BAGO hinakbang ni Alfie, ang kanyang mga paa ay lumingon muna siya roon sa direksiyon na kung saan tumungo ang dalaga'ng iyon.Tila ba'ng sa paglingon niyang iyon ay muli niya makikita ang babaeng naka banggaan niya kanina lang.Saglit niya natitigan ang hitsura ng dalaga.Kahit na saksakan ng kasungitan at tinarayan lang siya ay maganda ang babaeng iyon.Sana nga lang muli ay magkikita ang kanilang mga landas. Nang sa ganoon na paraan malalaman niya na ang pangalan niyon.Nanghihinayang siya kung bakit? Hindi niya kaagad nagawang magpakilala.
Napailing nalang siya sa isipin iyon. At saka sumunod na lang sa mga kaibigan niya na Naglalakad din na nasa unahan niya lang ang mga ito.Naglolokohan pa rin ang mga ito.
Samantala nangitngit ang kalooban ni Dannah, sa eksinang naganap kanina sa pagitan ng lalaking iyon na walang modo.Hindi niya rin alam kung sino ang patanga-tanga sa kanilang dalawa kaya nagkabanggaan sila.Basta ang alam niya at sigurado siya ay malakas ang impact n'un sa kanya kaya muntik na siyang matumba at nakaramdam siya nang kaunting pagkahilo.Ang buong akala niya ay mapasubsob na talaga siya sa simentadong sahig ng mall.
But she admitted that the guy was attracted, guwapo iyon sa kabila nang hitsura na may pagka brusko.Matangkad ang lalaking iyon kaya walang panama ang tangkad niyang limang talampakan at apat.Kailangan pa niyang tingalain ang lalaking iyon para sa ganoon ay makita ang mukha ng binata.
Nang marating niya na ang stuff toy store ay kaagad siya pumasok sa loob ng store.Hinintay niya muna ang ka kilala niyang sales lady dahil may customer pa ito na inaasikaso na mas nauna pa sa kanya.Si Leah ang sales lady, nakilala niya noong bumalik siya rito para itanong ang tungkol sa malaking teddy bear na kulay pink.Out of stocks iyon nang bumalik siya.Kinuha niya na lamang ang numero ng cellphone ni Leah para kung sakali na magkakaroon ng stocks na kagaya niyon ay makapag-pa-reserved siya.Sinuwerti naman siya dahil ilang araw lang ang lumipas ay nagkaroon din ng Teddy Bear na kulay pink.
Nang makita siya ni Leah, ay ngumiti ito sa kanya.Gumanti naman siya ng ngiti rito.Naging magkaibigan narin silang dalawa nito.Lumapit si Leah sa kinaroroonan niya at dala-dala na ang teddy bear na pinag reserved niya rito.Naka balot narin sa rapper 'to, gaya ng request niya.
" Hi! Leah, " Aniya.
" Hello! Dan, ito na 'yong request mo.Sana ay magustuhhan mo ang pagkabalot nito. "
" Wow! maganda siya Leah, nagustuhan.Thank you sa pag effort nito. "
"You're most welcome, ikaw pa, malakas ka kaya sa akin. "anito.
" Anyway, punta ka mamaya sa bahay, kapag out mo na rito.May kaunting handaan na inihanda si Mitch para sa mga bisita niya. "
Nasa labas pa lang ng gate ay naririnig na ni Dannah, ang malakas na malamyos na musika nang gagaling sa loob nang bahay nila.Hindi na siya nag-abalang mag doorbell dahil sigurado siya na hindi naman iyon maririnig sa loob, masyado malakas ang music.May sariling susi naman siyang palaging dala-dala niya iyon.Susi na para sa gate at maindoor ng bahay.Nang binuksan niya na ang gate ay tumampad sa kanyang paningin ang mga kalalakihan na umiinum ng beer.kilala niya na ang mga ito.Sigurado siya na mga bisita 'to ni Mitch.Ngumiti si Zaldy sa kanya nang nakita siya nito.Pero ang isang lalaki na naka talikod niya ito kilala kahit sa bulto nang pangangatawan nito.One hundred percent na sigurado siya na may ipagyayabang itong matipunong dibdib at abs.Halata naman kahit nakatalikod pa ito.Alaga sa exercise ang katawan nito, makikita rin ang mga muscles sa braso nito.What more kung nakaharap na ito sa kanya.Pero tila familiar sa kanya ang damit na suot nito.Hindi maaari na siya!'oh my gosh, 'Anya sa sarili.Natoptop ng kamay niya ang kanyang bibig.Napapailing na lang siya sa isipin na iyon.Kailan pa siya nagkaroon nang pagnanasa sa isang lalaki na nakatalikod sa kanya? Hindi pa niya nakikita ang hitsura nito na baka humarap na ito sa kanya ay bako-bako at maraming tagiyawat ang mukha nito.Mas napangiwi siya sa huling naiisip niya na baka ito ang lalaking iyon.
Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatayo at nakatigagal.Nang marinig niya na may boses na tumatawag sa kanya.Tinignan naman niyon kung sino iyon.Si Gavillanes na nakangisi ito sa kanya.
" Hello! honey.Do you missed me much? " Tanong nito na mas nakakaloko ang ngiti na naka paskil sa labi nito.
Tinaasan niya lang ito ng kaliwang kilay.At saka ningisihan.
" Gusto ko na talaga maniwala na ako na ang pinaka guwapo na lalaki rito sa mundo.The way you look at me. " Banat pa nito.
Kung hindi lang niya kilala si Gavillanes, kung hindi niya lang alam na bawat salita na binibitawan nito ay matatamis.Kung gaano ito ka playboy at loko-loko pag dating sa mga babae.Malamang matagal na siya na inlove rito.Guwapo naman kasi ito, kung katawan lang din ang pag-uusapan may ipagmamalaki din ito.She's knows Gavillanes nothing serious it comes to love, into any relationship.Minsan na rin siya nito kinausap na magkukunwari silang mag nobyo, para lang maiwasan ang babaeng masyado'ng disperada rito.
" Kung maka honey ka wagas, tantanan mo na ako.Hindi 'yan uubra sa akin, Bee , " Honey at Bee ang tawagan nila ng minsan sila kumain ng pagkain na may sawsawan na may honey.Honey bee kasi nanggagaling ang honey sa bee.Kaya pinagdugtong nila ang Honeybee.Hindi nagkalaunan ay Honey at Bee ang kanilang tawagan.
Ngisihan siya nito. " Nagbabasakali lang na baka makalusot naman ako, Honey. "
" Mr Bee, doon muna sa iba aksayahin ang matatamis mo'ng laway at salita . Hindi 'yan uubra sa akin 'yang charms mo. "
LUMINGON ang lalaking nakatalikod at humarap ito sa kinaroroonan niya.Pakiramdam niya ay naging slow motion ang paglingon nito.Pakiramdam niya subrang tagal.Nang humarap na ito sa kanya at kahit na medyo may kalayuan ito sa kanya.Kailangan pa niya yata kusutin ang mga mata para maka sigurado siya na itong lalaki na 'to ang siyang nakabanggaan.She's never forget this man gayong ilang oras lang ang nakalipas simula ang nangyaring iyon.Ito din ang nagiging dahilan na natagalan at ginabi siya sa pag-uwi.
Naririnig ni Alfie, bumukas, sinara ang nasabing gate.Pero hindi siya nag-abalang lingunin kung sinuman iyon.Nakatalikod ang position niya pang-upo mula sa gate kaya hindi niya makikita ang mga tao na papasok sa gate.Kilala ni Gavillanes at ng iba pa niyang kaibigan ang dumating na iyon. Nakita niya na nakangiti si Gavillanes, hanggang tainga ang pagka ngiti nito.Mas lalong kumunot ang ga gitla niyang noo ,nang tawagin ito ni Gavillanes, na 'honey, ' saka inaasar nito.
Nang magsalita na ay boses babae iyon pero mas nakaagaw pansin sa kanya pandinig ang may katarayan na boses nito.Alam niya na nagbibiruan lang 'to at si Gavillanes.Kahit hindi na siya lumingon ay natatandaan niya ang may nag mamay-ari nang boses.Gusto niya maka sigurado baka kasi ay guni-guni lamang iyon.Hindi pa rin kasi mawaglit sa kanyang isipan ang dalaga na naka banggaan niya sa mall kanina.
Nang nakaharap na siya sa kinaroroonan ng dalaga.Tama nga ang kutob niya, ito 'yong babae kanina lang nakabanggaan niya sa Mall of Asia. ' What a small world', anya sa sarili.Hiniling pa niya kanina na sana ay magkikita pa sila nito muli.Malakas talaga siya kay Bro. Kaagad ni Bro binigay ang kanyang kahilingan.Kitang kita niya na kahit ang dalaga na'to ay nabigla nang makita siya nito.Pa simply siyang ngumiti rito.
Pero umismid at inirapan lang siya nito.Saka nag-paalam ito sa mga kaibigan niya.Pagkatapos niyon ay tuloy-tuloy na ito sa loob ng kabahayan.
Nasa garahe kasi sila nag-iinuman.Sinundan niya nang tingin ang dalaga.Tapik sa likuran niya o mas tamang sabihin na mahina na suntok ang nagpaharap sa kanya sa kung sino man ang may kagagawan niyon.Si Jeff, iyon na naka ngisi.Tinignan niya naman ang iba pa niyang kaibigan na sa kanya rin nakatingin.May mga pilyong ngiti sa mga labi ng mga ito.
"Sa klasi ng pagkatitig niyo sa akin.Gusto kung isipin na nababakla na kayo at gusto niyo, ako pag samantalahan, " Anya.
" Ulol! kahit ikaw na lang Cheng ang matitira, hindi kita papatulan.Putulan malamang! " Sabi ni Zaldy.
" Anong problima? " Tanong niya sa mga ito.
" Wala kaming problima, Baka ikaw mayrun. " Kuros na sabi ng mga ito sa kanya.Kapag ganito na ang mga ito, alam niya na pinagkakaisahan siya ng mga kaibigan niya.
" Type mo si Dannah? " Tanong ni Zaldy.
' Dannah, pala ang pangalan niya , 'aniya sa sarili.
" What kind of type? A, B, C, O.or else AB? " Si Bjhay na nakangisi rin ito.
" Naku! Bok, mukhang hindi ka na makapasa kay Dannah.Mas mabuti pa na bumili ka nang Banga ng mas maaga, "si Alvin.
" Bok, kapag napasagot mo, Ang kalabaw na alaga ni Tatay.Patumba ko kung nagpapakasal na kayo, " si Rusthy.
" Bok, maniwala ka diyan kay Cheng Rusthy.Tama ipatumba niya kapag kinasal ka pero pagkatapos ng kasal mo, papatayuin niya rin uli ang kalabaw. " si Gavillanes.
Kunot noo niya tinignan isa-isa ang mga ito.Hindi maawat-awat ang mga kalokohan na pinagsasabi ng mga ito.Tumatawa pa rin ang mga kaibigan niya.Siya ang pinagdiskitahan ng mga ito sa araw na'to.
"Bok, type mo si Dannah? siya 'yong sinasabi ko na gusto ko ipakilala sa'yo, "seryoso na saad ni Zaldy.
Nabuga ni Alfie, ang beer na halos kakainum pa lang niya na hindi pa nalunok.
" Ito naman para kang virgin, kung makapag-react ka, Bok, " si Gavillanes.
" Siya 'yong babae na nakabanggaan ko kanina, " pangumpisal niya sa mga 'to.
" Destiny, oh! destiny, "palatak na wika ni Bjhay.
" Mukhang hindi ka pa naka porma, Bok, bastid ka na, " si Jeff.
" Leutinant Jeffrey Aragon.Tigil-tigilan mo na ako.Ikaw nga hindi maka-iskor sa batang-bata mo'ng asawa. " Anya.
Tumawa naman si Jeff. "Bok, batang-bata, nga eh, paano ako maka-iskor doon.Mamaya child abuse ang aabutin ko.Buti sana kung bantay bata na ako, "anito.
" Suko na ako, alam ko naman na pinagkakaisahan niyo ako, "Anya na tinaas ang dalawang kamay niya.Tanda ng pagsuko sa mga kalokohan.
" Tulungan na lang ninyo ako, kung paano ko mapaamo ang tigring iyon, " aniya.
" Bok, talagang tigre? Dannah, tigre ka daw!" Sigaw ni Rusthy.
" Loko! ka, Bok Rusthy, may plano ka pa yata na mas lalong kumulo ang dugo nun sa akin, " Anya sabay kamot sa noo niya.
" Ganito ang gagawin natin step by step, para mapaamo si Dannah at makuha mo ang mapait iste matamis niyang Oo. " sabi ng mga kaibigan niya.
itutuloy....
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heart by: Ashlie Dreamer
RomanceTake Me To Your Heart http://tagalogromanceetc.com Written by: Ashlie Dreamer