Chapter 43: Almost A Happy Ending

4.2K 175 35
                                    

A/n: READ THE AUTHOR'S NOTE AT THE END OF THIS CHAPTER.

_________________________________________________________________________________________________________

**Sheign's Point of View**

Nagising ako at agad kong kinapa ang tabi ko, wala si Neight kaya nagdilat na ako ng mga mata. Nandon s'ya sa dulo ng bed nakaupo at nakatakip sa mukha ang mga palad. Di ko alam kung tama ba yung naririnig ko na umiiyak s'ya, sumisinghot-singhot kasi s'ya.

"Neight? Okay ka lang?" Marahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. Nakabalot lang ako ng kumot habang s'ya ay nakaboxer shorts. Kita ko pa ang bakas ng natuyong dugo sa hita ko, I just smile, after all siya lang naman ang lalaking nais kong pag-alayan ng virginity ko.

Nagulat ako nang tanggalin n'ya ang mga kamay ko, saka ito tumayo at napasabunot sa buhok. "Mali 'yon! D-dapat hindi nangyari 'yon Sheign!" Pasigaw n'yang saad.

"No, wala akong pinagsisisihan sa ginawa natin. Handa ako sa ano mang mangyayari kaya pwede ba 'wag kang mataranta d'yan." Katwiran ko.

"Hindi mo naiintindihan eh! Ayokong mapahamak ka, nangako ako kay Mamang na aalagaan at sisiguruhin ko ang kaligtasan mo. Hindi! Dapat nagpigil ako!! I'm so damn stupid! Argh!" Inis na inis nyang sinuntok ang pader.

"Neight okay lang talaga! Kung ikamamatay ko 'yon hindi ko parin pinagsisisihan ang ginawa natin. Mas gugustuhin ko pa nga 'yon para makasama na kita!" I said, unti-unti na rin akong nagbihis.

"No! Madali para sa'yong sabihin 'yan Sheign hindi natin alam kung ano ang mangyayari kung magbunga yung ginawa natin! Hindi lang ako o ikaw, may iba nanamang buhay ang madadamay!" Kitang-kita ko ang galit n'ya sa sarili. Pagkatapos kong magbihis ay agad ko s'yang nilapitan at pilit na niyakap.

"Eto ang tatandaan mo Neight, kahit ano mang resulta ng nangyari hindi ko na yon pagsisisihan, ginusto ko 'yon at kung sakaling maulit pa 'yon parin ang gagawin ko. Mahal kita. Mahal na mahal.. Alam ng Diyos 'yan. Magtiwala tayo sa kanya, alam kong hindi nya hahayaan na may inosenteng buhay ang madamay." Pinipilit ko s'yang i-comfort.

Hindi na s'ya umimik, niyakap nya na lang ako at hinalikan sa buhok. "Sana nga.. Sana nga..".

***
Lumipas ang ilang araw ay doon parin ako namalagi sa apartment ni Neight, maka-ilang ulit din namin ginawa 'yon. Kasalanan 'yon alam namin pero gaya nga ng sinabi ko ay handa akong panindigan ano man ang mangyari.

"Handa ka na para bukas?" Nakangiti n'yang saad habang iniaabot sakin ang aming almusal. Bukas na ang araw ng kasal namin.. Bukas na sya tuluyang mawawala sa akin.

"Honestly.. Hindi." Malamig kong tugon. Sa lahat yata ng ikakasal ako na ang pinakamalungkot at hindi nae-excite, biruin mo ang mismong araw ng kasal ko ay ang araw na mawawala rin ang taong papakasalan ko.

"Let's accept it, wala na tayong magagawa." Pinisil pa niya ang kamay ko.

Mabilis lumipas ang oras, kung kelan mo gustong tumagal saka naman lalong bumibilis. Pinakamahirap na yata tong pagsubok na pagdadaanan ng relasyon namin. Wala na kaming magagawa dahil buhay at kamatayan na ang pinaguusapan dito, gaya ng mga sinasabi kapag ikinakasal, 'till death do us part' and it'll happen literally right after we said those vow.

"Ihahatid na kita sa inyo, tara?" I just smiled and follow him. Tahimik ang naging byahe namin, hindi na ko nagsasalita dahil baka mapunta na naman kami sa usapang pag-alis n'ya, ang sakit-sakit na.

"Sheign anak!" Sinalubong ako ni mommy pagkababa ko pa lang ng kotse, lumabas din ng bahay si Daddy at Mamang... Pati si Kyle, Brittney, Scarlett at Aya. Shocks! Ngayon ko na lang ulit nakita 'tong dalawang alipores ni Brittney ah! Huling lumabas ang Daddy ni Kyle na may ngiti sa mga labi. Ang weird lang kung bakit narito silang lahat.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon