Kabanata 29

112 3 3
                                    

Kabanata 29

Probinsiya

Nagising ako sa tawag mula sa cellphone.

Nairita ako dahil una, ilang linggo akong puyat at ngayon lang ako nakahabol ng tulog. Idagdag pa na kapipikit ko lang ng mata at may tumatawag na agad sa 'kin!

What pissed me off more is that it's Yuan, and he told me to let him in!

Let him in where? Sa unit ko raw kasi nando'n siya sa labas!

Now it made me rethink about my decisions regarding him. Sana pala hindi nalang ako "nakipagbati" kung gagantuhin lang niya ako.

Napabangon ako mula sa kama at nakasimangot siyang pinagbuksan ng pinto. Balot ako ng kumot dahil suot ko ang pantulog.

"What is—"

"Tana, want to go away with me?"

Napakurap-kurap ako. "Ha?"

"You're my PNP..." Tumigil siya. "Samahan mo 'kong umalis dito sa Pampanga."

"Ano?!"

Bahagya siyang ngumuso. "Samahan mo 'ko sa Nueva Ecija. May pupuntahan ako."

Marahas akong umiling. "No!"

"Dali na..." He pouted. "You can easily protect me from any news when I'm with you there."

Inirapan ko siya at nilakihan ang bukas ng pinto. Pumasok kaagad siya at nagdire-diretso sa sofa.

"Bibisitahin ko lang si lola."

Muntik nang mahulog ang puso ko nang makita ang malinis kong lamesa. Mabuti nalang at itinago ko ang mga papel sa kwarto.

Naningkit ang mata ko nang makitang may dala siyang backpack.

Inayos ko ang kumot sa katawan. I was wearing a thick floral sleepwear, but I was not wearing any bra so...

"At kailan mo lang naisipan?"

He pretended to think. "Just an hour ago."

"And you didn't even tell me your plans?"

"You're always in my plans." Umirap ako. "I'll give you an hour to prepare your things. Gusto mo bang tulungan pa kita?"

Nananantiya ko siyang tiningnan. Bakit ang dating ng tono niya ay parang ako pa ang may atraso? Na, pasensiya na, hindi agad kita nasabihan na aalis tayo pero bibigyan kita ng isang oras para mag-ayos ng gamit.

Napairap muli ako bago siya inismiran. Tiningnan ko mula ulo hanggang paa, inirapan, bago dumiretso sa kwarto.

Working closely with him for a few months now, I know how to forfeit, but not accept defeat, because those words are always different for him. I forfeited because I had no choice—because I couldn't raise an opportunity to raise my opinion. He always wins.

Just like now.

"Ilang araw?" I shouted from my room.

"Matagal na 'yung three days, one night."

"At paano ka napayagan ni Ma'am Greta?"

"I'm her favorite." Napalingon ako nang lumapit ang boses niya.

Sininghalan ko siya nang makitang nakasandal sa barandilya ng pinto. Nakahalukipkip pa, manghang-mangha habang pinanonood akong maglagay ng gamit sa bag.

"Kaamoy mo kwarto mo." My heart dropped when he started to walk around.

"You are creepy and disgusting," I said, pleading for his attention.

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon