Chapter 6

1.1K 34 9
                                    

Samantha's POV

I arrived on time at the red carpet. And when it is the Windstrike Ball, 'on time' means early. Wala pa masyado celebrities. Even though, I have a rough time getting projects, I am still invited in these kinds of events because there are big time fashion designers who takes risks. And I am a model who can carry their dresses well.

When the most controversial personality walks the red carpet, it will either be a hit or a miss, no in between, and I am always a hit.

Kaya din naman, sobrang push ng management ko to attend. This ball is exclusive only to those invited which is limited to the celebrity, the plus one and the handler.

The handlers are usually busy mingling with other big producers in the hope of additional projects and all. So while they are doing theirs, our job is only to party which make this the favorite event of all celebrities. But not for me, because I don't have a plus one and I don't have friends here.

After all the smiles for the camera in the red carpet, nakapasok din ako. Nastress din ako kasi there are press outside na humahabol pa ng interview. Nagcr muna ako just for the sake of it before ako bumalik dun sa cocktail table. There are few people na but I pretended to check my phone. Later na lang ako makimingle.

"Ate Sam! Sobrang ganda mo! 😍"

Napalingon ako sa familiar na boses.

"Anji! Ano ginagawa mo dito?" Nakawhite blouse and black pants si Anji tapos may necktie. Dala dala nya ang tray ng tubig.

"Work, Ate. Gusto mo ng tubig? Ang ganda mo Ate Sam.." inulit pa nya at inilapag nya ang isang baso ng tubig sa cocktail table.

"Hala. Thank you." Nahihiya ko naman sabi.

"Ahh sa catering ka ngayon? Teka ilan ba work mo?" Pagtataka kong tanong.

"Hindi ako regular ate, parang sideline sideline lang. Yung papa ko kasi, dito nagwowork sa Windstrike tapos kapag may may mga ganito, ipinapasok nya ako." Ngumiti si Anji habang sumasagot. "Diba fan ako ng volleyball, dito sa sidelines ko kinukuha yung mga pambili ng ticket, minsan mga souvenirs. Si Papa kasi, pagtrabahuhan ko daw yung mga ganun ganun, luho daw kasi yun, paaral lang daw sa kanya."

"Aww. Kaya mag-aral aral ka. Mamaya puro ka volleyball."

"Oo naman ate, nanood ka po pala nung last time no, kilala mo na si Alyssa Valdez?" Tanong nya.

"Oo, yung number 2." Nagsmile ako sa kanya. Kung alam nya lang. Kilala ko na sya in person pa.

"Ayusin natin yung necktie mo." Sabi ko ng makita ko na nakatabingi yung necktie nya.

Ibinaba nya yung tray na hawak nya at humarap sya sakin. Nakasmile sya habang inaayos ko necktie nya.

"Thank you Ate Sam." Sinabi nya akmang aalis na.

"Wait lang Anji, dito ka muna" sabi ko.

"Ha? Bakit?"

"Samahan mo lang muna ako." Sa totoo, nahihiya ako magpasama kaso lang mas masaya naman may kausap na hindi ka nijajudge kesa magpanggap na may kausap sa phone.

"Ate Sam, bakit ka ba kasi wala kasama?"

"Ikaw nga kasama ko." Sabi ko kay Anji tapos napakunot sya.

"Yung work ko Ate Sam."

"Hmmm. Teka.. " May naisip ako, tutal hindi ko naman matatakasan yung pakikipag mingle talaga.

"Nagwowork ka para sa pagfafan girl mo sa volleyball diba?"

"Yes ate."

"Balik balikan mo ko."

"Ha?"

"Kapag nakikipag usap na ko sa ibang tao tapos tumagal ng mga 15 mins, puntahan mo ko para pag kelangan ko magexit, may reason ako. Tapos in return, ililibre kita ng ticket sa next game ni Alyssa, may tshirt pa."

We are Under the Same Stars After All (SAMLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon