Kabanata 11

191 11 1
                                    

Kabanata 11

Boses

That night, I asked permission from my father to attend a gig. Hindi ako nagsinungaling tungkol sa bagay na 'yon, pinapayagan naman ako ni Papa na pumunta sa kung saan-saan.

Besides, it's not a matter worth lying about, especially if it's about their worry and my safety.

I went at the restobar he told me to be at. BRB: Bar, Restaurant, Busk was the name of the establishment. Nang tinanong ko kung bakit may 'Busk' e mukhang sa loob naman nag-gi-gig ang mga kumakanta, sinabi niyang pa-minsan-minsan daw ay meron sila sa labas. Do'n sa mga lugar kung saan maraming tao para raw may exposure.

"Bakit?" tanong ko dahil kakaiba ang tingin niya sa 'kin.

"Akala ko 'di ka darating, e!" he exclaimed.

I rolled my eyes at him. Akala ko ay kukwestiyonin niya ang suot ko—t-shirt, shorts, at white sneakers—pero wala siyang komento. Tumitig lang sa 'kin, hindi pa rin yata makapaniwala.

"Ano oras gig niyo?" I asked because I was interested to listen.

Hindi naman por que sinabi niyang ibibigay niya sa 'kin ang lyrics kung pupunta ako ay pupunta lang ako at hindi makikinig. Marunong akong makiramdam sa mga gan'yang bagay, partikular sa mga kasiyahan ng mga tao.

Besides, it takes a lot of courage for a person to ask them to visit and see what they could offer. It was not in my nature to turn them down.

"Ah... ano kasi..." Nang nilingon ko siya ay nahihiya siyang nakatingin sa 'kin. "Nagkaproblema kasi at... hindi tuloy first gig namin ngayon. Pero ibibigay ko pa rin sa 'yo 'yung lyrics, promise! Teka, ito—"

Hinarangan ko ang kamay niyang iniaabot sa 'kin ang papel. Naguguluhan niya akong tiningnan.

"Sa iba nalang tayo," sagot ko.

Kinunotan niya ako ng noo. "Ha?"

Inirapan ko siya. "May lugar ba kung saan ka pwedeng kumanta? Kahit ikaw lang?"

He blinked, fast. Hindi ko alam kung namumula ba ang mukha niya o na-ma-malikmata lang ako.

"B-Bakit? Ah... sabi ko, gig namin, ah? Ba't bigla akong kakanta?"

"You're the vocalist of your band, Malik. Makikinig muna ako sa gig niyo—sa gig mo—bago ko kuhanin 'yang lyrics."

Napakurap siya. "Weh... seryoso ka?"

"Gusto mo bang bawiin ko ang sinabi ko?"

His frown turned into a smile. "Joke lang! May alam ako. Sa Beats. Punta nalang tayo ro'n kaso 'di ko sigurado kung may bakante sila."

I nodded and followed him to where he was heading. Nag-jeep lang kami papunta ro'n pero nilibre na niya ang pamasahe.

Nang makarating sa loob ay hirap kaming maghanap ng pwesto. Kung hindi may umo-okupa ay naka-reserba sa imbitadong tao ng mag-gi-gig. Mabuti nalang at may nahanap kami kaagad.

The bar and grill were rustic and modern. There were also wood elements around. Masarap tumambay rito kung hindi nga lang bwisit ang kasama ko.

Hinanap ng tingin ko si Malik na nawala nang makahanap ako ng lamesa. He informed me that he was going to speak to the owner and ask about a vacant gig spot. Though, I was not sure if he'd get any. Mukhang may kilalang taong mag-gi-gig ngayon dala ng dami ng tao at hagikhikan habang may binabanggit na pangalan... o banda.

"What?" I asked when Malik returned. Parang pinagsakluban ng langit ang lupa ang mukha niya dahil lumong-lumo siya nang makabalik.

"Wala raw, e. Kinuha ng STATION."

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon