Kabanata 30

85 4 3
                                    

Kabanata 30

Guilty

That night, he excused himself and told me that he will be sleeping. Tanghali nalang daw kami aalis para may oras pa para makatulog.

Nga lang, hindi ako makatulog dahil umaalingawngaw pa rin sa isipan ko ang sinabi niya.

Sana siya nalang ang project ko?

He is.

But what would he feel about other people investigating him?

Mapakla akong natawa. Were his words last night an approval of my past actions? Would he even forgive me once he knew what I had done?

Inalis ko nalang muna 'yon sa isipan sa pamamagitan ng paglalagay ng ilang padala sa sasakyan niya. Humingi pa ng paumanhin si Yuan na hindi marami ang madadala niya dahil maling sasakyan ang nagamit.

"It's fine," I answered with a small smile. Natulala siya na siyang ipinagtaka ko.

Itinagilid ko ang ulo, napakukunot ang noo.

"Nginitian mo 'ko," mahina niyang sabi.

"Hindi ba kita nginingitian?" Itinukod ko ang braso sa gilid ng trunk.

Kumibot pataas ang dulo ng labi niya bago napailing-iling. "Lagi mo 'kong iniirapan," pagrereklamo niya.

Humalukipkip ako at isinandal ang tagiliran sa trunk, ang katawan ay nakapaling sa kan'ya. "Ikaw rin naman?"

Inilagay niya ang kamay sa trunk malapit sa tagiliran ko bago pumamewang. "Well..."

Wala na siyang idinugtong do'n kun'di isang kibit-balikat. Hindi na rin naman nasundan ang usapan dahil tinawag na kami sa loob dahil kakain na.

Pagkatapos magtanghalian ay umalis na kami sa bahay. Siya rin ang nag-drive pauwi. Nakaiwas din ako sa usapan sa pamamagitan ng pagtulog. Nagising nalang ako na nasa basement parking na kami ng condo.

Dumungaw ako sa bintana nang makalabas ng sasakyan. "Thank you, Yuan."

His brown eyes were kinder today, but they had an emotion that was foreign to me.

"Have a good rest, Tana."

I smiled and stepped backward to watch him drive off. Akala ko ay mangungulit pa siya pero mabuti nalang at umalis na agad. Paniguradong pagod din siya sa biyahe.

Nang mawala na siya sa paningin ko ay umakyat na 'ko sa unit. Nilagay ko sa ref ang ilang padala sa 'kin at naglinis ng katawan bago mahiga sa kama at matulog.

Kuya Thunder and I are to meet the next day at his unit, which was his reply to my message yesterday. He told me that the investigation was finished and that we could start finalizing and settling the important details.

I was nervous because of that.

Even more nervous when I caught a glimpse of the envelope that I had been filling with papers for a few months now.

NORTH

Iyon ang isinulat ko sa likod ng expandable envelope. All caps, makapal ang mga letra, idinidiin kung gaano kabigat ang sitwasyon kung palalabasin.

Ang puso ay kabado, inilapat ko ang daliri sa materyal ng envelope. Sa bawat haplos ay dama ko ang mga oras at emosyong inilaan para mapagtagpi-tagpi ang nangyari sa kapatid ni Yuan.

Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil karamihan ng kailangan ko ay naibigay na ni Kuya Thunder. However, what put a lot of toll on me is the shame and guilt while doing this behind Yuan's knowledge.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon