Chapter 12: Welcome to Hell?!

6.3K 342 23
                                    

**Sheign's Point of View**

"mahal kita Sheign, hindi lang bilang kaibigan ..mahal na mahal kita"

"Neight....Neight..."
"Iha? Iha ayos ka lang ba?", dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, sumalubong sakin ang maamong mukha ng isang pari na may mapuputi nang buhok. "Halika, tumayo ka." Inabot niya ang kamay ko para maitayo.

Luminga-linga ako sa paligid."Father, nakita nyo ho ba yung kasama ko ?", tanong ko.

"Naku, e wala ka namang kasama dito pagdating ko, mag-isa ka lang na nakahiga dito sa sahig, ay napapano ka ba iha?", alalang tanong niya.

"Pasensya na po kayo Father, galing ho ako diyan sa kalapit resort kaso ay may masamang nangyari..",nagbalik sa ala-ala ko ang lahat ng pangyayari, kung paanong pinagtawanan ako ng lahat at hinusgahan, kung paano nila ako pinahiya sa lahat ng tao doon. Hindi ko namalayang pumatak na pala ang mga luha ko...I remember how Neight saved me from the darkness na halos lamunin na ako ng buhay.

"Oh, bakit ka umiiyak?" , si Father.
"W-wala ho, uuwi na po ako salamat po" ,tumango ako at akmang lalabas na ng chapel ng maalala kong wala pala akong pamasahe, nalaglag yung purse ko doon sa pool. Napalunok ako. "Uhm Father..."

"Sumabay ka na sa akin at pa-bayan din ako iha", nakangiti niyang saad na tila ba nabasa niya ang iniisip ko. Muli ay tumango lang ako. Sumakay na kami sa kotse niya.

Neight..nasan ka na ba,? Iniwan mo na ba talaga ako ?pero diba sabi ko naman sayo hindi ko kaya!!
"Hindi ko kayaaaa!!" ,napahagulgol na ako at wala na kong pakialam kahit tumulo ang sipon at laway ko, mailabas ko lang 'yong sakit! Hindi ko kaya na simula ngayon wala ng Neight na mag-aalaga at susubaybay sakin, wala ng makulit na multo na araw-araw akong pinapasaya!! Wala na kong kaibigan! wala na yung kaisa-isang nilalang na nagmamahal sakin kahit pa hindi ko sya kadugo. "Pasensya na ho k-kayo Father ha".

"Ayos lang iha, mas mahihirapan ka 'pag hindi mo yan inilabas", nakangiti niyang saad habang nakatingin sa kalsadang aming tinatahak.

Makalipas ang ilang saglit ay narating na namin ang aming bahay . "Father maraming salamat ho , tuloy po muna kayo sa loob." Paanyaya ko.

"Naku, salamat iha pero nagmamadali rin ako ." tanggi niya.
"Ah, sige ho mag-iingat kayo", tango na lang ang isinagot niya bago tuluyang pinaandar ang kotse. Pumsok na rin ako sa loob ng bahay.

"Sheign! Jusko saan ka ba nanggaling ? ba't ganyan ang itsura mo? anong nangyari?!", sunod-sunod na tanong ni Mommy.

"Magpapahinga na ho ako.", tumuloy na ako paakyat sa kwarto ko ,oo nagugutom na ko pero parang hindi ko kayang kumain isa lang ang gusto ko! si Neight lang! Hindi ko maisip kung kaya ko pa bang bumalik sa school pagkatapos ng nangyari, dahil malamang ay pagtatawanan at aasarin lang ako ng mga tao 'don at wala ng pwedeng magtanggol sakin . Lahat sila niloko ako! pati ang lalaking paulit-ulit kong pinagkatiwalaan ay ganito rin pala ang gagawin sakin! Ang sakit ..sobra ganito na ba ko katanga, kabobo para paglaruan ako ng lahat? Ano bang kasalanan ko sa kanila ,ano bang ginawa ko para pahiyain nila ko ng ganon?!

Isinubsob ko ang mukha ko sa unan doon ako sumigaw ng sumigaw at umiyak ng umiyak, 'till I felt my throat almost burning, wala na kong boses at halos maubos na rin ang luha ko. But I just don't care, kahit pa sabihin nyong walang magagawa ang pag-iyak at pagsigaw ko, wala akong pakialam dahil ito na lang ang naiisip kong paraan para maibsan yung sakit.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon