Kakaiba ang umagang iyon para kay Dannah, mahimbing ang tulog niya nang nakaraan gabi.Himala yata ang nangyari sa kanya.Kadalasan kasi kapag nasa ibang bahay siya natutulog lalo na sa hindi niya sariling kama ay nakaramdam siya nang pamamahay.Pero sa nakaraan gabi ay kabaliktaraan.Bumangon na siya at saka inunat ang dalawang braso niya nakaramdam siya na tila namamanhid ang mga iyon.Pumunta siya sa banyo nasa loob lang din ng silid na inuukupa niya.Nasa loob na ay nagtoothbrush at naghilamos na siya.At saka nagsuklay ng kanyang buhok.Saglit niya pinasadahan ang kanyang sarili sa salamin.
Lumabas na siya ng kuwarto.Naamoy niya ang mabango na niluluto nanggaling sa kusina ang amoy na iyon.Pumunta siya ng kusina nasa pintuan pa lang siya ay nakikita niya ang binata na nakaharap sa kalan at busy sa pagluluto nito. Nakasuot lamang ito ng pambahay na damit ngunit hindi nababawasan ang kakisigan na taglay nito.At may suot pa itong apron. 'Ano kaya ang hitsura nito kapag nakikita niya ito ng paharap? ' aniya sa sarili.Gusto niyang kiligin sa isipin na iyon.Pero nang maalaala niya ang mga pinaggagawa nito sa kanya ay bigla naman siyang nainis rito.
Hindi niya alam kung gaano na siya nakatayo at nakatigagal sa may pintuan.Humarap ito sa kanya na may mga ngiti na nakapaskil sa mga labi nito.Pawis na pawis ang mukha nito pati na rin ang noo nito.
" Good morning, " bati nito sa kanya.
" Nagugutom ka na ba? Saglit na lang ''tong niluluto ko at matapos na rin ito.Maupo ka na lang muna. " sabi pa nito.
" Anong good sa morning? " pambabara niya rito.
Ningisihan lang siya nito.At saka binalik ang attention nito sa pgluluto .Gusto niya itong lapitan at tulungan pero mas minabuti niya na Maupo sa mesa.May kalokohan na naman siyang naisip, gusto niyang gumanti sa mga pinaggagawa nito sa kanya nang nakaraan gabi.
" Matagal pa ba 'yan? Nagugutom na ako! " aniya na nakaupo na siya sa upuan at nakaharap sa mesa.
Nilingon siya nito." Mahal kung Reyna, malapit na po ito matapos, " sagot nito sa kanya. Ayaw yata nito magpatalo sa kanya.
" Ang bagal mo naman! Ganyan ka ba magpakain ng bisita mo rito? Nalilipasan na ng gutom ang bisita mo!" Talagang pinagdiinan niya ang salitang bisita.
Hindi na siya nito pinansin.Lalo siyang naiinis rito.Maya't maya ay lumapit na ito sa lamisa na dala na ang mga niluto nito.
Egg omilet with potatoes at pancake ang niluto nito para sa kanilang agahan.Nagtimpla na rin ito ng chocolate drienks.
" Wala bang kape? " reklamo niya rito.
Tiningnan siya nito na may Kunot noo. " ' Yan na ang inumin mo.Mas masustansiya ang chocolate drienks kaysa kape. "
" At saka damihan mo ng kain sa ganoon magkaroon ka nang kaunting laman.Ayoko ng babae na nasubrahan ng payat. "
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heart by: Ashlie Dreamer
RomanceTake Me To Your Heart http://tagalogromanceetc.com Written by: Ashlie Dreamer