Kabanata 12

206 11 4
                                    

Kabanata 12

Contest

Malik was unable to sing that night, and it was fine for both parties. Una, dahil okupado ng STATION ang schedule ng Beats dahil inaantisipa ang pagtugtog nila. Mas dumami pa nga ang dumating noong alas otso ng gabi.

"Tana, 'di na kita nakantahan," mahina niyang saad habang nakaupo sa harap ko, ang ulo ay nakababa. There was shyness in his tone, I think he was embarrassed that he asked me to attend an event I couldn't be a part of.

"It's fine," tipid kong sagot. Hindi siya kumbinsido sa naging sagot ko, o baka gano'n talaga ang mukha niya—laging nangangapa tuwing kasama ako.

Wala akong problema kung hindi natuloy ang gig. Walang problema kung matutuloy. At wala ring problema kung hindi niya matutupad ang "ipinangako" niya sa 'kin.

We're not that close. In fact, we couldn't pass as friends.

Acquaintances—that was it. There was a particular amount of expectation in the hierarchy of relationships, and the full length of trust wasn't a part of it.

Kakikilala ko lang kay Malik. Bakit mag-e-expect agad ako nang malaki sa kan'ya? Ni hindi ko nga siya kilala bago ako manghingi ng content para sa feature column.

Inilalayo ko lang ang sarili mula sa pagkadismaya na pwede namang maiwasan kung hindi magtitiwala agad.

He stretched out his hand, the paper trapped between his fingers. I don't know whether I'd get it from him or not. Nagpasalamat nalang ako nang tinanggap ko ngunit hindi pa yata siya kuntento ro'n.

"Gusto mo bang ilibre kita ng pamasahe pauwi?" tanong ko nang makalabas ng Beats.

Hindi na namin tinapos ang gig dahil hindi ko na tinapos. Magpapaalam na ako dahil may gagawin pa akong article. Sumama na lang din siya dahil wala siyang kasama sa loob.

Kung tungkol naman kay Yuan at sa banda niya, wala akong pakialam. Ayaw niya nang kumonekta sa 'kin at naiintindihan ko 'yon. Hindi ako ang tipo ng tao na magpupumilit na manghimasok.

Ayoko ng nanghihimasok.

"Naka-kotse ka?" tanong niya, nakasuksok ang magkabilang kamay sa bulsa.

I rolled my eyes at him and gave him a fifty-peso bill. Hindi ko alam kung kasya ba 'yon dahil hindi ko naman alam kung ilang sakay siya pauwi.

"Bago ka tumawid, dapat hindi ka tatanga-tanga."

His sunken face brightened up a bit. "Para sa'n 'to?"

"Kainin mo."

Wala bang common sense 'tong si Malik?

Napairap muli ako. "Ano bang ginagawa sa pera? Pinupunit? Tanga ka kung gagawin mo 'yon."

Sinapo niya ang dibdib, kunyari ay nasasaktan. "Aruy naman! Grabe ka talaga magsalita, Tana." Humalakhak siya at isinuksok ang pera sa bulsa.

Tinampal ko ang kamay niya. "'Wag kang tanga. Baka mahulog 'yan mula sa bulsa mo."

"Concerned citizen ka?" Nang-aasar akong tiningnan ng mata niya.

"Nanghihinayang ako sa singkwenta ko."

"E ba't mo ipinamigay?"

I rolled my eyes. "Stop asking questions. Ang daldal mo."

Ngumuso siya at isinuksok na 'yon sa kulay asul niyang wallet na may pulang 'S'.

Superman. I scoffed.

"O! Ano ba naman 'to? Inilalagay ko lang 'yung pera sa wallet ko, iniismiran mo na 'ko. Napakataray mo talaga!" reklamo niya, nakangiwi.

"Whatever. Uuwi na 'ko." I turned my back on him and started walking. Pumihit nga lang ako paharap nang may makalimutang sabihin.

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon