**Neight's Point of View **
Maaga akong nagising kahit hating-gabi na 'ko nakatulog, lulugo-lugo akong bumangon at nagtungo sa banyo, sh*t ano bang pumasok sa utak ko at sinabi ko 'yon sa kanya?! Argh, baka bigla s'yang magtaka o magbago ang pakikitungo n'ya sa'kin.
Bakit ba kasi napaka-kulit n'ya, nadulas tuloy ako. Tsk bahala na, unang araw nga pala ng trabaho ko ngayon sa kumpanya NAMIN. Naligo na ako at nagbihis, nagsuot ako ng mint green long sleeve, tuxedo, black slacks, black shoes at nagdala rin ako ng briefcase na ang laman lang ay mga kung anu-anong papel. Wala eh, masabi lang na may dala.
Ganito ang isinusuot noon ni Papa kapag papasok sa kumpanya at siguro naman ay ganito pa rin ang tamang kasuotan. Ipinatong ko na ang aking Fedora Hat na nahalungkat ko pa sa drawer ni Papa sa mansyon noong nanguha ako ng mga ari-arian namin.
Paglabas ko pa lang ng apartment ay pinagtitinginan na ako ng mga batang naglalaro sa kalsada. "Tingnan mo oh, si Jose Rizal kaya 'yon?" aning batang mataba.
"Huh, baka si Apolinario Mabini." sagot naman noong payat.
Nahh, eh ano naman kung kagaya ko sila ng porma? Those people are geniuses of their times, then I must be proud. Sumakay na ako sa kotse at nagsimulang magmaneho.
hmm...daanan ko kaya s'ya? Since parehong ngayon ang simula namin sa trabaho.
Nakangiti kong tinahak ang daan patungo sa bahay nila Sheign, sigurado manlalaki na naman ang mata n'ya kapag nakita niya ko, tapos makikita ko na naman 'yong nakakatawang ekspresyon n'ya kapag sinasabihan ko s'ya ng sweet words. Mukha kasi s'yang nahipan ng hangin at parang nakakalimutan niyang huminga 'pag ginagawa ko 'yon.
"Hahahahahaha..."
Ilang saglit pa'y narating ko na ang village nila, ngunit hindi pa man ako nakakarating sa harap ng bahay nila ay natanaw ko na agad ang isang itim na kotse na nakaparada doon.
It was Kyle's car. Damn!
Hindi na ako bumaba ng kotse, inantay ko na lang na lumabas si Sheign ng bahay nila, makalipas ang ilang minuto ay nakita kong magkasabay na lumabas ng pintuan si Sheign at Kyle, at hawak pa ni Kyle ang isang kamay nito.
I felt my blood was boiling inside as I clenched my teeth. Nakaka-asar! Kasunod nila ang parents ni Sheign na kapwa nakangiti kay Kyle. Hindi ko man dinig ang pinag-uusapan nila ay nakasisiguro akong masaya ang mga magulang ni Sheign kay Kyle.
Mayamaya pa ay isinakay na rin ni Kyle sa kotse niya si Sheign ,nang maisara na niya ang pinto ay dali-dali siyang umikot para pumunta aa driver's seat. Sa puntong 'yon ay tinapakan ko kaagad ang silinyador, mabilis ang naging pagtakbo ng kotse nang...
"Fvck!" dinig kong bulalas ni Kyle, natalsikan s'ya ng maruming putik mula sa sanaw ng nadaanan ng kotse ko. Good for him though ,at least hindi ko siya sinagasaan. I grinned as I left the village.
**Sheign's Point of View **
Awtomatiko akong napalabas ng kotse nang makita kong muntik nang mahagip si Kyle ng isang kotse.
"Ugh! Damn!".
"Anong nangyari? " mabilis ding lumabas ng bahay sila mommy. Naabutan naming puro putik ang suot na tux ni Kyle, maging ang sapatos at pantalon niya ay puro talsik din ng putik.
"Kyle what happened?" lumapit ako dito.
"Some bastard are trying to ruin my attire, but don't worry I'm fine." nakangiting saad niya. "Doon na lang ako magpapalit sa opisina."
BINABASA MO ANG
That Pervert GHOST
Teen FictionPaano kung malaman mong ang number one stalker mo ay isang oh-so-handsome-GHOST?! Will you get scared ? Of course you will. Will you fall in love? Oh no that's crazy ... But what if you will? Basahin nyo po itong nakakabaliw na istorya ng isa...