Chapter 32: This is it!

3.9K 193 19
                                    


**Neight's Point of View**

Tsk! Talagang pinag-iinitan ako ng sira-ulong 'yon, kung maka-asta s'ya akala mo kung sinong matalino eh utak munggo naman! Kaasar kailangan ko pa tuloy magbabad dito para matapos ang mga ito. Pero bakit parang lalo yatang lumalamig?

Ugh bahala na, basta kailangan ko 'tong matapos para makita ko na si Sheign, nasaan na ba kasi s'ya? Ang alam ko nauna pa silang dumating dito ah. Tsk porke't kasama n'ya 'yong Kyle na 'yon, nakalimutan na n'ya ko?

Namalayan ko na lang na nanginginig na ang balikat ko sa sobrang lamig. Itinigil ko muna ang binder machine saka nagtungo sa pinto.

I think I just need a break.

Sinimulan ko nang buksan ang pinto pero hindi ko magawa, habang tumatagal ay lalong lumalamig dito sa loob. May usok na rin na nililikha ang bawat paghinga ko.

"May tao ba d'yan? Pakibukas naman oh." kinalampag ko pa ang pinto nito pero pawang katahimikan lang ang sumagot sa'kin.

Shit! Sinasabi ko na nga ba may binabalak s'yang masama! Naka-coat na ako pero ganoon pa rin ang lamig, tagos sa buto ko. Hindi ko na kakayaning magtagal dito ng ilan pang minuto, kailangan ko nang makalabas.

"Tulong! May tao ba d'yan? Pakibuksan naman oh." napansin ko ang isang CCTV camera sa may kisame. Kinawayan ko ito at sumenyas na gusto kong lumabas.

Kulang na lang ay literal na magyelo ang lugar na ito, sumasakit na rin ang ulo ko at umiikot ang aking paningin. Namalayan ko na lang na nakaupo na ako sa sahig habang nakasandal sa pader, akap ko ang aking sarili. Masyadong malamig, naninigas na ang mga binti ko.

Fvck! Sheign punatahan mo ko dito.


**Sheign's Point of View**

Nakatapos na ako ng isang buong manuscript sa page-edit, dumaan naman na ito sa proofreading kaya hindi na rin ako nahirapan. Sumandal ako saka uminat, tiningnan ko rin ang oras sa aking wrist watch.

Nasaan na kaya si zombie? Hay, mabuti pa hanapin ko na s'ya at baka ginawa na s'yang janitor ni Kyle dito. Tumayo na ako saka lumabas ng opisina.

Argh, ano ba naman kasi 'yan, hindi man lang ako inilibot 'nong Zayn na 'yon, maliligaw ako neto eh. Nagdesisyon akong hanapin muna ang opisina ni Kyle, and I found it, hindi naman kasi ito mahirap hanapin since maraming pwedeng pagtanungan. Dangan nga lang at hindi ko alam ang posisyon ni Neight dito.

"Ma'am excuse me, saan po kayo pupunta?" sabi noong babaeng nasa labas ng opisina ni Kyle.

"Kay Kyle...I mean kay Sir Kyle, may itatanong lang ako." sagot ko rito.

"Naku, I'm sorry ma'am ,nasa meeting kasi ngayon si Sir Kyle kasama ang P.A at sekretarya n'ya" sabi pa nito.

"G-ganon ba.." tsk pano na 'to? Saan ko hahanapin si Zombie?! Napansin yata noong babae na nadismaya ako kaya muli itong nagtanong.

"Ano ho bang itatanong n'yo kay Sir baka sakaling kaya kong sagutin ,if you won't mind." nakangiting saad niya.

"Ah..eh, alam mo ba kung saan naka-assign 'yong bagong empleyado rito? 'Yong lalaking matangkad, maputi, gwapo, matangos ang ilong, mapula ang lips, gwapo ulit, matipuno, brown eyes at gwapo?" ewan ko kung bakit parang kinikiliti ang tyan ko kapag iniisip ko ang pagmumukha ni zombie..eh zombie na nga 'yon eh tsk!

"Haha kayo naman ma'am ang cute n'yo hong kiligin, yang pisngi n'yo lalong namula tapos tapos nagti-twitch yung ilong n'yo." pigil tawang saad niya.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon