Kabanata 2

392 10 0
                                    

Kabanata 2

Classmates

"Classmates tayo," bungad sa 'kin ni Yuan nang makita niya ako sa classroom orientation, nananahimik sa isang tabi. Tumayo siya sa gilid ko at inilagay ang bag sa katabing upuan.

Blanko ko siyang tiningnan, naaalala ang kasupladohan at kasungitan niya noong summer. Kahit na nagpatuturo siya sa 'kin ng tamang postura ng archery, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang lahat ng kasalanan niya sa 'kin.

Hinding-hindi 'yon mawawala sa isipan ko. Dadalhin ko hanggang sa pagkamatay ko.

"Ayaw kitang maging classmate," sagot ko bago ibinalik ang tingin sa harap.

"Sino ba nagsabing gusto kita maging classmate?"

Bumaling ako sa kan'ya at tinaasan ng kilay nang tuluyan siyang tumabi sa 'kin. Nilabanan niya ang tingin ko, tinataasan din ako ng kilay habang umuupo sa tabi ko. Nang magkalebel ang tingin naming dalawa, siya ang umirap at sumandal sa backrest. Padekwatro pang umupo, pinasusuplado lalo ang dating.

Kainis.

Naghintay kami ng ilang minuto para magsidatingan ang ibang mga kaklase. Sa durasyon na 'yon, bukod sa mga kaklaseng napalilingon sa katabi ko, wala kaming ginawa ni Yuan kun'di manahimik.

"Thomasina."

Napasulyap ako sa kan'ya, bahagyang gulat dahil sa lamig ng boses niya.

Tiningnan ko siya, hindi nagsasayang ng laway para magsabi ng, "Ano?"

"Thomasina," pag-uulit niya kahit na nakaharap na ako sa kan'ya, nakikipagtitigan pa.

I motioned my head to prompt him to speak. He didn't.

Inirapan ko na lang at inabala ang sarili sa ibang bagay.

"Hindi mo 'ko iimikin?"

"Hindi ka mananahimik?" baling ko sa kan'ya.

Irap ang naging sagot niya.

Aba. Sinusupladohan na naman ako porke't hindi ko siya sinasagot?

"Irap ka nang irap. Dukutin ko 'yang mata mo."

"E 'di magdukutan tayo ng mata," suplado niyang sagot.

Lalo yatang nanahimik ang mga kaklase ko.

Sa mga sumunod na linggo, wala akong nagawa kun'di tiisin ang katabi ko. Hindi ko rin naman kayang makipagpalit ng upuan dahil hindi ako malapit sa iba. Isa pa, tahimik sa pwesto ko—sa gitna, bandang gilid—kaya wala nang problema pa bukod sa katabi ko.

Suplado.

Pero hindi problema sa iba 'yon.

Yuan, to his distaste, gained fame. Cute raw kasi siya. Suplado, tahimik, maputi. Heartthrob. Mapanga rin, naniningkit ang mata. Chinito.

Baka sumingkit na mata nito dala ng pang-iirap. Hindi rin naman tunog Chinese ang apelyido niyang Montillano.

Kung alam lang nila ugali nito—alam na nga nila kaya lalo silang nagkagusto, 'di ba?

"Ayoko ng chocolate."

"Mas ayoko sa 'yo."

Napunta ang tingin ko sa Toblerone at KitKat na nasa lamesa ko. Hindi ko na kailangan pang mag-angat ng tingin kung sino ang naglapag no'n.

Kinain ko agad ang matcha KitKat. "Bakit ka binigyan nitong matcha?"

"Ewan." He let out a frustrated sigh.

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon