Simula

1.2K 25 2
                                    

#fobwp

Simula

To speak about the truth is to be naked.

That's why I chose not to tell it.

Because who would benefit more from it—myself or the people around me?

At the end of the day, it all boiled down to vulnerability—the last thing that I wanted. Because it wasn't about security, it wasn't about strength, nor it was about peace. It was all about chaos and fragility.

Kasi kapag walang pader, walang harang na titibagin. Kung walang harang na titibagin, mas madaling manghimasok. At kapag may nanghihimasok, may namiminsala.

Sa dinami-rami ng mga bagay na 'yon, may kakayahan pa ba ang mga tao na kontrolin ang pag-akto nila? O magpadadala nalang sila sa emosyon, manghuhula sa dulo kung ano ang magiging kahihinatnan ng naging desisyon?

Humugot ako ng malalim na hininga at hinigpitan ang hawak sa mikropono.

I love my job, but I hated how invasive it was. Ngunit wala akong magagawa dahil ito ang inatas sa 'kin.

Nagtaas ako ng kamay. Tinanguan ako ng nag-aasikaso ng press conference.

"MLM News. Tamara Ortegon." Tinapik ko ang papel na naglalaman ng tanong. Ilan sa mga 'yon ang nasagutan na base sa mga reporters na nagtanong kanina. "Ano ang masasabi niyo tungkol sa biglang pagtaas ng album sales?"

Sebastian de la Fulgencio, their green-eyed vocalist, was the one who's prompted to speak. However, his chance was taken by one of his members.

Maputi, masungit, suplado. Yuan Thaddeus Montillano.

"It's nice," komento niya, ang malamig na boses na tumama sa mikropono ay pumailanlang sa speakers. Lalo akong nanlamig.

I tilted my head to prompt him to speak more, but he only stared at me, eyes dead set on asking me to continue with my question.

Pero iyon na ang tanong ko, ano ba ang problema niya?

"It's nice to see you again."

Palihim akong humugot ng hininga.

Lies.

"Woah," manghang saad ng drummer nila, nanlalaki ang mata bago ipalipat-lipat ang tingin sa 'ming dalawa. "You know each other, Yuan?"

I felt the eyes of the other reporters, but I could care less. In the hierarchy of importance, in events such as this, it was wiser to disengage myself in a conversation I wasn't interested in.

Wala rin namang laman ang sinabi ni Yuan, ibang-iba mula sa sinabi niya noon.

"Natutunan mo ba 'yan kay Elg?" pangsalo ni Cloud Brenner, ang bassist ng banda nila.

Yuan had a hard time removing his eyes from me. After he did it, the abrupt shifting of the eyes came out as a glare. Hindi ko na lang pinansin.

When the press conference ended, I was given instructions by the executive producer to join the mob. Hindi ko makapaniwalang tiningnan ang nabasang e-mail habang tinawanan ako ng kasamang cameraman.

"Si Ma'am Jangco talaga," natatawang komento ni Mike.

I let out a frustrated sigh, a roll of an eye, and a glare before I started to fix myself. Maya-maya ay napilitan na akong sumama sa mga reporters na hinihintay ang banda na lumabas. Sa dulo ng red carpet ay naghihintay na ang kanilang itim na van.

Nilingon ko si Mike, nag-aalala dahil sa estado ng mga tao pati na rin ng camera na dala niya. Hinigpitan ko pa ang kapit sa mikropono, hindi nakikita ang punto sa pakisasali sa kuyog, ngunit wala nang nagawa dahil nasa gitna na ng mga nagtutulakan na tao.

When I raised my hand holding a mic, it got knocked off from my grip. Natatanggal na rin ang lapel na nakasabit sa bewang ko.

Marahas akong napasinghap, sinusundan ng tingin kung saan napunta ang hawak ko. Nakisiksik na ako sa mga tao, nasa isip ang kahalagahan ng mikropono. I could hear Mike shouting something, but with the noise of all the people, I couldn't understand what he was saying.

"Excuse me!" sigaw ko kahit mababa ang tsansang marinig pa nila ako. They were all about the band, and this was what I hated about show business!

Muntik ko nang maabot ang mikroponong nahulog kung hindi lang nagsunod-sunod ang flash ng camera. Panandalian akong napapikit. Nang mapadilat ay naguluhan nang makitang nawala 'yon mula sa red carpet.

What...

"Miss, bawal po rito."

Nasipa pabalik sa red carpet ang mikropono.

"Kuya, wait lang."

"Miss, maiipit po kayo. Nand'yan na po sina sir."

"Wait, kuya. 'Yung mic—"

Bahagya akong natulak at naipit na naman sa mga reporters. Muntik nang matamaan ang noo ko ng camera kung hindi lang ako naka-ilag.

Nakaramdam ako ng paghawak sa pulsuhan ko, ang isang malamig na kamay ay ibinabalot ang daliri ko sa pamilyar na hawakan na may pamilyar na bigat. May inipit pang kung ano.

"Mic mo!"

"Yuan, dalian mo!"

It took me a while to realize that someone returned the mic to me.

Lumayo ako sa mga kumpol ng tao bago hindi makapaniwalang tiningnan ang hawak. Napakunot lalo ang noo nang makita ang calling card.

Calling card ng STATION? Anong gagawin ko rito?

I flipped the card and saw a few numbers and a name, both written using a marker.

A contact number, and Yuan.

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon