Kabanata 28

104 3 3
                                    

Kabanata 28

Sikreto

"Bye, Tana," he said for the nth time.

I rolled my eyes when he's still not leaving. Kanina pa kami nasa basement parking ng S&T Records pero hindi pa rin siya bumababa. Huwag niyang irarason sa 'kin na naka-lock pa ang sasakyan dahil kanina pang naka-unlock!

May hinihintay ba 'to?

"Bumaba ka na kasi," pagrereklamo ko. "Walang tao sa parking. Walang makahuhuli sa 'yo."

"Naur."

Kinunotan ko siya ng noo bago irapan ulit. Kaya niyang magpahatid sa archery zone pero hindi niya kayang magpasundo? Ginawa pa niya akong driver ngayon!

"Anong oras ka bababa?"

"Kapag naging kambing ka na."

"What?"

He shook his head as he reclined the passenger seat.

Sa bwisit, napairap muli ako. Ibinaba ko ang bintana bago patayin ang makina ng sasakyan.

Magdusa siya sa init!

When I glanced at him and saw that he closed his eyes, I loudly sighed.

"Hay. Alas sais na ng gabi. Ano kayang feeling 'pag nasa bahay na 'ko ng ganitong oras?" pagparirinig ko sa kan'ya.

"Masaya," sagot niya habang nakapikit ang mata.

"Masaya pala, e. Ba't ayaw mo pa umalis?"

He peeked with his one eye. Pumikit din pagkatapos. May lakas ng loob pa na tumagilid, akala mo natutulog sa kama!

"Yuan, that seat's not for sleeping."

"Na-re-recline siya, Tana."

I puffed a sigh and crossed my arms. "Gan'tong oras sana, nakapaglinis na 'ko ng katawan at nakakain na ng hapunan. Pero dahil sa isa d'yan, nandito pa rin ako, banas na banas."

"Sige, i-on mo aircon. Pinagpapawisan ako."

Napaawang ang bibig ko. "Don't you have somewhere to be?"

"Hm..."

Sa inis ay itinukod ko ang braso sa pinto. Pwede kayang tumawag ng guard?

Iniisip ko pa lang ang naiwan kong gawain sa bahay, kumukulo na naman ang dugo ko.

Gustong-gusto ko nang umuwi! Kung pwede nga lang, patatalsikin ko siya mula sa sasakyan. Pero dahil si Yuan siya, baka ako pa ang mapaalis dito.

"Ang init."

"I-on mo kasi ang aircon."

"Mahal ang diesel."

"Babayaran ko."

"Magkano ibibigay mo sa 'kin?"

"One thousand."

"Bigyan mo muna 'ko," I bargained.

Napadilat siya bago hugutin ang wallet mula sa bulsa. Lumugdo ang puso ko nang makita ang baby picture na ipinakita niya noon. Napatitig yata ako kaya niya 'ko kinulbit.

"Ayan," he said as he put it in my hand.

I skeptically looked at him before I turned on the car's engine. Nang itinaas ko ang bintana at binuhay ang aircon ay tsaka lang siya bumalik sa dating pwesto.

Seryoso? Matutulog talaga siya rito?

My car's diesel...

Hindi ko maiwasang manghinayang kahit na binigyan niya ako ng isang libo!

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon