Nagkaroon ng idea si Dannah, sa sinabing iyon ni Mrs Santos sa kanya kani-kanina lang.Bakit hindi niya susubukan na mag-apply bilang chef cooked sa restaurant o sa hotel man.She's graduating Hotel ang Restaurant Management. Dahil mayrun pa rin siyang mga agam-Agam pag dating sa kakayahan niya na pagluluto at ibang resposible bieng chef cook ay hindi pa niya sinubukan noon na mag-apply sa mga restaurant o hotel.
Habang hindi pa masyado'ng busy ay naiisipan niya na gumawa muna ng resume ng sa ganoon ay ma-ibigay niya na kaagad kay Mrs Santos ang Resume na iyon.
Ng matapos niya na iyon gawin ay Tamang-tama palabas na rin si Mrs Santos at kasama nito ang anak na si Steff.Ngumiti siya sa mga ito.Gumanti naman ng ngiti si Mrs Santos.Si Steff naman ay kinawit ang mga maliit na braso nito sa kanya para halikan siya nito sa pisngi.Kaya naman yumuko siya kunti mula sa pagkaupo niya sa upuan ng sa ganun ay mahalikan siya ni Stef ,pinisil niya naman ito sa dalawang pisngi.Hindi kasi ito makapag salita ng maayos, Hindi rin si Steff makapag bigkas ng salita.Dahil may diperinsiya ang dila nito.
Binigay niya na ang resume na iyon kay Mrs Santos.Kinuha naman nito iyon.
" Mag report ka sa sofitil hotel, Dannah for you're interview, " Ani Mrs Santos.
" Huh! Sofitel Hotel? " Anya na tila ayaw niya maniwala sa sinabi nito.Isang malaking Hotel ang Sofitel at kilalang-kilala ang hotel na iyon.Isa sa mga pang mayaman ang hotel na iyon na kadalasan ang pumupunta ay mga mamayaman at sikat na mga tao sa lipunan.Outside or Inside the country.
" Yes, u can report by Monday, Ten oclock in the morning.eleventh floor of Sofitel, please you can asked the guard about my office where is located. " Binigyan siya nito ng calling card. " Kapag hindi mo ako makita kaagad tawagan mo ako sa mga numero ko na andiyan sa calling card na iyan. " Dagdag pa ni Mrs Santos.
Inabot naman ni Dannah, ang calling card na iyon na iniabot sa kanya ni Mrs Santos.Nang makita na niya ang nakasulat sa calling card na iyon ay talagang namangha siya.At saka tumingin kay Mrs Santos.Tila ayaw niya maniwala sa natuklasan niya.Sa kabila ng kasimplihan sa pananamit ni Mrs Santos ay isa pala itong pinaka mayaman nang bansa .
" Mrs Santos, kayo po ang nag mamay-ari ng Sofitel hotel? " Anya na ayaw parin maniwala.
Ngumiti naman si Mrs Santos sa kanya."Paano pupuntahan mo na lang ako sa araw na binanggit ko sa'yo. Mauna na kami ni Steff, sa pag-uwi, " paalam ni Mrs Santos.
" Opo, sige po, mag-iingat po kayo, "Anya .
PAGKATAPOS ng trabaho ni Dannah, ay kaagad ni'ya niligpit ang mga gamit ni'ya at nilagay niya ang mga iyon sa drawer ng kanyang table.Saka nag-ayos narin ng kanyang sarili nagpahid lang siya ng kaunting johnsons powder sa mukha niya.Ritwal niya na gawin iyon kapag hindi kasi si'ya maka pagpulbo pakiramdam niya ay hindi kumpleto ang araw niya. Ng matapos na siya mag-ayos ng kanyang sarili at presko na rin ang pakiramdam niya ay saglit siya sumipat ng salamin upang tignan ang itsura niya.Para ng maka-uwi na si'ya. May dadaanan pa si'ya para bumili ng regalo para sa birthday ni Mitch.Alam niya na nagtatampo iyon sa kanya dahil akala ni Mitch ay nakalimutan niya na ang karawan nito.
Sumakay si'ya ng bus pa puntang mall of asia.Within thirty minutes ay narating na nila ang nasabing mall na iyon.Nang makababa na si'ya ng Jeep ay kaagad ni'ya tinungo ang stuff toy's store. Bibilhin ni'ya ang Teddy bear na nagugustuhan ni Mitch.Alam ni'ya na gustong-gusto iyon ng bestfriend ni'ya bibilhin ngunit nakulang sa budget ito.
Subrang pagmamadali ni'ya ay bigla lang si'ya may nakabanggaan .Pakiramdam ni'ya ay tila nabangga si'ya sa isang puno na matigas.Malakas ang impact nun sa kanya.Mabuti na lang at maagap siya nito nahawakan ng taong bumangga o nabangga ni'ya.Hindi ni'ya na rin ma recognized kung sino sa kanilang dalawa ang unang bumangga.Basta ang alam ni'ya ay nasaktan si'ya nito.
Matangkad ang taong ito kailangan pa niya'ng tingalain ng sa ganun ay makita ni'ya ang itsura nito.Ilang beses pa siya kumurap nang makita niya na ang itsura nito.Ang guwapo ng lalaking ito, mapupungay na mga mata, matangos na ilong na medyo pabilog ang dulo nito, dagdagan pa ang Adam's apple nito , na litaw na litaw sa leeg nito.The man was typically tall dark and handsome pero medyo may pagka brusko ang itsura nito.Masyadong seryoso.
Nakatitig lamang ito sa kanya at nakasalubong ang dalawang kilay nito na hindi masyadong makapal,naka kunot ang noo nito.Saka ni'ya na lang na realize na hawak-hawak pa siya nito sa magkabilang baywang.Pumiglas naman siya sa pagkahawak nito sa kanya.
" Sa klasi ng titig mo sa akin, parang gusto ko na maniwala na ako na ang pinaka guwapo sa buong mundo, "sabi nito na hindi malalaman kung seryoso o nag bibiro lamang.Dahil masyado pa rin itong seryoso at walang man lang maaninag na reaksiyon sa itsura nito.
" Masyado ka naman believe sa sarili mo.Akala mo lang 'yan. " Anya sabay talikod sa lalaking ito.
" Hindi ka man lang magpasalamat sa ginawa kung pagtulong sa'yo ? "
Sabi nito na naririnig niya kaya huminto naman siya sa ginagawa niyang paghakbang, at saka hinarap niya uli ito.
" Ikaw, na nga itong naka bangga sa akin.Tapos sasabihin mo kailangan pa kitang pasalamat!At saka muntik-muntikan na ako matumba dahil sa pagkabangga mo sa akin. " Aniya, na nakataas ang isang kilay.At saka tuluyan na tinalikuran ang lalaking nakabanggaan ni'ya.
Napabungtong hininga na lamang si Alfie, habang sinusundan nang paningin ni'ya ang babaeng iyon na nakabanggaan ni'ya.Ang babaeng iyon ang unang bumangga sa kanya.Mukhang nagmamadali iyon kaya hindi nito napansin na may masalubong at mabanggang tao.Siksikan naman kasi ang mga tao kaya siguro ay ganun.
Nakalayo na ang dalaga'ng iyon kung saan sila aksidenting nagkabanggan.Pero hindi pa rin siya natinag sa kinatatayuan niya.Kahit likod ng dalaga'ng iyon ay hindi niya na makita dahil mabilis iyon nakipagsiksikan sa mga tao naroroon sa mall na iyon.Tila may humahabol sa babaeng iyon sa bilis pa naman nito maglakad at makipagsiksikan.
Maganda ang babaeng iyon pero saksakan naman nang kasungitan at mataray pa iyon.Napakamot na lamang si Alfie sa kanyang batok, sa isiping iyon.May tumapik sa balikat niya ang dahilang siya ay mapalingon para alamin kung sino iyon.Nang lumingon na siya ay nakita niya na si Zaldy pala iyon.Kasama pa nito ang iba pa niyang kasamahan sa trabaho at naging malapit na rin na kaibigan.
" Cheng, mukhang na istatwa ka diyan sa kinatatayuan mo! Sino naman ang tinitignan mo roon? " Sabi kaagad ni Zaldy.
" May nakabanggaan ako na babae, Cheng, maganda sana pero masungit at mataray. " Anya na may ngiti naka paskil sa kanyang mga labi.
" Mukhang may magandang nangyari, Cheng, ah, na hindi namin alam, " pambubuko ni Jeff.
" Anong magandang nangyari, Bok Jeff, mataray nga 'yon. " Sagot niya rito.
" Nakuha mo ang pangalan at cellphone number? " Tanong naman ni Bjhay, na naka ngisi.Ito na lamang ang hindi pa tumitino sa pambabae.
Anyway apat pa silang hindi pa masyadong seryoso pag dating sa seryosong relasyon, dahil si Alvin, isa rin iyon na playboy at wala rin iyon seryoso na relasyon
.Dagdagan pa ni Gavillanes, na iyon ang pinaka babaero sa lahat.Tila isang laruan lang ang mga babae pa rito.Napabuntong hininga na lamang siya ng maisip niya na rin ang kanyang lovelife at ang problima niyang hinaharap kung paano niya iyon malagpasan na wala siyang tao na masasaktan at masagasaan.
Samantala sina Rusthy at Jeff ay may kanya-kanyang sariling pamilya na.Malaki na rin ang panganay ni Rusthy, na si Tristan.Si Jeff naman stage on denying parin sila nito ng Asawang si Blaire.Pero pasasaan at magkakaaminan din ang dalawang iyon.
" Bok, paano ko makuha ang sinasabi mo'ng cellphone number, eh, kahit pangalan nun ay hindi ko nagawang itanong.Hindi nga humingi nang sorry.Basta-basta nalang ako sinungitan at tinalikuran,magawa ko pa kayang gawin ang mga pinagsasabi mo? At saka hindi ko na rin naisip ang mga iyon.Biglaan lang kasi ang nangyaring iyon. "
" Cheng, sayang na sayang, "palatak na wika ni Gavillanes.Sabay pitik ng dalawang daliri nito.
" Bok, Gavillanes.Umandar na naman 'yang pagka manyak mo. " nakangisi na sabi ni Rusthy.
" Tado! ka Bok, ikaw naman nagbibiro lang ako, " Sagot naman ni Gavillanes.
" Basta, babaeng maganda na ang pinag-uusapan.Hindi na 'yan palagpasin pa ni Bok Gavillanes. Di ba Bok? " Pang-aasar lalo ni Alfie.
" Mga Cheng, larga na tayo, kanina pa si Mitch tawag ng tawag sa cellphone ko.Tinatanung kung nasaan na raw tayo, " sabad ni Zaldy.
" Naka bili kana ng regalo para sa kay Mitch, Bok? " Tanong ni Alfie.
" Oo, Tara na, larga na tayo.Kung ang babae parin na iyon ang magiging topic sa usapan natin wala naman na mangyayari.At saka hindi na 'yon ni Cheng Alfie, makikita pa uli. " Sabi ni Zaldy.
" Cheng Alfie, may ipakilala akong checks sa'yo mamaya, sigurado magugustuhan mo iyon, "dagdag pa nito.
" Mukhang binubugaw mo ako sa lagay na 'yan, Bok ," sabi ni Alfie na naka ngisi.
" Sabihin mo na kung ano, basta ipakilala kita sa kanya.Baka ikaw pa ang magiging daan para magbago ang pananaw niyon sa buhay, " sabi ni Zaldy.
Na curious naman si Alfie sa sinabi ng kaibigan niyang si Zaldy.Bakit siya ang maging daan na magbago ang pananaw sa buhay ng babaeng iyon na ipakilala sa kanya nito.
" Bakit? ang ibig ko sabihin anong pananaw niya, Bok? " Tanong niya rito.
" Broken hurted kasi iyon.Ang sabi ni Mitch sa akin kaya hindi na daw na nakipag boyfriend ulit ang bestfriend niya dahil naka handa na itong magiging matandang dalaga , " sagot naman ni Zaldy.
Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Zaldy, mas lalo siyang naging intresado sa bestfriend ni Mitch.
itutuloy.....
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heart by: Ashlie Dreamer
RomanceTake Me To Your Heart http://tagalogromanceetc.com Written by: Ashlie Dreamer