**Neight's Point of View**
Nagising ako sa sunod-sunod na pagtunog ng doorbell, nahh ngayon na nga lang makakapagpahinga ng maayos may istorbo pa. Padabog akong tumayo at tinungo ang pintuan.
"Kyle?" ano naman kayang ginagawa niya dito.
"Puntahan mo si Sheign." seryosong saad nito.
"Ha? Ako? Bakit?"
"I know she needs you more than me, kaya kahit nakakag*go, makiki-usap akong puntahan mo sya." hindi ko rin maintindihan 'tong taong 'to eh.
"Ano bang meron? Saka 'bat ko sya pupuntahan?"
"Nasa ospital ang lola niya, you don't know how much she love her lola kaya sobrang nahihirapan sya ngayon and I just can't do anything para mapagaan ang loob niya, so please puntahan mo sya." kinabahan naman ako bigla.
"Fine, saang ospital ba?"
"Eto ang address, and here's my calling card just inform me." kinuha ko na lang ang mga 'yon at muli nang bumalik sa kwarto ko para makapagbihis.
Tumawag na rin ako ng taxi, habang nasa byahe ay tiningnan ko ang ibinigay saking calling card ni Kyle, ano naman kayang gagawin ko dito eh wala naman akong cellphone ,hindi ako marunong gumamit 'non at ayaw ko na ring pag-aralan. Tinitigan kong mabuti ang nakasulat doon.
Kyle Andrew Santiago? Teka bakit parang pamilyar ang apelyidong 'to? Ayon tama! Santiago's Publishing Company! Ang kompanyang inihabilin ni papa sa kaibigan niya, ibig sabihin ay pamilya ni Kyle ang kaibigan ni Papa?
"Sir nandito na ho tayo." sabi ng taxi driver, alinlangan akong napatingin sa malaking building ng ospital, hindi ko alam kung dapat ko ba syang unahin o babalikan ko si Kyle, alam kong maaari niyang masagot ang ilang mga katanungan ko tungkol sa pagkamatay nila Mama. "Sir? Baba ho ba kayo? " .
"Ah...o-oo eto." iniabot ko sa kanya ang bayad saka tuluyang bumaba ng sasakyan, ewan ko ba pero pakiramdam ko ay mas dapat ko syang unahin.
"Ma'am saan ho ang room ni----" patay hindi ko alam ang pangalan ng lola niya.
"Uhm Sir nino ho?" tanong ng nurse.
"Rodriguez, matandang babae saka m-may kasamang dalaga na may suot na makapal na salamin." I just tried to describe them.
"Ah..si Mrs. Marianita Rodriguez ,Room 345 po sir." nakangiting sabi nya saka ko sinimulang suyurin ang building para hanapin ang silid. Mayamaya pa'y nahanap ko na rin, marahan ko iyong binuksan at tumambad sa akin ang natutulog na si Sheign habang nakayukod sa kama ng lola niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino itong nakahiga sa kama. "M-Mamang? Mamang Anita?" halos hindi ako makapaniwala, kahit na malaki na ang ipinagbago ng itsura nito kumpara sa nuo'y makinis at kayumanggi nitong balat. Siya si Mamang, ang parati kong kasama sa bahay sa tuwing umaalis sila Mama at Papa para sa trabaho.
"N-neight?"
**Sheign's Point of View **
"N-neight?" ,nagising ako nang maramdaman ko ang pagpasok ng isang nilalang sa loob ng kwarto ang I was surprised it was Neight, pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit ganito na lang siya kung makatitig sa lola ko, hindi kaya naaalala niya ito?
"Y-you know her?" tanong pa niyang nananatiling nakatingin sa natutulog kong lola.
"Huh? Yes she's my grandmother." deretsahang sagot ko.
"Sya si Mamang!! I missed her so much!" bigla na lang niyang niyakap si Lola na para bang apo siya nito. "She's been my yaya since I was a child, hindi ko inakalang makikita ko pa pala uli siya." nakangiti pa siyang parang bata, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot lalo na sa kalagayan ni lola ngayon.
BINABASA MO ANG
That Pervert GHOST
किशोर उपन्यासPaano kung malaman mong ang number one stalker mo ay isang oh-so-handsome-GHOST?! Will you get scared ? Of course you will. Will you fall in love? Oh no that's crazy ... But what if you will? Basahin nyo po itong nakakabaliw na istorya ng isa...