**Sheign's Point of View**
Alas-4 ng madaling araw ay nagising na agad ako kahit pa ang prom namin ay magsisimula pa mamayang alas-6 ng hapon, eh kasi naman excited na kaya ako alam niyo 'yon feeling ko ang ganda-ganda ko pagsinout ko na 'yong dress at heels na binili namin. Hay, tapos I can figure out kung ano ang magiging itsura namin ni Kyle mamaya habang naglalakad papasok sa venue!! Actually hindi kasi sa school ginaganap ang prom namin kundi sa isang resort, pina-reserve na 'yon for the night.
"Ihh!! Excited na kooo!!" hindi ko na napigilan at napasigaw na ako sa labis na excitement.
Napabalikwas ng bangon itong si Neight. "Argh, ano ba! Ang sarap-sarap ng tulog ng multo dito eh " himutok niya habang nagkakamot ng ulo.
"Eh kasi naman eh excited na ko !" inirapan niya lang ako tapos ay bumalik na rin sa pagkakahiga.
"Gusto ko pa matulog Sheign, wag ka na nga maingay dyan", hmp ang sungit talaga ng multong 'to! Ano bang problema nya, simula nung naging kami ni Kyle eh bihira ko na syang makitang tumatawa, oo minsan niloloko-loko pa rin niya ko pero pakiramdam ko ang laki na nang nagbago.
Bumangon na ako at naghilamos, tapos ay nagtungo sa kusina para makapagtimpla ng kape. Nagulat ako ng makita kong gising na si mama at nagluluto na."Mhie ,hindi lang pala ako ang excited dito eh." Napalingon agad si Mommy ng marinig niya ang boses ko.
"Oh ang aga mo ah, hmm alam mo kasi anak ganito talaga kapag tumatanda na nagiging maaga na ang gising, syempre sinusulit dapat natin ang mga oras na nalalabi natin dito sa mundo." makahulugang saad ni Mommy tapos ay iniabot sa akin ang tinimplang kape.Hmm, ang sarap.."Sya nga pala, hindi mo pa sinasabi sakin kung sino ang maswerteng lalaki na makaka-date mo." medyo nasamid ako sa sinabi niya.
"Haha Mhie, si Kyle ho ang makakasayaw ko but not necessarily na makaka-date, kayo naman po" , sabi ko.
"Okay lang 'yon Sheign pinagdadaanan talaga yan ng mga nasa ganyang edad, para namang hindi ko yan naranasan no" nakangiting saad niya na ginantihan ko na lang din ng isang matamis na ngiti.
"Sya nga pala anak, pupunta dito ang lola mo nextweek!" nanlaki ang mga mata ko.
"Talaga Mhie ?! Si Lola Anita!? Yes! Miss na miss ko na talaga sya, ilang araw daw po sya dito mhie?" ,sa totoo lang mag-iisang taon na rin nung huling dumalaw dito si Lola Anita ko, aya 'yong sinasabi kong namanahan ko ng sensitive senses ko at sya rin 'yong nagke-kwento sakin tungkol dun sa Lazaro's Mansion, dahil ayon daw sa kanya ay minsan na siyang nanilbihan doon sa Mansyon nung nabubuhay pa ang may-ari ."Hindi ko sigurado, pero malamang ay matatagalan 'yon dito kasi miss na miss ka na non" magiliw na saad ni Mommy, Close na close talaga kami ng Lola ko at ngayong magkikita ulit kami ay marami akong gusto itanong sa kanya!
________________________________________________________________________________
Sumapit ang hapon at dinala na rin ako nila Daddy papunta sa isang parlor shop para maayusan ako. Manipis lang naman ang inilagay nilang make-up sakin pero medyo makapal na red Lipstick, hindi nga ako sanay eh kulang na lang maglaway ako tapos nakakangalay pa sa panga, tsk. Sinuotan din nila ako ng ilang accessories.
Ilang sandali pa ay natapos na rin nila akong ayusan pati buhok ko ay ayos na rin ,and for the final touch! Contact Lens! Kahit hindi ako komportableng magsuot nito eh titiisin ko na lang, after all isang gabi lang naman ito at kaylangan kong maging MAGANDA! hihi capslock para intense.
BINABASA MO ANG
That Pervert GHOST
Teen FictionPaano kung malaman mong ang number one stalker mo ay isang oh-so-handsome-GHOST?! Will you get scared ? Of course you will. Will you fall in love? Oh no that's crazy ... But what if you will? Basahin nyo po itong nakakabaliw na istorya ng isa...