Alyssa's POV
Hindi naman ako nagtampo talaga. Naintindihan ko naman.
Namiss ko lang siguro sya.
E kasi after last week na everyday kami magkausap tapos tatlong beses pa ako nakatambay sa condo nya. Dumating sa ngayong week, busy kami, tapos hindi pa sya nagcoconfirm na manonood ng game, tapos biglang ang cold nya. E kapag di sya nanood ng game, sa susunod na week na kami magkikita.
Kaya thank you Lord at nagbago ang ihip ng hangin. Etong si Sam, lagi na lang ako pinag-iisip.
She's clingy, sa totoo lang kahit sinasabi ko na hindi, pero in a good way. Yung tipong sasanayin ka tapos pag nawala kahit saglit, mamimiss mo.
Nagbukas ang elevator sa building nila at dumerecho ako sa unit nya. May dala akong cake. Sabi nya wala sya gana kumain pero natandaan ko, kumakain sya ng cake kapag bad trip sya.
Nagdoorbell ako at narinig kong may nagmove sa loob ng unit sabay unlock ng pinto tapos bumukas eto ng konti.
Ha? Anong trip nito?
"Sam?" Tawag ko, pero wala sumagot. Kaya inopen ko dahan dahan yung door. Di ko pa rin sya nakita kaya pumasok nako.
Ayun ang Sam, nasa likod ng pinto, ngingiti ngiti. Napakunot ako ng noo sabay sarado ng door. Para kaming tanga. Nagkatinginan lang kami ng mga lagpas five seconds pa tsaka sya tumawa. She raised her arms like asking permission for a hug so I come closer to her.
"Sorry po." She said while going in for a hug, her arms around my shoulders. I smiled and returned the hug with one arm. May hawak pa kasi akong cake.
Habang nakahug sya sakin, nagtanong ulit sya, "Tampo ka pa?"
Parang ang sarap namang magtampo kapag ganito.
Hinigpitan ko bahagya pagkakahawak ko sa kanya, "No na."
Hindi ko na din inilaban na hindi naman ako nagtampo. Kilig na e.
Itinago muna namin yung cake sa ref at tumambay sa sofa. Wala pa daw kasi sya sa mood.
"Talk ba or no talk?" Tanong ko habang nakaupo kami.
"Later." Sabi nya at sumandal sya sakin.
Ang sarap talaga magtampo. Parang nadoble yung lambing nya.
We stayed like this for some time and then she eventually opened up about her day and we talk about anything until the time na I have to go home.
-----------
Friday. Game Day
Samantha's POV
"Alam mo excited akong makita ka kanina kaso pakatagal mo!" Si Albie, parang chicks, ang tagal kong naghihintay.
"Bro, parang naabala ka naman e sa condo mo naman ikaw naghihintay. Excited ka masyado."
"E may oras kaya yung game." Maktol ko.
BINABASA MO ANG
We are Under the Same Stars After All (SAMLY)
FanfictionSAMLY AU (Completed. Unedited) Samantha is an actress managed by Windstrike Entertainment. Unfortunately, her reputation is tainted by something she is not guilty of. Alyssa is the most famous volleyball player on a team sponsored by the same media...