HUMINTO ANG KOTSE na minamaniho ni Alfie sa town house na sariling pag-aari ng binata.Dalawang palapag lamang iyon ngunit sa labas pa lang ay makikita na ang magandang desenyo ng nasabing bahay.
" Kaninong bahay 'to? " tanong agad ni Dannah ng huminto na ang sasakyan sa garahe ng bahay.Sa kauna-unahang pagkakataon siya'y napunta rito sa bahay ng binata.
Hinawakan naman ni Alfie ang kamay ni Dannah at pinisil niya iyon saka ningitian niya ito. " Sa atin Sweety, simula ngayon dito ka na titira ng sa ganoon magkasama na tayo. " tugon naman ni Alfie.
Ang buong akala niya kanina nang sinabi ni Alfie na totoong itatanan na siya nito ay biro lamang iyon ngunit mukhang totohanan na nga.Kasasabi lamang nito na simula ngayon dito na siya titira.
" Ang buong akala ko kanina ng sinabi mo na magtatanan na tayo na nagbibiro ka lang , " sabi niya rito na hindi makatingin nang deretso sa binata.
" ' Di ba nga ang sabi ko pa kanina na kung hindi pa kita makakasama baka mababaliw na ako. " sagot naman nito. " Tara na sa loob, " sabi ni Alfie.Binuksan niya na ang driver door ng kotse at umibis na mula roon .Pagkatapos niyon ay umikot siya sa kabilang pinto upang pagbuksan naman si Dannah.Inalalayan niya ito habang palabas mula sa loob ng kotse.
Magkahawak kamay sila nang pumasok sa loob ng kabahayan.Nang nasa loob na sila ay binuksan naman ng binata ang switch ng ilaw sa dahilan din na bumaha ang liwanag doon.
Agad napansin ni Dannah ang pagiging malinis at masinop ng binata.Base na rin sa nakikita niya sa mga gamit na nakalagay sa sala.Nasa tamang lalagyan ang mga kasangkapan na naka-display. Kunsabagay kahit doon sa bahay bakasyunan ni Alfie ay maganda rin iyon.Hindi talaga mapagkaila na may ugali itong matikuluso.Paano pa kaya kung naging babae ito? Sigurado siya na kawawa ang mga kasambahay nito.
Maliban sa isang maliit na hugis pa bilog na lamesa naroroon sa isang sulok .Doon banda na malapit sa malaking skietch board. Nagkakalat ang mangilan-ilan na mga gamit para sa drawing at kagamitan para na rin sa pagpintura ng mga larawan.
Tila nahulaan naman ni Alfie ang nasa isip niya. Kung kaya'y ito na ang kusang nagsabi sa kanya ang tungkol doon sa mga Nagkakalat na mga gamit doon sa ibabaw ng lamisa na iyon.
" Kapag nababagot ako ang mga iyan ang pinagdidiskitahan ko. Sidelines na rin paminsan-minsan , " sabi nito na pagbigay alam sa kanya. Mga skietches kasi iyon ng mga plano sa kung paano gagawin ang isang building bago i-construction.
Nakapagtapos kasi si Alfie sa kursong Architecture. Marunong siya gumawa ng mga plano at disenyo para sa kung paano sisimulan at gagawin ang isang building.Ngunit hindi naman siya naging aktibo sa napiling propesyon dahil para sa kanya ay ang kanyang call of duty ang pagiging isang sundalo.
" Bakit ka pumasok sa military.Kung gayon ay Architecture pala ang natapos mo? " out of curiosity na tanong ni Dannah, dito sa binata. Nakaupo na rin ito malapit sa kanyang tabi.
" Call of duty ko na ang magsilbi sa bayan, " sagot naman nito.
" Anyway , magpa-deliver na lang tayo ng makakain natin, Sweety.Anong gusto mong kakainin, " Tanong ni Alfie.
" Kahit ano basta makakain," sagot naman ni Dannah na tila nakasanayan niyon na isasagot dito sa binata.
Ngumiti naman nang nakakaloko si Alfie. " Ako ayaw mo? " pasaring wika nito.
" Ikaw, nag-umpisa ka na naman, " sabi ni Dannah. Sabay taas ng kaliwang kilay niya . Pero 'di ba dapat na masanay na siya rito dahil makakasama niya na 'to palagi bilang mag-asawa kahit na hindi pa naman sila kasal.Ngunit doon pa rin ang patutunguhan nilang dalawa. Magsasama na nga sila nito sa iisang bahay lamang.
Bigla niya na lang naalaala na wala pala siyang damit na bibihisan para mamaya at personal belongings pa na kailanganin niya.
" Paano ' yong mga gamit ko doon sa bahay ni Tita Nida? At saka wala pa akong damit na gagamitin mamaya. " Sabi ni Dannah.
" ' Yung damit ko na lang muna ang gagamitin mo.' Yung ibang gamit mo Sweety, bukas na natin kukunin doon sa bahay ni Tita Nida. " tugon ni Alfie.
Isanalang ni Alfie ang movie tape.Napagkasunduan nila ng dalaga na manonood muna ng movie tape habang hinihintay ang pagkain na pina -deliver nila.
Maya't maya ay tinititigan ni Alfie ang dalaga na nasa tabi lamang niya.Tahimik lamang ito habang nanood ng nasabing pelikula.
HABANG abala siya sa panonood ng pelikula ay naramdaman ni Dannah na hinapit siya ni Alfie sa baywang niya.Kasunod niyon ay humaplos ang isang kamay nito sa braso niya at gumapang iyon sa impis niyang tiyan.
Naalarmang nilingon niya ang lalaki.Saka niya namalayan na mataman pala itong nakatitig sa kanya.
" A-Alfie..." pabulol-bulol na sabi ni Dannah.
Dinampian siya ng masuyong halik sa labi ng binata.Tatlong beses.Ang pang-apat na halik nito sa mga labi niya ay mapusok na at malalim . Hindi napigilan ni Dannah ang sarili. Napayakap siya sa leeg ng lalaki at tinugon niya ang halik nito.
Maya-maya pa ay mahigpit na siyang yakap ni Alfie.Hindi niya mabilang kung ilang beses siya nitong hinalikan.Paminsan-minsan nga ay dinadampian pa rin siya ng halik ni Alfie pero sa pisngi na lang at ulo.
" Alfie? "
" Hmm ? " tugon naman ni Alfie.
" Sigurado ka bang single ka? " Tanong niya rito dahil hindi pa rin siya kumbinsido kung talagang binata nga ito.Sundalo kaya 'to! Ang pagkakaalam niya kasi basta sundalo ay maraming asawa raw kahit saan ang mga ito madistino .
Bahagyang natawa si Alfie sa tanong na iyon ni Dannah.
" Why? nagdududa ka ba ? " Wika nito sa halip na sagutin ang tanong niya.
" Baka kasi may asawa at anak ka na.Ayoko naman makasira ng pamilya ng may pamilya, " Sabi ni Dannah, kinakabahan din kung ano ang isasagot ni Alfie sa kanya.
" Wala akong asawa kundi girlfriend mayroon " anito.
Natigilan naman si Dannah sa narinig.
" Then you're only playing around? " Nang makabawi ng hinahon ay tanong niya sa kay Alfie. " Hindi ka talaga seryoso? "
Napangiti si Alfie bago nito pabirong pinisil ang ilong niya.
" Im just kidding.Wala akong asawa't anak o girlfriend.Ikaw ang tinutukoy kong girlfriend.Kaya kahit anong oras at kahit saang lugar ay puwedeng-puwede kitang pakasalan. "
Naniniwala naman siya sa mga sinabi ni Alfie.Kahit siguro nagsisinungaling pa ito ay paniniwalaan pa rin niya ang lalaki.Ganoon siya katiwala kay Alfie.Mahal kasi niya ito at ngayon lang siya uli nagmahal pagkatapos ng huling relasyon niya with Edward.
" I love you, Sweety. " Narinig niyang bulong ni Alfie sa kanya.
Bahagya pa siyang nakiliti dahil dumampi ang mga labi nito sa taenga niya.Nilingon niya ang binata.
" I love you too, Alfie. "
TAHIMIK silang kumain ng hapunan ni Alfie.Magkatulong silang nagligpit at naghugas ng pinagkainan nila pagkatapos.
Nang nasa silid na sila ay naunang nag-shower si Alfie.Nang matapos na ito mag-shower. Si Dannah naman ang nag-shower .Binigyan siya nito ng maluwang na kamiseta na pamalit sa suot niya nang si Dannah na ang maliligo.
Tahimik siyang nag-shower.Mabagal ang ginawa niyang pagsho-shower dahil nag-iisip siya nang malalim.
Lalong kumabog ang dibdib niya nang palabas na siya ng banyo matapos mag-shower.Parang natatakot siyang lumabas mula roon.Kundi pa kumatok sa pinto ng bathroom si Alfie ay hindi pa siya titinag ng pagkakatayo sa harap ng pintuan.
Nang magkaharap sila ni Alfie paglabas niya mula sa bathroom ay agad siyang hinawakan sa dalawang kamay nito.
" Are you nervous? " masuyo nitong tanong sa kanya.
Marahan siyang tumango rito.Dinampian siya nito ng maraming halik sa labi at ang pinakahuli ay naging mapusok kasabay ng mga kamay nito na naglalakbay sa malambot niyang katawan.His hands were the touch of fire, moving slowly, awakening her body to new sensations.
" Alfie..." Napaarko ang katawan ni Dannah, as his mouth kissed her neck and her throat.
Wala nang atrasan pa she will need surender her weapon.Sa silid na iyon ay buong puso niyang ipinagkatiwala ang kanyang sarili sa lalaking mahal na mahal niya.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heart by: Ashlie Dreamer
RomanceTake Me To Your Heart http://tagalogromanceetc.com Written by: Ashlie Dreamer