa aking mesa.

She's just wearing those mini skirt at isang buttoned blouse na halos lumuwa na ang kanyang mga dibdib. Pero hindi ako nakakaramdam ng kahit ano habang nakatingin sa katawan niya. I felt nothing but anger about what happened previously. Hindi na katulad noon na mabilis mag-react ang mga sexual hormones ko when it comes to a woman like her, considering that she's not even a human.

"Aww na-hurt naman ako 'don Kyle. Hindi ka man lang pala impress dito sa katawan ko." sh*t nababasa nga pala niya ang isip ko.

"Uh..sorry, by the way, ano nang nangyari sa mga plano mo? Akala ko ba'y paghihiwalayin natin sila? Tapos anong naging resulta?! Naging mas malapit pa sila! And now they were officially on!" mabilis nagbago ang mood ko nang muling bumalik sa isip ko kung paano ngumiti si Sheign sa piling ng Nathan na 'yon.

"Bobo! Sino ba ang nagpadalus-dalos at nagkulong kay Neight doon sa binding area? Hindi ba't ikaw tatanga-tanga ka!" nahintakutan ako nang biglang magbago ang boses niya, naging malagom ito at para bang nagmumula sa ilalim ng lupa.

"Pero...gusto ko lang naman turuan ng leksyon ang g*gong 'yon eh! " depensa ko.

"Hindi ka talaga nag-iisip Kyle, no wonder palagi kang nauungusan ni Neight, even though he's actually dead and his original brain was already rotten long time ago honey..." mapang-asar pa niyang saad.

I clenched my jaw. "Kailangan mo pa talagang ipagdiinan sa'kin 'yan?"

"Well..well..well.." tumayo ito at saka lumapit sa akin, umupo pa ito sa aking kandungan. "Dahil nga apo ka nila Eba na tatanga-tanga, ako na lang ulit ang gagawa ng paraan. Ngayon eto ang plano.." ibinulong niya sa akin ang mga pina-plano niya.

Agad akong napangiti, her plans automatically change my mood, na-excite ako sa mga gusto niyang mangyari, especially sa mga kaya niyang gawin.

"What can you say about it?" muli itong tumayo.

"That was...Great!" bulalas ko.

"Of course it is! I'm not that stupid-empty-minded like you Kyle!" nakaka-insulto man ang mga sinasabi niya ay hindi ko na lang 'yon pinansin, at least may pakinabang s'ya hindi gaya ni Brittney..

Teka, nasaan na nga pala ang babaeng 'yon.



**Sheign's Point of View**

Hindi ko namalayang nakatapos na pala ako ng dalawa pang manuscript at gutom na rin ako. Paano naman kasi, hanggang ngayon ay lutang pa rin ang isip ko sa nangyari kanina.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon