Kabanata 4

254 11 1
                                    

Kabanata 4

Career

True to my guess, Yuan didn't talk to me, even in chats. Doon ko lang naman siya nakauusap dahil abala ako sa training.

But I was used to him acting like that. Bigla-bigla na lang 'yong mamamansin kapag humupa na ang tampo niya.

O irita—as what he called it. Ayaw niyang tinatawag na "tampo" 'yon kasi hindi raw siya pabebe.

Fine. Let's go with that.

When I got back after the contest—I was the champion, by the way—I knew I had little time to "reconcile" with him. Magpapahinga muna kami ng isang linggo bago bumalik ulit para sa NSPC Training.

Sa durasyon na 'yon, hindi ulit ako makapapasok. Mas hindi makikita nang personal dahil abala sa pagpapalipat-lipat ng lugar para manguha ng shots para sa OBB—ang pinaka-intro ng broadcasting, ilang background para sa live report, pati na rin mag-training sa iba't ibang lugar gamit ang iba't ibang equipment at mga trainers.

Sir Karl knew that his teaching wasn't enough, so we had to go around the country. Kalimitan ay sa kalapit na lungsod sa Pampanga kami nagpunta dahil do'n naman nanggagaling ang mga kagrupo ko. Minsan ay magte-training kasama ang isang rehiyon para matuto sa isa't isa.

It would be a fun experience, the seniors told me. Makagagala sa iba't ibang lugar, kaonting pahinga mula sa nakauubos-enerhiya na training. Pero bago 'yon, may problema muna akong lulutasin.

A week, I thought. Maikling oras para "makipagbati" kay Yuan.

I was unbothered by his attitude. It was normal for me, or maybe because I was like him that's why I understood him well. I understood where he came from—on finding peace in solitude, on just being with himself. To be quiet for no reason at all, and to talk to someone after long periods of silence.

Iyong aaktong parang walang nangyari. Iyong walang komprontasyon—pagtatanong kung bakit bigla-biglang hindi namamansin o bakit bigla-biglang hindi nakipag-u-usap. Wala ring eksplanasyon, basta lang babalik.

Basta.

But, of course, there were always ways to "gain" him back. Hindi panunuhol kun'di paghihintay ng tamang oras kung kailan handa na siyang makipag-usap.

At ang pag-abot niya sa 'kin ng "tira-tira" ang simbolo no'n.

"We're on good terms now?" I asked, hesitant to accept the Deka can he was giving me. Pumasok ako noong Monday. Ngayong Wednesday lang siya namansin.

"Ba'la ka mag-isip," suplado niyang sagot bago magpatuloy sa pagsusulat sa notebook niya.

Kung abala ako sa TV broad, abala naman siya sa pagsusulat ng tula. Aside from being a feature writer, he had several contributions to the creative column of the school's newspaper. I read his poems in secret because I knew him well.

Ayaw niyang makita na binabasa ko ang gawa niya kaya hindi ko na lang sinasabi. Kunyari ay hindi ko alam, ngunit may oras talaga na hindi ko alam. Gumagawa lang talaga ako ng paraan para magkaroon ng kaonting impormasyon. Halimbawa, ang pagpunta sa library kapag break sa training para makita kung may bagong dyaryo.

Palaging updated ang mga dyaryo ro'n. Maganda ang layout, pero mas nakapupukaw ng atensyon ko ang mga tula ni Yuan.

There was a certain feeling in it—mournful, slow burn, and heart-wrenching. But after his words were finished, it felt like bliss as if the seconds I spent reading it were mere. Like a glimpse in a century, a breath of wind.

Very short, but heartfelt.

Napakasarap basahin. Nakapaninira. Nakapagbababa ng depensa.

"When did you like writing poems?" tanong ko, binabalot ang sarili sa payapang simoy ng hangin.

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon