Chapter 4

1.1K 40 8
                                    

Alyssa's POV

Sumunod ako kay Samantha dun sa may corner table. Parang regular customer ata siya dito. Nagulat talaga ako nung nakita ko siya tsaka parang hindi ako nakareact masyado.

Parang iba kasi ang aura nya dito kaysa kapag nakikita ko sya sa TV or kahit yung sa arena kanina. Kapag nasa labas, guarded talaga sya. Pero dito parang at home yung mafifeel mo. Ganito pa yung suot nya. Ang cute lang.

At nagulat rin ako sa sarili ko na pumayag ako magshare ng cake. Sabi ko kanina gusto ko mapag-isa kaya napadpad ako dito. Malapit lang kasi ako dito. Tapos biglang magsheshare.

"Ate Sam! Thank you!!! Love na talaga kita!"
Narinig ko sabi nung nasa counter kanina. Ahh, so mga kakilala nya talaga.

"Sam, sayo ang loyalty nya! Di nya binigay yung cake!" Narinig ko pa.

Napatawa naman si Sam. Napatingin ako sa kanya. Wala sya make up pero ang ganda pa rin. Parang ngayon ko lang sya nakita ngumiti ng ganito. Though, hindi ko pa naman sya nakita in person talaga until today, but in TV. Hindi naman siya mukhang masaya sa ngayon, mukto pa nga yung mata nya e, pero genuine yung ngiti nya.

Tumingin siya sakin, "Upo ka na dyan." Sabi nya. At umupo naman ako. Inabot ko sa kanya yung isang fork na binigay sakin. Para akong bisita nya na nangangapa sa lugar.

"Okay ka lang ba na ganito? Or kuha kita ng plate?" Patuloy pa nya. Ay, bakit parang ang lambing.

"Ahh, I'm okay." Sabi ko at ngumiti ako ng bahagya.

Tumango naman siya at umupo sa harapan ko.

"Uhmm.. Okay. Kain ka na." Sabi nya pero hindi pa ako kumibo. Hawak ko lang yung fork. Naalala ko kasi kung bakit ako bibili ng cake in the first place. Stress eating ba. Nagbalik na naman yung bad feeling ko about that game at naalala ko lahat ng frustrations ko.

Hay, bakit ngayon ko pa talaga sya nakilala? Kahit na I want to have a conversation with her, I'm not at my best day naman. Naputol yung pag-iisip ko nung nagsalita ulit sya. Napansin ko din na nakadalawang subo na sya ng cake.

"Ly.. can I call you Ly? Ang haba kasi ng Alyssa."

Tumango naman ako.

"Wag ka mapressure magsalita dyan ha. If you want to be alone, sabihin mo lang. If you don't want to talk, we'll not talk naman. Kakain lang tayo. This is what I do pag I have a rough day. Kaya naiintindihan kita."

"Ay, pero ikaw? Okay lang na andito ako?"

Sumubo pa sya ng isa. "I honestly don't want to talk right now but I like the company... for a change. I'm the one who asked to share, diba?" Sabi pa ni Sam sabay ngiti sakin.

"Okay." I said.

"But we can talk later, if you want to? I just want to, alam mo yun, magmukmok muna for a moment" She chuckled when she said this.

"I want to talk but later if.. if okay lang sayo." Parang nahihiya kong sabi.

"Deal." Sabi ni Sam. At hindi na sya nagsalita pa.

Napangiti naman ako at nagpatuloy kami sa pagkain. We fell into a comfortable silence. And I take this chance para balikan yung mga nangyari kanina.

This is unwinding for me. I need to keep in mind all the frustrations, all the reasons why I'm feeling this way so I will be able to keep it in my little boxes. Para the second time na I feel this again, mas mahaba yung magiging patience ko, mas kaya ko.

And there will be a second chance, for sure. Inisip ko yung nanay at kapatid ko, di ko na nabalikan ang tawag nila. Si Lia, what is the last thing she said to me again? Sometimes, I can't even remember. I just know na wala ako sa tabi nya.

We are Under the Same Stars After All (SAMLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon