TAKE ME TO YOUR HEART-AshlieChapter Twelve

2.1K 52 4
                                    



Napagpasyahan ni Alfie na tawagan si Miles, para makipag-usap at makipag-ayos na rin rito.Umaasa pa rin siya na baka kapag kinausap niya na ito tungkol sa pinagbubuntis na siya raw ang ama.kung maaari ay bibigyan niya na lamang ng sustinto at support ang magiging anak niya rito.Kung talagang anak nga niya ang sanggol nasa sinapupunan ni Miles.Dahil ilang beses niya pilit na inaalaala ang mga nangyari sa gabing iyon na kinabukasan ay nagising na lamang siya na katabi si Miles ,sa sariling kuwarto nito mismo at parihas na hubo't hubad.Ngunit wala talaga siyang maalaala kahit anong gawin niya.

Pumayag naman si Miles na makipag-kita sa kanya.Sa labas pa lang ng restaurant kung saan sila magkikita ay nakita niya na si Miles na nasa loob na ng restaurant na iyon.Pumasok siya kaagad at nang makita siya nito ay kaagad sumalubong ito sa kanya pagkuwan hinalikan siya nito sa labi na walang babala.Kunot noo niya ito tiningnan ngunit tila baliwala lang iyon para rito.

" Sorry kung mas nauna ka pang nakarating rito sa akin.Kanina ka pa? " tanong niya rito.

Ngumiti naman ito nang kay tamis-tamis at may nalalaman pa itong blink-blink ng mga mata na tila asong olol kung makatigtig sa kanya." Akala ko matiis mo na talaga ako Sweetheart, " anito sa halip na sagutin siya sa tanong niya kanina rito.

" To tell you franky Miles, nakipagkita ako sa'yo para pag-usapan ang tungkol sa atin lalo na sa pinagbubuntis mo, " aniya.

" Mabuti naman at naisipan mo ang tungkol sa situation natin.Hinintay mo pa na dumulog pa ako sa PROVOST bago mo ako harapin . So, kailan ang balak mong magpakasal tayo.Aayusin ko na ang lahat na dapat ayusin para sa kasal natin.' Yung tungkol sa BI ko wala naman problema Madaling lusutan iyon. " Anito na dire-diretso sa pagsasalita at mga plano.

Kung hindi niya lang napigilan ang sarili baka nabulunan o napaubo na siya sa mga sinasabi nito.

" Diritsuhin na kita Miles.Hindi tayo magpapakasal ang gusto kung mangyari ay magbibigay na lamang ako ng sustino para sa inyo ng bata kung sakali. "

Naniningkit sa galit ang mata ni Miles nang marinig niya ang mga sinabi ni Alfie. " Hindi ko kailangan ang sustinto na sinasabi mo Alfie.Ang kailangan naming mag-ina ay ikaw.Kailangan ko ang ama ng anak ko. Kaya kong suportahan ang mga pangangailangan namin mag-ina. "

" Sorry pero iyon lang ang kaya kung gawin at maibibigay para sa inyong mag-ina. except that wala na. "

" Mamili ka Alfie, papakasalan mo ako o ma-discharge ka? "

" Mas pipiliin ko pang ma-discharge kaysa pakasalan ka Miles. Ako nga ba talaga ang ama ng sanggol nasa sinapupunan mo ? " Aniya alam niya na masaktan ito sa klasi ng tanong niya ngunit gusto niyang alamin ang katotohanan.

" Sa palagay mo mabubuntis ako kung walang nangyari sa atin nung gabing iyon? At sino ang inaakala mong ama sa pinagbubuntis ko kung hindi ikaw? " anito sa halip na sagutin siya nito sa mga tanong niya para rito.

" Okay, kung ako talaga ang ama ng pinagbubuntis mo.Pakakasalan kita ayoko naman na may anak akong bastardo.Ngunit papakasalan lang kita kung sigurado na ako talaga ang ama niyan. "

" What do you mean? "

" Pagkatapos mo manganak ipa- DNA TEST ko ang sanggol, " saad niya rito.Nakikita niya na bigla umiiba ang kulay ng mukha at saglit nanahimik ito.Ngunit bigla lang din ito nakabawi.

" Mautak ka talaga Alfie pero sige kung 'yan ang gusto mo. Sinisigurado ko sa'yo na anak mo ang dinadala ko. "

" Siguraduhin mo lang Miles dahil kung hindi at tuluyan nang masira ang mga plano ko sa babaeng minamahal ko.Hindi ko alam kung ano pa ang magawa ko sa'yo. "

Tumayo na siya sa kanyang kinauupuan at saka hinakbang ang kanyang mga paa para lisanin ang lugar.Ang buong akala pa naman niya ay ma-solve ang problema na kinakaharap niya kapag kinausap niya nang masinsinan si Miles..Ngunit nagsayang lamang siya ng panahon rito.Hindi niya ito madaan sa mabuting usapan.Kung talagang siya nga ang ama ng sanggol nasa sinapupunan nito ay mapilitan siyang pakasalan ito. Halata naman kasi na masyado itong obsessed sa kanya.

" Gagawin ko ang lahat para mapasa 'kin ka lang Alfie, tatandaan mo 'yan , " anito sa malakas na boses kung kaya ay nakaagaw na sila pansin sa iba pang customers na naroroon.

" Do, what you want, " aniya na hinahamon pa ito.

HALOS dalawang linggo na ang nangdaang hindi na sila nagkikita ni Dannah.Busy din kasi siya masyado sa loob nang dalawang linggo na iyon naka red alert silang AFP dahilan sa nangdaan na bagyong Yolanda.Sila ang nakatalaga sa search and operations sa mga nasalantana ng bagyo kung kaya ay hindi niya na nagawa bisitahin si Dannah.

NARINIG ni Dannah na bumukas sumara ang pintuan ng pinagtatrabahuan niyang Therapy Works.Hindi niya pinansin iyon dahil sa inaakala ay isa sa mga magulang ng mga bata.Ngunit emposible dahil sa hapon na at last hour na ng Therapy office sa katunayan ay pauwi na rin siya.Tinapos niya na muna ang dapat niyang tapusin na mga report bago umuwi.

Narinig niya na tumikhim ito. " Masyado mo naman pinapagod ang sarili mo ,Sweety , " Anang boses pamilyar sa kanya kung sino ang nagmamay-ari niyon pero ang pagkakaalam niya ay busy at naka red alert daw iyon.

Natigil lang ang ginawa niya nang may humawak sa kamay niya na mayhawak ng mouse ng loptop.Pakiramdam niya tuloy bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa buong katawan niya sanhi sa init na likha ng mga kamay nito.Inangat niya ang kanyang mukha upang tingnan ang taong ito.Nabungaran ng kanyang mga mata si Alfie na malalapad ang ngiting nakapaskil sa mga labi nito.

" Some massage, Sweety, " tudyo nito sabay himas sa kanyang balikat na tila bang sini-seduced pa siya nito.

" Alfie, stop it, " aniya.Ngunit tila naaliw pa ito sa nakikita nito na reaksiyon niya.

" I miss you, " bulong nito sa punong tainga niya.Mas lalong nakaramdam siya nang hindi niya mawari sa katawan niya.

" Are you stop seducing me, " sa wakas na sabi niya.

Ngunit sa halip ay walang pangundangan na hinapit siya nito at sinakop ang kanyang mga labi.Puno ng pagsuyo at pagmamahal ang klasi ng halik na pinalalasap nito sa kanya at buong puso niya naman iyon tinanggap. Napakapit na rin siya sa leeg nito na tila ba sa ganun ay dito siya makakuha nang lakas dahil pakiramdam niya ay pati mga tuhod niya ay nanghihina at gusto na rin bumigay.

MATAPOS ang mapugtong-hiningang halikan nila ay niyaya na siya nitong umuwi.Ngunit ibang direksiyon ang nilalakbay ng kotse nito at hindi pauwi sa bahay ng Tita Nida, niya sa Makati.

" Saan pa ba tayo pupunta? " tanong niya rito.

" Sa bahay natin, " nakangiting tugon nito. At saka hinawakan ang kamay niya.

" Alfie, ano naman ang iniisip mo? " nakataas kilay na tanong niya rito.Pero kinikilig naman siya sa gesture nito.

" Itatanan na kita.This time ay makatotohanan nang tanan Sweety, You make me feel crazy, you know that.Mamatay na yata ako kapag hindi pa kita matanan, "

" Ang OA, mo, ha! " aniya sabay hampas sa balikat nito na ikinatawa lamang nito.

LINGID sa kaalaman nila Alfie at Dannah. Kanina pa sinusundan ang kotse na sinasakyan nila. Kulay maron ang kotseng nakasunod sa kanila Kanina pa na habang nagmamaneho ito ay matinding galit ang naramdaman nito para kina Alfie at Dannah.

" Hindi ako makakapayag na baliwalain mo ako Alfie.Gagawin ko ang lahat para makuha ka sa babaeng iyan at mangin akin ka." anito.

ITUTULOY.....


Take Me To Your Heart by: Ashlie DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon