PALIPAT-LIPAT ang tingin ni Tita Nida, kina Alfie at Dannah, na magkatabi na nakaupo roon sa mahabang sofa.Si Tita Nida naman ay kalapit lamang ng inuupuan nang mga ito.
Si Dannah, naman hindi makatingin nang deretso rito sa tiyahin.Kinakabahan din siya ng sandaling iyon, pagkat hindi niya mawari ang nasa isip ng kanyang Tita Nida.Hindi mababanaag dito ang saloobin at kung ano ang nasa isip nito.Masyado'ng pormal at seryoso ang pakikitungo nito sa kanilang dalawa ni Alfie.
Si Alfie na ang kusang bumasag sa katahamikan na namamagitan sa sandaling iyon. " Tita, pasensya na po, pero hindi ko naman po pinagsisihan ang ginawa ko sa pamangkin niyo. Na sungka na po ang sungkaan. Saka handa naman po akong pananagutan ang namagitan sa amin ni Dannah. " Mahabang saad ni Alfie. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga.Nang mahawakan na niyon ramdam niya ang panlalamig ng palad nito.Bahagya niyang pinisil iyon upang ipahiwatig dito na everything will be alright.
" Ano naman ang plano niyong dalawa? Dannah, alam mo ba kung ano ang pinasok mo? " Tanong ni Tita Nida.
Tila nasa harapan sila ng paglilitis ng mga sandaling iyon.Saglit niyang tiningnan ang binata na nasa tabi lamang niya.Ningitian naman siya nito, saka pinisil uli ang kanyang kamay na hawak-hawak pa rin nito. Sa paraan niyon ay nakaramdam din siya lakas nang loob upang sabihin din dito sa Ttita niya . Ang totoong naramdaman niya para rito sa binata.
" Tita, alam ko naman po kung ano ang kahihinatnan ng lahat na ito.Sorry. Pero nagmamahal din naman po ako, eh , " Sagot naman ni Dannah, hindi siya makatingin nang deretso rito. Ang lakas ng pagkabog ng kanyang puso tila gusto niyon lumabas sa kanyang rib cage.
Bumuntong-hininga naman si Tita Nida, saka binalingan uli ang binata.
" Alfie, ano ang pinaplano mo sa ngayon? Ano ang balak mo sa sitwasyon niyo ng pamangkin ko? " Tanong naman ni Tita Nida, rito sa binata. Seryoso pa rin ang pakikitungo nito sa mga ito.
" Kung maaari po ay hingin ko na ang bendisyon niyo ng sa ganoon po ay magsasama na kami ni Dannah. Ayusin ko na rin po agad ang tungkol sa pagpapakasal namin. At saka mag-file na rin po ako nang passes ng sa ganoon ay maayos ko na ang mga papelis para sa kailanganin sa pagpapakasal namin ni Dannah. " Mahabang sabi ni Alfie.
" Sige kung ' yan ang plano niyo, " Ani Tita Nida.Pumayag na rin siya na magsasama ang mga ito.Ayaw niya naman kasi na maging kuntabida sa pagmamahalan ng dalawang ito.
Nang matapos na nila Dannah at Alfie, kausapin ang Tita Nida, pakiramdam ni Dannah nabunutan na siya ng mga tinik sa kanyang dibdib at normal na ang pagtibok ng kanyang puso 'di kagaya kanina. 'Yun kasi ang naramdaman niya kanina habang kausap nila ng binata ang kanyang Tita.Mabuti na lang pumayag ito sa gustong mangyari ni Alfie, at pinagpasalamat na rin niya na naiintidihan din sila ng kanyang Tita. Walang pagtutol dito.
MABILIS lumipas ang mga araw at naging buwan.Everything it was perfect.Wala na yatang mahihiling si Dannah, sa kanilang pagsasama ni Alfie.Mabait , mapagmahal at maalagain ito sa kanya, animo'y kagaya siya ng bata kapag inaalagaan siya nito. Lalo't nang malaman nila parehas na seven week pregnant na siya.Yes! she's carrying her first Baby.Nakikita niya naman at mas naramdaman niya na napakasaya ni Alfie nang malaman nito ang tungkol sa pagdadalang tao niya.Mas ramdam niya na mas lalong minahal siya nito.
" Baby, excited na si Papa na makita ka paglabas mo.Bakit kasi ang tagal mo pa lumabas? " sabi ni Alfie habang hinihimas ang tiyan ni Dannah. Tatlong buwan na ang pagdadalang tao ng dalaga nun.
Pabiro naman na hinampas ni Dannah, ang kamay ng binata. " Alam mo, ikaw kung ano-ano na ang pinagsasabi mo.Kung lumabas ng alanganin ang baby natin.Sigurado iba na 'yon. "
Ngumiti naman si Alfie dito. " Excited na ako, eh, " sabay pisil sa tungki ng ilong ni Dannah.
" Alfie... "
" Hmmm , " sagot naman nito.
" Matulog na tayo, " aniya ngunit tatanungin niya sana ito ang tungkol sa kasal na pinangako nito noon bago pa siya nabuntis.Ayaw niya rin kasi na habang lumalaki ang kanyang tiyan ay hindi pa rin sila legal na mag-asawa nito.
" Something, Sweety? " tanong naman ni Alfie.
" Ano kasi... " Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya rito , dahil bigla na lang siya nito kinabig at saka hinalikan sa kanyang mga labi.
Matapos ang halikan na iyon ay tiningnan siya nito na nakakaloko.Kunwari hinampas niya naman ito sa dibdib.Na kinatawa na lamang ni Alfie . Hindi pa rin siya sanay sa pinaggagawa nito sa kanya.
" Tell me, ano 'yon? " Tanong uli ni Alfie. Habang hinahalikhalikan siya nito sa kanyang pisngi at mata.
" 'Yung tungkol sa kasal natin? " Turan niya rito.
" Inaayos ko na 'yon.Sweety, pasensya na kung medyo matatagalan pa.Hindi kasi basta-basta ang mag-file at kumuha ng mga requirements para sa kasal natin. " tugon ni Alfie.
" Ang sa 'kin lang naman.Ayoko na habang lumalaki ang tiyan ko ay hindi pa rin tayo legal. "
Nakunsensiya naman si Alfie, sa mga sinabi ng dalaga sa kanya.Gustong-gusto niya na pakasalan ito para sa ganoon ay maging legal at may bendisyon na ang kanilang pagsasama.Lalo't dinadala na ng dalaga sa sinapupunan nito ang kanilang magiging anak.Paano niya sasabihin dito ang totoo ? Gayong hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas ang kaso niya na sinampa ni Miles, sa provost laban sa kanya.
Ilang buwan na lang din at manganganak na si Miles.Iyon na lamang ang hinihintay niyang pagkakataon para alamin kung anak, niya nga ba talaga ang anak ni Miles? Ngunit paano kung anak niya rin ang pinagbubuntis ng babaeng iyon ? Paano si Dannah? Paano niya sasabihin dito ang tungkol sa lahat .
" Don't worry, bago lumabas si Baby natin.Maayos ko na rin ang lahat Sweety, " sabi na lang niya rito. Kinabig ito palapit sa kanya, saka masuyong niyakap pagkatapos nun ay pinikit ang kanyang mga mata para matulog na rin ngunit gising naman ang kanyang diwa.
HALOS MAGDADALAWANG LINGGO NA. Hindi nakauwe si Alfie simula nang nagpaalam ito sa kanya na sa kampo muna ito mag-stay ng dalawang araw.Dahil ayon dito ay naka-red alert daw ang Afp.Pinayagan niya naman iyon. Dahil alam naman niya ang uri ng trabaho mayroon ang binata at naiintindihan niya naman iyon.
Sa loob ng dalawang linggo ay hindi nito nagawang tawagan or else e-txt man lang siya . Nang sa ganoon ay alam niya ang kalagayan nito at hindi rin siya mag-alaala ng labis para rito.
Sunod-sunod na katok sa dahon ng pinto.Ang naririnig ni Dannah, kung kaya ay mabilis din niya iyon pinagbuksan ang kumatok na'yun. Sa pag-aakala na si Alfie na iyon.
Nang pagbuksan niya na ng dahon ng pinto.Nabungaran niya ang babae na malaki ang tiyan nito.Iyun agad ang nakaagaw pansin rito sa kanya dahil nakasuot din ito ng damit, pang- maternity dress.
Ngumiti siya dito, " Yes, anything? " tanong niya rito.Walang kangiti-ngiti na nakapaskil sa mga labi ng babaeng ito na nasa harapan niya.
" Dito pala ni Alfie binabahay ang kanyang kabit ? !" Turan nito na tinititigan siya nito mula ulo hanggang paa. " Mukhang buntis ka rin pala.Ang galing din naman ni Alfie, hamakin mo 'yun dalawa tayo ang pinagsabay at sabay din na dinadala sa sinapupunan natin ang mga anak niya.Pero mas may karapatan kami ng mga anak ko sa kanya. " Wika pa nito.Tila ayaw magpaawat sa mga pinagsasabi nito.
Medyo may kalakihan na rin kasi ang pagdadalang tao ni Dannah.Halata na rin iyon na buntis din siya.
Nang marinig niya ang lahat na sinabi ng babaeng ito .Animo'y kagaya iyon ng bomba na pinasabog sa harapan niya mismo at ang lakas ng pagsabog niyon.Pakiramdam niya ay nanginginig ang buong katawan niya. Tila kandila siyang tinulos sa kanyang kinatataluyuan . Gusto nang bumigay ng kanyang mga luha ngunit pilit na pinakalma ang sarili sa pakikipagharap sa babaeng ito.
" Excuse me, ano nga ang sinabi mo? Puwede pakiulit nga . " Wika ni Dannah. Hindi agad iyon nag-sick in sa kanya o tamang sabihin na ayaw niya maniwala sa mga sinabi nito. Papasalamat siya na hindi pa rin bumigay ang kanyang mga luha na pilit niyang pinipigilan kanina pa.
" Hindi ko alam kung bingi ka lang o ano.Asawa ako ni Alfie, at itong nasa tiyan ko ay anak namin.Pinagbubuntis ko ang pangalawang anak namin.Alam ko na dalawang linggo na siyang hindi umuuwi dito.Bakit? kasi nandun si Alfie ngayon sa bahay namin, nakikipaglaro sa panganay na anak namin. Dito pala niya binabahay ang kabit niya At ikaw ang kapal naman ng pagmumukha mo para tumira dito. "
" Asawa ka ni Alfie? Ibig mo sabihin may asawa si Alfie? " Paulit-ulit na tanong ni Dannah.Tila ayaw pa rin niya maniwala sa kausap niyang ito.
" Loud and clear.Asawa ako ni Alfie at ikaw kabit ka lang niya.Kung puwede iligpit mo na ang mga gamit mo at lumayas ka na dito.Huwag na huwag ka nang magpakita uli sa asawa ko, " anito, pinagdidiinan talaga ang salitang ' ASAWA'.
Nakaalis na ang babaeng iyon na nagpakilalang asawa ni Alfie.Saka niya pinakawalan ang tila talon niyang mga luha kung umagos mula sa kanyang mga mata.Naninikip ang kanyang dibdib tungkol doon sa kanyang nalaman.Kaya pala hindi na ni Alfie binabanggit ang tungkol sa pagpapakasal nila." ' Yun pala ay may asawa na ito at mga anak. Dalawang linggo na rin na hindi umuuwi ang binata sa bahay.Malamang totoo ang sinabi ng babaeng iyon.Magkasama sila ngayon.Nakalimutan na ni Alfie na tawagan o e-txt man lang siya.Hindi man lang naisip niyon na nag-alaala na rin siya.
Matapos pakalmahin ang sarili at alam niyang medyo okay na ang kanyang pakiramdam ay isang desesyon ang kanyang nabuo.Lilisanin niya ang bahay na iyon.Wala nang reason pa upang siya ay mananatili pa doon.Bigla na lamang naramdaman niya ang awa para sa kanyang sarili.Lalo na sa magiging anak niya.Sa kabila nang lahat na pinakita at pinaramdam ni Alfie na pagmamahal sa kanya ay niloloko lang pala siya nito.
HALOS KALAHATING ORAS NA si Alfie, sa labas ng bahay at sunod-sunod din ang ginawa niyang pag-doorbell ngunit hindi pa rin siya ni Dannah, pinagbubuksan ng pinto. Napakamot siya sa kanyang batok sa isipin na baka outside 'di kulambo siya sa dalaga.Dahil sa loob ng tatlong linggo ay hindi siya nakauwi.Hindi niya rin nagawang tawagan o e-text man lang ito dahil sa walang signal ang pinuntahan nila. Nagkaroon kasi ng emergency operation ang kanyang team.At biglaan lamang iyon, at saka ayaw niya rin ipaalam sa dalaga ang tungkol doon . Ayaw niya kasi na mag-alaala pa iyon ng labis para sa kanya. Pero ito siya ngayon halos kalahating oras na ang lumipas ay hindi pa rin siya nito pinagbuksan ng pinto. Wala pa naman siyang duplicate ng susi.
" Alfie, " tawag ni Rocille na kapitbahay niya.
Narinig niya na may tumatawag sa kanyang pangalan kung kaya ay lumingon siya rito upang tingnan iyon. " Oh, cel. Kamusta? " Nakangiti na sabi niya rito.
" Okay, lang naman ako. Siya nga pala Iniwan 'to ni Dannah at pinabibigay sa'yo ito. " Saad nito sabay abot ng susi at isang sobre.
Kunot noo naman siya habang inaabot iyon dito. " Bakit saan si Dannah, pumunta ? " tanong niya rito.
" Hindi ko rin alam.Nung umalis siya diyan sa bahay niyo ay may 'di kalakihan na malita na dala si Dannah.Pero bago siya umalis diyan may babaeng buntis na pumunta riyan. Mukhang inaaway pa nga si Dannah. " Mahabang turan nito sa kanya.
" Sige, Cel.Salamat , " Sabi niya rito.At saka Malalaking hakbang ng mga paa niya ang kanyang ginawa upang makapasok agad sa bahay nila ni Dannah. Kinakabahan siya sa mga sinabi ni Rocille , ang tungkol sa babaeng pumunta dito.
Nang nasa loob na siya ng bahay, agad niya tinungo ang silid nila ng dalaga. Walang bakat na kahit ano, maayos pa rin ang mga unan at bedsheets.Palatandaan na hindi na iyon ginamit pa.
Tinungo niya ang kabenit na lalagyan ng mga damit ng dalaga.Ganoon na lang ang panlolomo niya nang makita na ilang peraso na lamang ng damit ni Dannah ang natitira .Ibig sabihin niyon ay iniwanan na siya nito.
Nang maalaala niya ang sobre na kasama niyon ng susi na binigay ni Rocille kanina. Habang binubuksan niyon ay matinding kaba ang siyang naramdaman.
Nanginginig ang kamay niya habang binabasa niyon. Lalo na ng mabasa niya ang kalagitnaan ng sulat.
I KNOW, THINGS WON'T EVER BE THE SAME AGAIN BETWEEN THE TWO OF US.PERO TANGGAP KO NAMAN IYON NANG BUONG- PUSO.LILISAN AKO SA BAHAY NA 'TO, BAON ANG MASASAYANG ALAALA NATING DALAWA.
Napaluha at napagulhol siya ng matapos niya basahin ang sulat ni Dannah. Wala naman ibang sisihin sa lahat na nangyari kung ' di ang sarili rin niya mismo.Subalit may bahagi ng sulat ang nakasulat na hindi totoo.Kailangan niya makita si Dannah at magpaliwanag dito.
ITUTULOY.......
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heart by: Ashlie Dreamer
RomansaTake Me To Your Heart http://tagalogromanceetc.com Written by: Ashlie Dreamer