Chapter 1: Samantha

4.2K 51 2
                                    

"You should continue to go there and do the interviews, Samantha. Dito na nga lang tayo pinagpifiestahan ng public e."

...

Naririnig ko siya pero parang malabo. The sounds are defeaning. Nakaramdam ako ng pagkahilo, nausea. Mabuti na lang, nakaupo na ako.

...

"Wala ka naman ng maiaambag pag nagpelikula ka ulit. Lalangawin."

...

Ang ulo ko, sumasakit. Nagkakaroon ng munting tuldok tuldok sa paningin ko.

...

"Minsan it's better that you are playing the victim card kahit no one believes it."

...

Ang sabi sakin ni mama, wag ako pipikit kapag ganito, mas lalo daw ako mahihimatay.

...

"Bad reputation is still publicity."

...

Humahapdi yung sikmura ko. Nakabukas mata ko pero parang wala akong makita. Parang sumagot ako pero hindi ko masyado marinig ang sarili ko.

...

"Titigil ka? Saan ka pupunta? Wala ka namang kahit ano. At isa pa, ang usapan tatapusin kontrata diba?"

...

Yung kontrata. Tama. Dapat tapusin. Hindi ako dapat magpatalo. Hindi ako dapat magpanic. Wala ako kasama dito. San ako pupulutin?

...

Breathe in..

...

Breath out..

...

"Wala ka na magagawa. You will not be able to clean your name!"

...

Huminga ako ng malalim.

One.

Two.

Kailangan ko pakalmahin ang sarili ko.

Three.

Four.

Naririnig ko pa manager ko pero pinipilit kong ifilter. Hindi ako magpapanic. Hinga lang.

Tapos nakarinig ako ng music, ang phone ko. Ringtone ni mama. Tumatawag sya. Naalala ko siya. Be strong.

Five.

Breath in.

Six.

Breath out.

Suminghap ako ng bahagya, naamoy ko yung kape sa table sa tabi ko.

Seven.

Tinaas ko paningin ko, nakita ko ang blue post-it na nasa salamin.

Eight.

Kinuha ko yung cup of coffee sa table. Mainit pa.

Nine.

Breath in.

Breath out.

At umayos ang paghinga ko. I closed my eyes and sigh in relief.

Katatapos lang ng showbiz interview na ginawa namin. Because I am involved in a big controversy, puro interview ang ginagawa ko these days. Pumupunta ako dun, sumasagot sa mga tanong, wala naman naniniwala sakin.

And it is so exhausting, pwede bang interview na hindi chismis? Kaso lang, dito sila kumikita e. Dito nila ako pinagkakakitaan. And I have to suck it up kundi mabibreach of contract ako pag bigla ako nagquit. And I made a mistake to take this five-year long contract with people na dapat hindi ko dapat pinagkatiwalaan.

We are Under the Same Stars After All (SAMLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon