HABANG nagmamaneho siya ng kotse niya ay maya't maya sinusulyapan niya si Dannah, mahimbing na yata ang tulog nito.Nakatulog ito habang nakaupo, medyo nakalupaypay na rin ang ulo nito.Nakikita niya na rin na medyo nahihirapan ito sa pang-upo nito habang natutulog.Napamura siya ng lihim sa kanyang sarili.Sa nakikita niya na sitwasyon ng dalaga.Kung bat kasi nagawa pa niyang magdisesyon agad na bumalik nang Manila.Hininto niya ang sasakyan at saka binalingan si Dannah na natutulog .Dahan-dahan niya in-adjust ang upuan ng sasakyan para sa ganoon ay medyo kumportable ang dalaga habang natutulog ito.
Napapangiti siya nang lihim habang pinagmamasdan niya ito.Napakaamo ng mukha nito na tila isa itong babasagin na crystal.How he is stupid na mag decision na bumalik kaagad ng Manila? Dahil lang sa walang ka kwenta-kwentang tawag na iyon.Muli siya nakaramdam ng galit sa kanyang dibdib sa tuwing maalaala niya iyon.
Hindi niya hahayaan na mangyayari iyon sa kanya.Ayaw niya matali sa responsibelidad na hindi naman siya ang may kagagawan.Isang dahilan pa.Napamahal na sa kanya si Dannah.Mahal niya na ito at sigurado na siya sa damdamin niya para rito sa dalaga.Kaya nga dinala niya ito sa Santa Clara upang makuha niya ang loob nito.Buo na ang kanyang decision.Itutuloy niya na ang unang binabalak niya na ang dahilan kung bat niya isinama si Dannah sa Santa Clara.
Binuhay niya muli ang makina ng sasakyan at pinatakbo niya na ito. Mabagal lang ang takbo ng sasakyan ng sa ganoon ay makakita siya ng sign na u turn.Tama u turn dahil babalik sila ni Dannah sa bahay bakasyonan niya. Hindi tumagal ay sa wakas naka kita na siya ng u turn.Kaagad niya niloko ang kanyang sasakyan para bumalik sa bahay basyonan niya.
YOGYOG sa balikat ni Dannah ang nag pagising sa kanya.Mula sa pagtulog niya.Papungas-pungas ng magising na siya.Nang dinilat niya na ang kanyang mga mata ay mukha ni Alfie ang nabungaran niya nanakangiti ito sa kanya.Tila aliw na aliw pa ito habang nakatitig sa kanya.Saka niya na lang na realize na nakatulog pala siya kanin habang nagbabyahe sila nito pabalik ng Manila.Pero bakit walang ingay ng mga sasakyan siyang naririnig,.At saka bakit tila ang bilis naman ng kanilang byahe? Nakarating kaagad sila ng Manila sa ganoon ka bilis?
" Saan na tayo? " tanong niya rito.
Ngumiti 'to sa kanya at saka nagsalita. " Nandito sa labas ng palasyo natin, Sweety. " anito.
Kunot noo naman siya." 'Di ba umalis na tayo rito kanina? sabi mo pa nga dahil may emergency na nangyari. Bakit nandito pa rin tayo? " Tatakang tanong niya rito.
" Sweety, bumalik po tayo.Tara na pasok na tayo sa loob nang makapahinga na tayo parehas. "
" Alam mo ikaw.Hindi ko alam kung ang naiisip mo.Pabago-bago ka nang disesyon.Nanonood ako ng movie kanina bigla mo na lang ako bulabugin. "
" Sorry na.Hindi ko naman sinasadya ' yun. "
" Ganoon? ano ang tawag mo hah? aksidente lan? "
Sa halip na sagutin pa siya nito ay bigla na lang siya nito kinabig palapit rito sa binata.Inangkin ang kanyang mga labi.Tinutulak niya ito sa dibdib ngunit sadyang malakas ang binata kaysa kanya.Sa tuwing nagpupumiglas siya ay dinidiinan nito ang paghalik nito sa kanya.Hanggang sa kusa nalang siyang napasabay sa mga halik nito.Nadadala na rin siya sa sensasyon na kanyang naramdaman.Kung kaya'y napakapit na ang kanyang mga braso sa liig at saka pinulupot niya na sa leeg nito.
Nang maramdaman nito na kapwa na sila maubusan ng hininga ay saglit nito binitawan ang kanyang mga labi. Nang tingnan niya na si Alfie ay malalapad na ngiti ang nakapaskil sa mga labi nito.
Pakiramdam niya uminit ang magkabilang pisngi niya.Kung bat kasi hindi niya na rin napigilan ang kanyang sarili.Ano kaya ang nasa isip nito ?Pagkatapos na pumayag at nagpaubaya siya na halikan siya nito.
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heart by: Ashlie Dreamer
RomanceTake Me To Your Heart http://tagalogromanceetc.com Written by: Ashlie Dreamer