Chapter 9

1.1K 33 3
                                    

Samantha's POV

A week later...

"So hindi naweirdohan ang Dad mo na ininvite mo ako sa inyo?" Tanong ko kay Anji habang nasa sasakyan kami. Sinundo ko kasi sya sa university nya. Today ko mamemeet ang daddy nya so since malapit lang ang school ni Anji sa condo, sabi ko ako na lang susundo sa kanya pagtapos ng klase nya tapos sabay kami pumunta sa kanila.

Si Anji, college student pa talaga sya. Mayaman naman sila pero talagang tinuturuan sya na paghirapan yung mga ginagastos nya sa pagfafangirl. Kasi nalaman ko na as in super fan pala tong si Anji, yung tipong member ng isa sa mga fansclub ni Ly, mukhang isa sa mga admin pa nga sya. Kung paano nya pinagsasabay yung pag-aaral, pagfafangirl at pagraracket nya sa Windstrike ay hindi ko rin alam.

"Hindi naman Ate Sam. Parang okay naman sya. Minsan iniisip ko nga na baka fan ka nya. Hahaha! Fangirl si Dad." Natatawang sabi ni Anji.

"Hala, bakit naman?" Tanong ko.

"E kasi parang pag nagkekwento ako tungkol sayo, parang natutuwa sya tsaka andami nya mga tanong tanong. Ewan ko."

"Baka naman curious lang, eto naman." Sagot ko naman.

"Ate, hindi mo pa ako sinasagot bakit gusto mo sya mameet." Sabi pa ni Anji.

"Ano kasi. Paano ba. Let's just say na I want to make sure that you are safe."

Napakunot noo ni Anji. "Bakit? Safe naman ako sayo ah at tsaka di rin naman nya iniisip na may ginawa ka."

"Not from me." Matipid kong sagot.

Nagred ang stoplight kaya huminto ako saglit.

At tinuloy ko ang explanation ko. "Kasi diba sinasabi mo sakin na lagi ka nya pinapayagan pag ako kasama mo. And alam mo na, it is not good to be associated with me sa ngayon, tapos bigla inaya kita dun sa game. I just feel responsible."

"Di ko masyado maintindihan Ate."

"Basta. Malalaman mo din lahat. I just want to talk to your dad first."

"Okay."

Mukhang naggive up na naman si Anji sa pagtatanong. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa may Windstrike compound. Mataas ang posisyon ng dad ni Anji sa Company kaya dun sila nakatira sa subdivision sa loob ng Windstrike property. Habang papasok kami ng compound ay tumambad samin ang billboard ng Windstrikers. Kaya napatanong si Anji.

"Ate Sam, nagkikita pa kayo ni Ate Ly?"

And speaking of.. biglang nagring yung phone ko.

"Alyssa calling... Ate tumatawag si Ate Ly!!!" Nabiglang sabi ni Anji.

"Sagutin mo." Sabi ko.

"Totoo?" Sagot ni Anji.

"Oo nga. Haha! Bilisan mo mawawala yan."

"Loud speaker ko ate." Sabi ni Anji.

For the past week, mas naging close kami ni Ly. It is such a wonder talaga na ang bilis ng friendship namin. Siguro malaki nagagawa ng mga long talks namin. Mga tatlo beses kasi sya pumunta sa condo ko last week, nakikikain. Nung una, nahihiya pa sya pero ininsist ko na rin. Ipinagluluto ko sya kasi matagal na talaga daw syang walang home cooked meals. Hindi rin naman ako busy pag hapon that week so napadalas ang pagkikita namin after training nya. Sa mga susunod kasi, medyo may mga schedules na din ako.

After namin kumain, nagkekwentuhan lang talaga kami ng mga tungkol sa buhay namin except syempre sa mga issues kaya magaan lang ang atmosphere at wala pressure. Mas kilala na din namin ang isa't isa. Masasabi kong comfortable na kami.

We are Under the Same Stars After All (SAMLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon