Chapter 29: The Mysterious Girl

5.1K 208 18
                                    

**Kyle's Point of View**

Maaga akong gumising dahil ngayong araw na ang aming graduation, nakahanda na rin ang aking blue long sleeve, light blue necktie ,black slack, toga at sapatos na gagamitin ko mamaya.

"After this day, my journey to make Sheign back to me again will begin." nakangiti kong bulong sa aking sarili. Gaya nga ng sinabi ko noon, mapapasa-akin siyang muli, by hook or by crook, at ngayon ay nakilala ko na ang isang nilalang na makakatulong sa'kin. I smile again as I remembered what happened last time.

Nakita kong tumakbo si Sheign papuntang Science Garden, nakasunod din sa kanya si Nathan kaya palihim ko silang sinundan. I don't know if someone out there will called me stalker, but I don't care.

Hindi ko masyadong marinig ang pinag-uusapan nila, bigla na lang sitang hinila ni Nathan at dinala sa parking lot saka siya pinasakay sa kotse nito. Mabilis ang naging pag-alis nila, at heto na naman ang paninikip ng dibdib ko, isang pakiramdam na pinaka-ayaw ko. It hurts me so bad.

"Masakit ba?" napapitlag ako sa isang malambing na tinig ng babae mula sa aking likuran.

"Ha...si-sino ka?" pagtalikod ko ay tanging silhouette lang ng isang babae mula sa isang madilim na parte ng parking lot ang aking nakita.

"I think the better question is 'How can I help you'. " unti-unti itong lumakad, mula sa kadiliman ay nalantad ang kanyang itsura. Napatulala ako ng tuluyan na itong nakarating sa harapan ko, napaka-perpekto ng kurba ng kanyang pangangatawan, matangkad din ito at makinis ang maputing balat. Mahaba ang buhok niya at napaka-ganda niya. Sa totoo lang, mapagkakamalan mo siyang Korean celebrity.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon