BUMALIK nang Maynila sina Alfie at Dannah.Hinatid niya lang ang dalaga sa bahay ng tiyahin nito sa San Antonio at umalis din .Hindi na siya pumasok sa loob kahit na inanyayahan pa siya ni Dannah.Dahil nagmamadali siya na pumunta ng kampo na ang dahilan niya sa dalaga ay may emergency daw at kailanganin ang kanyang presinsiya.Pagkagaling ng San Antonio matapos niya ihatid si Dannah sa bahay ng Tita Nida nito ay kaagad siyang dumiretso ng Fort Bonifacio sa kampo ng Marines.
Kailangan niya nang harapin ang problema na siyang kinaharap niya.Napahampas ang isang kamay niya sa manobila ng sasakyan sa wala sa oras dahil bigla na lang uminit ang kanyang ulo ng maalaala niya ang walang ka kwenta-kwentang problema na hindi naman siya sigurado kung siya nga talaga ang may kagagawan nun.
Marating niya na ang looban ng Marines Camp ay kaagad niya pinarada ang kotseng minamaniho niya at saka umibis na roon.
Malalaking hakbang ang ginawa ni Alfie, patungo sa building ng mga official personel kung saan ang opisina ni Captain Valdez.
Binati siya ni Lisa na secretary ng kapitan.Ningitian niya lamang ito at saka tinanong.
" Hello, ganda.Busy si Captain Valdez? " tanong niya rito.
" Hindi na yata, pogi.Actually simula pa kahapon siya naghihintay na magreport ka, " nakangiting pagbigay alam ni Lisa.
" Busy eh, " aniya.
" Huh. Busy saan naman? " tudyo nito.
" Busy sa lovelife , " sagot naman niya rito.
" Ikaw, hah.may lovelife-lovelife ka nang nalalaman ngayon.Kaya ayon sa pagla-lovelife mo.Puwede ka ng ma discharge. " sabi ni Lisa.dahil concerned din ito para sa kay Alfie.Kababata niya kasi ito at sabay din sila nag-apply at nag-training sa Basic School ng Marines.Kaya kapag nagbiruan ay tila wala ng bukas.Close kasi sila sa isa't isa at kadalasan sa kanya nagsasabi ng problema si Alfie.
Ulilang lubos na kasi si Alfie.Wala rin siyang kapatid kung nagawa man niya na nagsusumikap ay para iyon sa kanyang sarili at mas lalong sa pamilya na pinapangarap niya na bubuuin balang araw.Malapit na sana iyon mangyayari ngunit dahilan sa may biglang lumitaw na babae at sinasabi nito na dinadala raw nito sa sinapupunan ang magiging anak niya.
" Oh, bigla ka na lang nanahimik diyan.Ang lalim yata nang iniisip mo at ang hirap tungkarin. " Sabi ni Lisa ,na nagpabalik sa kanyang tamang katinuan.
" Ano nga sabi mo ganda? " tanong niya rito uli.
" Ah.wala na Alfie.Malala ka na talaga.Sige na pasukin mo na roon si Captain Valdez.Tiyak nangagalaiti na iyon sa kahihintay sa 'yo. " anito.
" Sige.Siya nga pala sabay na tayo kakain ng pananghalian mamaya, " aniya at saka tumalikod na rito.
" Oo ba, basta libre mo, " sagot agad nito na may kalakasana ang boses.
" Oo na, malakas ka sa 'kin eh, " aniya at nilingon saglit ito.
" Iba na talaga kapag inlove.Naisipan na manglibre, "
Ningitian niya lamang ito.Pinagpatuloy na ang hakbang ng kanyang mga paa patungo sa loob ng opisina ni Captain Valdez.Medyo naka-awang ang dahon ng pintuan kahit ganoon pa man ay mas pinili pa rin niya na kumatok ng sa ganoon ay makuha niya ang attention ng nasabing kapitan.Tila abala ito sa pagkakalikot sa loptop na nasa harapan nito na nakapatong sa lamisa.
Ng kumatok na siya ay nag tagumpay siya na makuha ang attention nito.Saglit lang ito nag-angat ng mukha upang tingnan siya.
" Ano pa ang hinihintay mo diyan Salmorin bagyo? Bago pumasok rito? " Anang kapitan, at saka binalik ang attention sa loptop na nasa harapan nito.
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heart by: Ashlie Dreamer
RomanceTake Me To Your Heart http://tagalogromanceetc.com Written by: Ashlie Dreamer