Kabanata 6

212 9 1
                                    

Kabanata 6

Swing

Ilan buwan nang nawawala si Mama. Nasabi na rin namin sa istasyong pinagtatrabahuhan niya't sinabihan kami na iniimbestigahan na raw nila. Sa ngayon, wala raw munang ilalabas sa publiko; takot na lumala ang sitwasyon.

Nang tinanong ni Papa ang katrabaho ni Mama na si Shiela, sinabi niyang may kaonti siyang alam. Ang kwento raw sa kan'ya ni Mama, may sikretong kompetisyon daw ang isang broadcasting station na kung sino ang may pinaka-"riskiest news" ang siyang makapapasok. Inaaya raw siyang sumali rin ngunit tumanggi siya.

Sa huli, si Mama lang ang sumali.

"May nag-invite sa kan'ya, e. Nakilala raw niya sa isang journalist forum. Nabanggit sa asawa mo 'yung tungkol do'n tapos, ayun," sagot ni Shiela nang magtanong si Papa sa kan'ya.

"Tanda mo ba ang pangalan?"

"Um... Mel yata? 'Di ko sure kasi minsan lang niyang banggitin, e. Pero picture! Madalas niyang pinapakita sa 'kin 'yung picture. Wait, sinend niya sa 'kin 'yon." Panandalian daw niyang kinalikot ang cellphone at itinapat kay Papa ang screen nang makita ang litrato. "Eto si Isabelle kasama 'yung friend niya. 'Yan 'yung time na nasa journalist forum daw sila."

"Melani," banggit daw ni Papa.

"Ay, tama! Melani nga. 'Mel' tawag do'n ni Isabelle..."

Ipinakita sa 'min ni Papa ang litratong ipinakita sa kan'ya ni Shiela. Si Mama kasama ang isang babae habang nasa journalist forum sila. Sinend din ni Mama ang litratong 'yon sa family group chat namin.

"Siya rin 'yung huling kasama ni Mama..." nanliit na ang boses ni Rayleigh sad ulo.

Kung may itatahimik pa ang paligid ay baka nangyari na. Hindi ko nga lang alam kung mas pipiliin kong maging bingi o makarinig, huwag lang lubos na masaktan ng katahimikan. Gusto kong masanay ngunit napakahirap.

"Baka po nadawit lang din 'yung Melani?" Rayleigh's tone was too hopeful that I was pained because of it. She wanted to be optimistic, but with the time and silence that had passed, it was a bit late for that.

Baka... wala na.

For the next days, I could feel the weight of the burden on me. Aside from the constant emotional breakdowns that I had because I was undergoing TV broadcasting training, I still had something to do at home.

Unti-unti nang bumibigay si Papa, kinakain na ang oras sa paghahanap kay Mama. Sa kondisyon na 'yon, imposible sa kan'ya ang makapaghanap ng trabaho. Mabuti nalang at nakakukuha pa rin kami ng sweldo ni Mama. Nang tinanong namin kung bakit, sinabi lang ng istasyon na mahusay na reporter si Mama.

I don't know how long their good deed would last, but I hoped that it would. Because if my mother would be back, the salary wouldn't act as compensation anymore, right? Like collateral damage or a pension of some sort... hindi ko alam ang pinagsasabi ko.

Pero hindi naman dapat umabot sa ganito, hindi ba?

"...Tana."

"Tana."

"Uy, Tana!"

I snapped and realized that I was unable to read my lines on the prompter. Napatitig lang ako sa camerang nakatapat sa 'kin, ang kaliwang kamay ay nakahawak sa mikropono. Maayos naman ang postura ko pati na rin ang emosyon sa mukha ngunit ang utak ko ay napunta sa kung saan-saan.

I blinked to dissipate the ache in my head. Maybe because I was thinking too much, or maybe my eyes were strained because of the bright lights. Kung ano man 'yon, sigurado akong palpak ulit ang performance ko ngayon.

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon