Kabanata 22

217 14 1
                                    

Kabanata 22

Birthday

"So, kapag sinabi kong lemon, sabihin mo 'cake'. Lemon?"

"Juice?" tanong ni Yuan.

"Tangek. Kasasabi ko lang e. Hirap nito maka-pickup. SUV siguro sasakyan mo?"

"Pwede bang ipatapon na 'to sa gwardiya?" hirit ni Zake.

"I didn't hear it," was Eros' abrupt reply. May maliit pang ngisi sa labi habang pinanonood ang pagmamaktol ni Cloud.

"'Yung gown mo parang stars sa galaxy," komento ni Cloud nang madaanan ng tingin ang suot ko.

I rolled my eyes as I shook my head. Umakto siyang nasasaktan—na siyang madalas na reaksyon kapag nagdadrama—kaya hindi ko nalang pinansin.

"Or kaya glitters sa itim na tela," habol niya.

Ok ka lang ba? I would like to ask.

Na-realize ko naman na sayang lang ang oras ko sa pakipag-uusap kay Cloud; gano'n din ang mga kabanda niya kaya hindi na nakipag-usap sa kan'ya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi na ako umimik.

Ngumuso lang siya nang walang makuhang sagot sa 'kin.

Ang katotohanan—nakasuot nga ako ng gown na parang stars sa galaxy. Mayroon ding glitters sa itim na tela dahil bahagyang makinang ang suot ko. Pero kung tutuusin, ito na ang pinakasimpleng gown na nakita ko.

Sweetheart neckline na medyo manipis ang strap. Ang maikli kong buhok ay bahagyang kulot na bumagay sa mukha ko. Simple lang din ang makeup ko. Hindi rin kataasan ang suot na heels, sakto para makagalaw nang maayos kung sakaling may kailangang interview-hin.

Though I'm not sure if that's my job right now.

Today was Sebastian's birthday party, also a celebratory party because they got full recognition nationwide. Mag-eexpand na raw sila internationally. Malakas na ang buying power ng mga fans, isama pa na mas lumawak ang fanbase nila.

The party was at a function hall of a five-star hotel. The interior decorations followed a color scheme of gold, silver, and black. Elegante ang kabuoang party at may dress code rin na sinusunod kaya napilitan akong mamili ng gown.

Kung tutuusin, wala akong planong sumama.

There was a part of me that knew that they considered me as a part of their family, but I was still hesitant to feel as if I was one.

Sure, they were kind to me as I was to them, but I couldn't help thinking that it was about business and camaraderie.

Kailangan mo nga namang pakisamahan nang maayos ang business partner mo para maayos ang trabaho.

Whether it was my defense mechanism to avoid being attached too much, or it was just their character, I shouldn't think about it. What's important was I knew where I stood in this connection; it was a bit closer to friendship.

"Tutugtog ba kayo?" tanong ko kay Elgene na naiwan sa tabi ko.

Naging kumportable na akong makipag-usap sa kan'ya. Mas kumportable nga lang siya sa 'kin. Dumating sa punto na nagtatanong tungkol sa love life at dating kahit na wala akong experience tungkol do'n.

Okay lang, at least may napagtatanungan ako, was his usual answer.

Nasanay na rin ako.

"Siguro? Di ko sure, e. Baka hindi na."

"Did Sebastian invite any special guest?"

Nang-aasar niya akong tiningnan, naniningkit ang singkit na mata. "O, time first muna sa trabaho, Tamara." Humalakhak siya pagkatapos.

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon