Chapter 39: Dead or Alive?

3.4K 164 9
                                    

**Sheign's Point of View**

Sabi nila mortal na kasalanan daw ang magpakamatay, is that so? Ibig bang sabihin deretso na ako sa impyerno? Kung ganon nakapasok na ba si Neight sa pinto ng langit? Ito naman ang gusto ko hindi ba, ang matulungan ko s'ya... kahit pa kapalit non ang pagdurusa ko sa kabilang buhay. Masakit na hindi ko man lang s'ya makakasama... na yong natitirang pag-asa ko na makasama s'ya ay wala na rin. Pero mahal ko s'ya... mahal na mahal, kaya kong ibigay ang lahat para lang mamayapa s'ya.

***
tooot...toot...tooot...

Naulinigan ko ang tunog ng isang makina, mabigat ang talukap ng mga mata ko at sobrang tuyot ang aking lalamunan. Marahan akong nagmulat, nakakasilaw ang puting ilaw... ilang segundo rin akong kumurap-kurap bago ko maaninag ang lugar... malabo man sa paningin ko ay alam kong nasa loob ako ng puting silid... at malamang ay nasa ospital ako ngayon. At ibig sabihin ay buhay ako! P-pano? Si Neight... kung buhay ako ibig bang sabihin ay nagtagumpay si Charlotte sa pagkuha sa kanya?! Hindi!

Masakit pa ang braso at buong katawan ko, pinilit kong gumalaw... "S-Sheign anak..." I heard my mom's voice. "Tatawag lang ako ng doctor!".

Wala na ang contact lens ko kaya talagang malabo ang paningin ko, isa-isa nang pumasok ang mga nakaputi na malamamg ay nurse at doctor kasunod ay sila mommy at isang lalaking nasa wheel chair.

Nabuhayan ako nang loob! Si Neight! Buhay s'ya!

"N-Neight!" pilit kong tinatawag ang lalaki habang chine-check ng doctor ang vitals ko. Nagulat na lang ako nang may magsuot sa akin ng eye glasses... si mommy pala. Magiliw akong lumingon sa nakaupo sa wheel chair... pero ganon na lang ang panlulumo ko nang malamang hindi pala si Neight yon... kundi si Kyle.

"Okay na ho ang pasyente kailangan na lang magsagawa ng ilang mga test para masiguradong ligtas na s'ya at tatapusin din ho muna natin ang mga gamot na ii-inject, ano ho?" Ani doctor, tumango naman ang daddy ko.

Kumpleto sila dito kasama si Lola at Kyle... pero wala na ba talaga si Neight?

"Apo! Buti na lang ligtas ka!" mangiyak-ngiyak pa akong niyakap ni Lola Anita. Sabik na sabik na rin ako sa yakap na 'to... kahit papano ay gumagaan ang loob ko.

"The rescuer came right before we both sink in the middle of nowhere." Ani Kyle na puno pa ng benda ang mukha at katawan.

"P-pano..." hindi ko alam kung ano bang dapat kong itanong. Parang nababarahan ang lalamunan ko sa tuwing iniisip ko ang maaaring isagot nila sa akin kapag tinanong ko kung nasaan si Neight.

"They've located the GPS of my waterproof phone, luckily it's not dead and there's a signal present." Tss sana hindi n'ya na lang ako isinalba. Mas gugustuhin ko pang mawala na lang para hindi ko na nararamdaman 'tong hirap at sakit.

Inalis ko ang tingin sa kanila, muli ay nag-init ang mga mata ko... eto na naman ang walang kamatayan kong luha. Ang sakit lang isipin na wala akong nagawa, sa kabila ng lahat mga sakripisyo namin para maitawid s'ya sa langit ay wala pa ring nangyari. Siguro mas magiging masaya pa ko kung natuluyan ako, at least alam kong tagumpay kami at natahimik na ang kaluluwa ni Neight... kesa sa ganito, I feel so much useless.

"Sheign, honey wag ka nang umiyak makakasama sa'yo yan." Hinaplos pa ni mommy ang buhok ko, but it doesn't give any comfort, I just felt the worst.

"S-si Neight... w-wala na s'ya di ba?" tuluyan na akong humagulgol ng iyak, I really don't care how messed I am or how it'll affect my condition anyway.

"Sshhh..."Tahimik lang silang lahat, walang nagsasalita at wala ring makatingin sa akin.

"Ano?! Asan s'ya? Kinuha na ba s'ya? Lola sagutin nyo naman ako!" papiyok na ang boses ko, pero kahit anong gawin ko ay ayaw nila magsalita.

"Kyle!! Ano ba!! Bakit ayaw nyo magsalita!!" sigaw ko, umupo na rin ako sa kama, hindi ko mapigilan ang inis, gusto ko lang malaman... gusto ko lang ng sagot!

"Bakit ayaw nyo magsalitaaa!!" isinubsob ko ang mukha ko sa aking palad, gusto ko lang naman ng kompirmasyon para hindi ako nagmumukang tanga dito kasi kahit anong pilit ko umaasa at umaasa parin ako na sana hindi sya nawala!


Ibinuhos ko lahat ng lungkot at galit na nararamdaman ko, from now on gusto ko na lang umiyak ng umiyak. I don't think I could live a normal life again after this, oo matagal ko ng pinipilit ihanda ang sarili ko na ano mang oras ay kukunin din sya sakin pero ang hirap pala talagang tanggapin kapag dumating na.

"Sheign..." halos matuyo ang utak ko sa pamilyar na boses na ririnig ko! This couldn't be him.... nag-angat ako ng ulo, There in front of me, he's standing. His usual attire and hairstyle... no matter how oldies he was... it's still the coolest fashion I've ever encountered. Freely smiling while holding a bouquet of red roses, nanginginig ang baba ko habang papalapit s'ya.

"N-Neight? " Para bang nagliwanag ang buong paligid at s'ya na lang ang tanging bagay na nakikita ng nga mata ko.

Nang tuluyan na itong makalapit ay nag-alinlangan pa rin ako. "Teka! Baka hindi ka totoo! Baka multo ka na naman, o kaya baka imagination lang kita... b-baka naman ikaw si Charlotte at ginaya mo na naman ang Neight ko!... o baka---" my eyes stretched in shock when our lips just colide!

Hawak nya ang buhok ko... hindi ko rin alam kung gaano katagal na magkadikit ang labi namin... isa lang ang sigurado, ramdam ko ang init ng hininga n'ya, ang katawan n'ya... gumagalaw at mga mata nyang buhay na buhay. Nandito sya sa harap ko... hindi sya nawala... hindi pa pala.












________________________________

To be continued...


a/n : WAAAAH AKALA KO TALAGA NAPUBLISH TO AFTER THE PREVIOUS CHAPTER. OH MY GOD SORRY. MAIGSI LANG SYA, SIGURO 4 OR 5 CHAPTERS MORE TO GO AT MATATAPOS NA SYA. SALAMAT SA WALANG SAWANG PAGIINTAY.

LOVE LOTS.

VOTE & COMMENTS GUYS.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon