Kabanata 18

214 10 5
                                    

Kabanata 18

Interview

Nakasimangot ako nang maupo sa isang puting garden chair. Ipinatong ko naman ang baso sa katabing lamesa. Parehong metal ang mga gamit ngunit wala pang kalawang. Siguro ay bagong bili o di kaya'y hindi gaanong babad sa araw.

Binuklat ko ang pinaglalagyan ng interview questions bago ngumiwi nang mabasa ulit ang laman.

Ayokong magtunong nanghihimasok. Kung tutuusin, ayokong manghimasok lalo na kung napaka-personal na bagay. Pero trabaho ko 'to kaya wala akong magagawa.

Nakabubwisit nga lang na si Yuan ang iinterviewhin ko.

Tumambay ako sa pwesto nang isang oras. Nakatanggap na rin ako ng mensahe na kailangan ko nang maghanda dahil malapit na raw matapos sina Yuan.

With a little groan, I stood up and fixed my things. Inilagay ko sa katsa bag ang mga gamit bago bitbitin sa kamay ang tumbler at pinag-inuman.

Bumalik ako sa pantry upang magtapon ng inumin at kumuha ng tubig. Naghintay pa ako ng ilang sandali dahil may nakapwesto rin sa water jug.

Hahakbang na sana ako pero narinig ko ang boses ni Yuan.

"Tapos ka na?"

Umirap ako at umabante nang umalis ang tao sa tubigan. Hindi ko pinansin ang nasa likod ko, umaakto na walang narinig. Abala lang sa pag-re-refill ng tubig.

"Tapos ka na uminom ng lumot?"

Inilapag ko ang tumbler sa lamesa, takot na maibato sa kan'ya ang hawak ko. It's metal, it's heavy, and it's expensive. Hindi ko sasayangin ang gamit ko sa kan'ya kahit na gustong-gusto kong gawin.

Pumihit ako paharap upang irapan siya.

Bumungad sa 'kin ang bahagyang nakatagilid niyang ulo pati na rin ang nakakunot na noo. Nagtataka yata na harap-harapan ko siyang inirapan.

"Lumot?" I asked—confused and annoyed. He was wearing the same attire.

When he realized that I responded, he smirked.

"'Yung iniinom mo kanina. Kulang sa iron."

I rose my brow. "It's matcha latte. At paanong kulang sa iron?"

He shrugged. "Ewan. Maputla."

Sinimangutan ko siya. Dinaanan lang niya ako ng tingin bago magkibitbalikat. Bahagya pa akong minata nang makitang "hinaharangan" ko ang lalagyan ng paper cup na medyo katabi ng tubigan.

Nang mapansin niyang nakatingin lang ako sa kan'ya, minata niya ako—bakit nakatayo ka pa sa harap ng water jug kung tapos ka nang kumuha?

Ano ba ang problema nito sa 'kin?

"Gilid ka."

I wasn't covering the whole space left for the paper cups. In fact, I occupied an eighth of it! Pero sa liit na 'yon, maaari pa rin siyang makakuha, ibanat lang niya ang braso niya. Tapos ngayon, umaakto siyang hinaharangan ko ang lahat ng pwesto para sa paper cup?!

"Hindi mo ba kayang banatin ang kamay mo?" naiinis kong tanong. Gusto kong gumilid para tapusin na ang pagtatalo, pero ayokong umatras.

My pride wants to win this.

Kaasar.

"Iabot mo nalang sa 'kin 'yung baso," demanda niya.

"Nambubwisit ka ba?"

"Mukha ba 'kong nagpapa-cute sa 'yo?" tanong niya, nakataas ang kilay.

Hinigpitan ko ang hawak sa tumbler na nakapatong sa lamesa. Ayokong bitbitin dahil baka tuluyan ko nang maihampas sa kan'ya.

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon