Chapter 28: Unwanted Offer

5.3K 218 18
                                    

**Sheign's Point of View**

Pagmulat ko ay agad na sumalubong sa akin ang maamong mukha ni Neight na matamang nakatitig sa akin. Masyado kaming malapit sa isa't isa at naaamoy ko rin ang mainit niyang hininga.

"Good morning." bati pa niya saka hinawi ang buhok ko. Tiningnan ko s'ya ng buong pagtataka, totoo bang nangyayari 'to? O baka naman nananaginip na naman ako?

"Ano wala ka pang balak bumangon hm?" ,ewan ko ba pero ni hindi ko magawang umimik, nakatitig lang ako sa labi niya.

"Hahahahahahahaha!" nagulat ako ng bigla itong tumihaya at saka tumawa ng ubod ng lakas..now I could figure out the real Neight on him. "Ikaw Sheign ah, ang tindi rin talaga ng pagnanasa mo sa'kin no?"

"Anong sabi mo?!" awtomatiko akong napa-upo at pinandilatan siya ng mata.

"Hahahaha, nakakatawa 'yang itsura mo oh! Grabe ka makatitig sa lips ko Sheign, para bang sinasabi ng mga mata mong 'kiss me please' hahahaha!" muli itong humagalpak ng tawa. Nakakapikon.

"Walangya kang zombie kaaaa!!!" dinampot ko ang isang malaking unan at saka ako umibabaw sa kanya, idinadagan ko ang unan sa mukha niya.

Papatayin ko na lang 'tong hambog na 'to! Para bumalik na s'ya sa pagiging multo niya. "Ugh napakayabang mong hukluban ka, purket may katawan ka na ginaganyan mo ko?! If I know ikaw itong parating nangmamanyak sa akin!" gigil kong saad.

Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang magkabilang kamay ko. "Gusto mo naman?" ,natahimik ako bigla, ewan ko ba pero kapag ganyan s'ya magsalita ay parang nanghihina ako at hindi na makasagot. Naramdaman ko na lang ang pag-init ng mga pisngi ko.

"Ate Sheign! Kuya Natha--- Oh My God!!" sabay pa kaming napalingon kay Jazel na siyang walang pakundangang nagbukas ng pinto. Istorbo.

"I-I'm sorry...".

"O-okay lang, actually palabas na rin kami." patay malisya kong saad saka nag-ayos ng sarili at lumabas ng kwarto. Argh nakakahiya, naabutan pa niya kami sa ganoong ayos.

"Hi..hehe" narinig ko pang sabi ni Neight saka sumunod sa akin. Kumain lang kami ng almusal at nagpaalam na ring umuwi dahil gaya nga ng sabi ko ay bukas na ang graduation namin at hindi ko pa man lang alam ang gagawin kapag tinawag na ako sa stage. Loko kasi 'tong zombie na 'to eh, kahit kelan pahamak.

"Tita salamat po, ikakamusta ko na lang kayo kina Mommy." s'ya nga pala, hindi naman nagalit sa akin sila Mommy dahil narito naman ako kina Tita Joan and as usual tinulungan na rin ako ni Lola na magpaliwanag sa kanila.

"Oh sige ingat kayo. Dalasan n'yo ang pagdalaw dito ah, at sana next time pwede ko nang tawaging pamangkin si Nathan. Hihi." natawa na lang ako kay Tita.

"Oo nga Ate Sheign, isama mo lagi si Kuya Nathan para mainggit 'yong mga kapit-bahay namin, hahaha." isa pa 'tong makulit kong pinsan eh.

"Oh siya lakad na habang hindi pa gaanong malakas ang hangin." nilisan na namin ang lugar lulan ng isang de motor na bangka.

"Neight...sorry kung hindi natin nalaman ang totoong killer ng pamilya mo ah." ginantihan lang niya ng isang matamis na ngiti ang sinabi ko.

"It's not your fault Sheign, ako itong masyadong nagpadala sa galit kaya hindi ko nakuha ang tamang impormasyon, hayaan mo marami pa namang pagkakataon eh." saka ito lumingon sa payapang alon ng dagat.

Unti-unti na ngang nagbabalik ang Neight na kilala ko noon, pero ang higit na nakakatuwa ay ang katotohanang hindi pa bumabalik ang alaala niya at sa kabila noon ay narito s'ya at kasama ako, he trusted me again just like before.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon