Chapter 27: Love come back

5.2K 211 10
                                    

**Sheign's Point of View**

"Ayan kausapin nyo na siya, aasikasuhin ko lang ang mga anak ko ha, kayo na ang bahala riyan." bilin ng babae na siya rin palang bunsong anak ng matanda saka ito tuluyang lumabas ng silid.

Nagkatinginan muna kami ni Neight, saka ko siya nginitian. "Magiging maayos din ang lahat." I said.

"I hope so." nauna na siyang lumapit sa matanda. Nakatayo lang siya sa tabi ng kama nito habang ako'y nakaupo sa isang mono block sa tabi ng matanda.

"Ahem...uhm hi Lolo!!" masiglang bati ko dito.

"Psst 'wag nga daw sumigaw eh." saway ni Neight sa akin.

"Binabati ko lang naman siya!" ganting sigaw ko dito.

"Pwede namang bumati ng mahinahon eh, lakas ng sayad!"

"Hmp salbahe ka! Matapos kitang i-comfort ganito lang ang igaganti mo?! How dare you?!" nakapamewang kong saad, abnormal din talaga tong zombie na 'to eh.

"Sa tingin mo talaga comfort ang tawag dun?!"

"Oo---"

"Tigil!! Sino ba kayo?! Lumayas nga kayo sa tabi ko!! Ang iingay ninyo buwisit!!" nagulat ako ng biglang magsalita ang matanda.

"Oh hi Lolo Bong! Gising na po pala kayo, kamusta po ang pakiramdam ninyo?" pinilit kong umayos. Bakas sa itsura ng matanda ang labis nitong katandaan, buto't balat na ito at halos wala ng paglagyan sa kanyang katawan ang kulubot, umpak na rin ang mukha niya at halos wala ng natitira sa puting buhok nito. Maging ang tinig niya ay tila basag na rin.

"Ay sino ba kayo?" bahagya nitong pinasisingkit ang mga mata, marahil ay dahil hindi nya na rin kami nakikita ng malinaw.

"Ahm..ako po pala si Sheign Andrea Rodriguez and this is my boyfriend Ne--- Nathan Lazaro!" feel na feel ko kasi ang salitang 'boyfriend' ihhh.

"Oh ay ano namang pake-alam ko sa inyo? Bakit ba kayo narito? Papaliguan nyo ba ako?" sabay pa kaming napangiwi ni Neight. "Ay naku hindi ako sasama sa inyo!! Ilang beses ko ba sasabihing ayoko maligo ha?!"

"H-hindi po Lolo, relax lang po sa katunayan nga po ay naparito kami para surpresahin kayo!" hindi ko alam kung saan ko ba nakuha ang ideyang 'yon.

"What are you sayin' ?" takang bulong ni Neight na hindi ko na lang pinansin.

"Ano kamo?!"

"May surpresa ho kami sa inyo!" bahagyang nilakasan ko ang aling boses.

"Sinong Prinsesa?" ugh ang hirap namang kausapin nito.

"Surpresa ho lolo!" itinapat ko na sa tenga niya ang bibig ko.

"A-ambrocia? Ang mahal kong si Ambrocia! Huhuhu bakit niya ko iniwan, nauna pa siya sa akin." bigla namang humagulgol ng iyak ang matanda. Napabuntong hininga na lang ako.

"Tss you're crazy." lalo pang lumapit si Neight sa matanda. "Mawalang galang na ho, pero naparito po kami para tanungin kayo tungkol sa kasong hinawakan n'yo 50 years ago, Retired Police Inspector Bonifacio Asna." direktang saad niya gamit ang malakas ngunit malinaw na boses.

"Kaso? A-anong kaso? " tila napukaw rin namin ang atensyon ng matanda.

"Kaso ng pagkamatay ng pamilya Lazaro." tiim bagang na sabi pa ni Neight. Kinakabahan ako sa pagbabago ng reaksyon niya.

"Lazaro....Lazaro..." sandaling nag-isip ang matanda. "Don Frederico Lazaro...Donya Clara Lazaro...." nagkatinginan pa kami ni Neight sa ginagawang pagbulong ng matanda sa pangalan ng mga magulang niya.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon