Chapter 38: Fight for Love

3.5K 166 9
                                    

**Neight's Point of View**

Nasa loob lang ako ng coffee shop sa tapat ng SPC building, waiting for Sheign's call. Hindi ako mapakali parang gusto kong sumunod sa loob. Inubos ko na ang kape saka lumabas ng shop, bahala na.

Tumawid na ako at diretsong tinahak ang main entrance ng building. Akmang papasok pa lang ako nang harangin ako ng gwardiya.

"Sir Nathan? Naku sir pasensya na ho pero pina-ban na po kayo dito sa SPC." awat sa'kin nung gwardyang doble ko pa ang laki ng katawan.

"Manong please, may sasabihin lang ako kay Sheign. Promise mabilis lang 'to kung gusto n'yo samahan n'yo pa ko." determinado kong paki-usap. Paulit-ulit ko na rin kasi s'yang tinatawagan pero naka-off ata ang telepono n'ya.

"Pasensya ka na talaga. Hintayin mo na lang s'yang lumabas sa break time." Aniya.

"Sir Nathan!" nabuhayan ako ng loob nang marinig ko ang boses ni Zayn.

"Zayn! Tamang-tama, tulungan mo naman ako makapasok sa loob."

"Huh? Eh di ba kakagaling mo lang sa loob? Sinilip ko pa nga kayong tatlo nila Ma'am Sheign at Sir Kyle mukang seryoso pinag-uusapan n'yo." napakunot-noo ako.

"Nasa labas lang a--" saka lang pumasok sa utak ko ang posibleng nangyari. Ang impostor! "Padaan!"

Marahas ko nang hinawi si Zayn saka nagtatatakbo papasok sa loob. "Hoy!" narinig kong sigaw ng gwardya na malamang ay nakasunod na sa akin.

I run as fast as I could, sinubukan kong pindutin ang buton ng elevator pero maaabutan na ako ng gwardya kaya ginamit ko na ang hagdan.

Parang hindi ko na rin maramdaman ang binti ko, maybe adrenaline takes place inside. Tsk! Sinasabi ko na nga ba't may hindi na naman magandang mangyayari.

Nang marating ko ang opisina ni Kyle ay agad akong pumasok sa loob, walang tao. Nasabunutan ko ang aking sarili, hindi ko alam kung maiiyak ba ako o magagalit, hindi ako makapag-isip ng maayos. Saan naman kaya nila pwedeng dalhin si Sheign?! Mabilis ang tibok ng puso ko, napansin ko naman ang pulang ilaw sa telepono kaya pinindot ko ang voice mail.

"Sir nakahanda na po ang chaper." ani ng isang tinig. Mabilis akong umaksyon, muling tumakbo sa pinakamalapit na elevator para pumunta sa roof top.




**Kyle's Point of View**

"Bilis sakay na! Ano ba yan ang bagal-bagal mo naman!" bulyaw ni Charlotte.

"Tsk teka nga lang and'yan na." Hingal na hingal na nga ako dahil may kabigatan din talaga itong si Sheign.

"Tigil!!" Sasampa pa lang ako sa helicopter ng marinig ko ang isang pamilyar na tinig. Si Neight. "Bitawan mo s'ya Kyle!" napangisi pa ako, mabilis kong iniabot kay Charlotte ang kamay ni Sheign na agad din naman nitong isinakay sa loob.

"Tamang-tama Mr. Lazaro, may utang ka pa nga pala sa'king isang sapak sa pisngi." itinaas ko pa ang manggas ng suot kong sleeve. Madilim ang ekspresyon ng mukha niya, parang isang tigre na handang sumugod ano mang oras, but he's just facing his own death in the arms of a lion.

"Pakawalan n'yo si Sheign." mahinang saad niya.

"Kung ayaw ko?" I grinned.

"Papatayin. Kita." bahagya pa akong napatawa, talagang galit na galit sya.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon