NAALARMA naman si Alfie nang makita niya na umiiyak na si Dannah.Binibiro niya lamang ito na itatanan niya.Ngunit tila naniwala naman ang dalaga sa kanyang sinabi.Muli niya hininto ang sasakyan sa gilid ng kalsada ng sa ganun ay makausap niya ito ng maigi.
" Sweety, stop crying please.Wala akong candy na dala rito para ibigay sa 'yo nang sa ganoon ay tumahan ka, " Aniya na binibiro pa rin ang dalaga.
Ngunit tila baliwala lang iyon kay Dannah.Umiiyak pa rin ito.Bumuntong hininga muna siya at saka nagsalita uli.
" Okay, Kung ang pinag-alaala mo na baka nag-alaala na sa'yo si Tita Nida.You're wrong sweety dahil hinabilin ka niya muna sa akin.Umuwi siya kanina ng Iloilo. Sabi niya kasi ay may emergency na nangyari roon sa probinsiya kung kaya't kailangan niya na umuwi muna. " Mahabang wika niya rito.
" Hindi man lang ni Tita, nagawa na tawagan ako kahit na saglit lang? " panghihinampong na sabi ni Dannah.
" Nagmamadali siya kanina.Nagkataon na paalis din sina Mitch at Zaldy.Kung kaya'y naki-usap sila sa 'kin na kung puwede na samahan muna kita. "
" Bakit mo ako isama sa Santa Clara? "
" Isinama kita roon dahil sa para makapag-relax ka rin.Kaysa naman na tumambay tayo roon sa bahay niyo. "
" Pero kung gusto mo talaga na itatanan kita ay okay lang sa akin. " Hirit pa na turan ni Alfie.
" Ang lakas talaga ng hangin diyan sa katawan mo. "
" Sa matcho ko na 'to may hangin? " Banat ni Alfie na hindi mapuknat-puknat ang mga ngiti sa labi niya.
" Magmaneho ka na lang nga! mamaya ay magkaroon pa ng malakas na ipo-ipo sa daanan natin. "
Hindi na sumagot si Alfie, alam niya na kapag pinatulan pa niya ito ay mas lalong hahaba pa ang usapan nila na walang katuturan.
Habang binabagtas ng sasakyan ang daan patungo ng Santa Clara ay tahimik ang siyang namayani sa pagitan nilang dalawa.Naka sandal ang likod at ulo ni Dannah sa sandalan ng upuan.At saka pinikit na ang kanyang mga mata.Sinusubukan niyang umidlip ngunit hindi naman siya dinadalaw ng antok. Nagkunwari na lang siya na tulog-tulugan.
Habang si Alfie naman nakatuon ang atensiyon sa pagmamaneho.Maya't maya ay sinusulyapan niya ang dalaga nasa tabi lamang niya na tila nakaidlip na ito.
Napapangiti siya ng lihim sa isipin na makasama niya ang dalaga sa dalawang gabi at dalawang araw na rin.Sisiguraduhin niya na sa pagbalik nila nang Maynila ay magiging maamo na 'to sa kanya.Hindi na siya nito susungitan pa.Palaisipan din sa kanya na masyado itong mainitin ang pakitungo nito pagdating sa kanya.
Narating na nila ang bayan ng Santa Clara.At nasa tapat na sila ng bahay niya.Nabili ni Alfie ang nasabing bahay sa sariling sikap at tiyaga niya.Wala na rin kasi siyang pamilya, nag-iisang anak na lamang siya kung kaya ay palagi na nag-iisa kapag pumunta siya rito.Sa kauna-unahang pagkakataon ay si Dannah pa lang ang babaeng naisama niya rito.
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heart by: Ashlie Dreamer
RomanceTake Me To Your Heart http://tagalogromanceetc.com Written by: Ashlie Dreamer