Chapter Five by: Ashlie Dreamer

2.7K 69 1
                                    

HINDI maipinta ng magaling na pintor ang mukha ni Dannah, habang papasok sa loob ng bahay.Nabigla talaga siya ng makita niya ang lalaking iyon. Sa hindi inaasahan ay kaibigan pa pala ni Zaldy iyon, pero bakit hindi niya nakita kanina sila Zaldy at Gavillanes? at ang iba'ng mga kaibigan pa nito na kilala niya.


Kaagad niya tinungo ang kanyang kuwarto.Nang nakita siya ni Mitch ay kaagad siya nito tinawag.At saka nalang niya na naalaala ang teddy bear na bitbit niya na muntik niya na rin makalimutan na ibigay ito sa bestfriend niya.


"Kanina ka pa? "Tanong kaagad nito ng makalapit na siya rito.


" Hindi, kararating ko lang, "sagot naman niya rito.


At saka binigay ang regalo niya para rito. " Happy birthday best, " aniya.


" Ang laki nito ah! ano ang laman nito best? "


" Buksan mo na lang mamaya ng sa ganun makita mo kung ano ang nasa loob niyan. Si Tita Nida, nasaan? " Tanong niya rito.Dahil hindi pa niya ito nakikita simula ng dumating siya.


" Nasa kwarto niya na, naka tulog na yata.Paano Uminom na naman ng beer kanina, kaya ayon nakaramdam ng pagkahilo raw. "


" Kumain ka na Best, " sabi pa nito.


" Palit lang ako ng damit, Best, " paalam niya rito.


Nagpaalam na siya rito kay Mitch.At saka binaybay ang hagdan paakyat sa pangalawang palapag ng bahay na kung saan ang kanyang kuwarto.Ng narating niya na ang kanyang kuwarto ay kaagad siya pumasok doon.


Nagpalit siya kaagad ng damit.Tinungo ang kanyang kama.Binagsak ang pagod niya'ng katawan sa malambot niya'ng kama.Wala na siya'ng balak pa'ng bumaba. Dahil maingay na masyado roon, napasimangot si Dannah nang maalaala niya ang lalaki na nakabanggaan niya kanina at ngayon nand'un pa sa garahi ng bahay nila na nag-iinuman na kasama nila Zaldy. ' Mukhang may pagka-impakto 'yon.Pati ba naman dito sa bahay sinusundan pa ako, ' Anya sa sarili.


' Tangi! Hindi ka sinusundan n'un,remember kaibigan siya ni Zaldy na boyfriend ng bestfriend mo.Nagkataon lang na magkaibigan sila ni Zaldy kaya nandito siya, ' sabi naman ng kabilang isip niya.


Tila nababaliw na siya na nakipag-arguminto sa sarili niya.


Napabalikwas siya ng bangon mula sa kanyang kama ng marinig niya na may kumakatok sa dahon ng pintuan ng kuwarto niya.At saka hinakbang ang kanyang mga paa, tinungo ang pintuan upang pagbuksan kung sinuman ang kumakatok na iyon.


Nang buksan niya na ang pintuan .Si Mitch na nakasimangot ang nabungaran niya.


" Ano? "tanong niya rito.


" Pinainit ko 'yong mga pagkain ang akala ko naman baba ka kaagad para kumain.Pero lumamig lang ang mga pagkain at kanina ka pa hinihintay ay hindi ka pa rin bumaba, " Anito.


Ngumiti siya rito, "Salamat best, iba na talaga kapag may birthday, noh? may taga handa ako ng hapunan ko, "Anya.

Take Me To Your Heart by: Ashlie DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon