THE CHAPTER 3

362 10 0
                                    

The Chapter 3;

"WHITNEY, ANAK? Ikaw na ba 'yan?" Mula sa loob ng bahay namin ay narinig ko ang boses ni Nanay. Marahil ay narinig niya ang tunog ng motor ko kaya naramdaman na rin niya ang presensya ko. 

"Mano po..." Magalang kong saad kay Nanay sabay nagmano sa kanya pagkapasok na pagkapasok sa loob ng bahay. Natagpuan ko naman siya sa may sala namin, nanonood ng isang teleserye sa T.V.

Nilingon naman ako nito saglit saka muling itinuon ang paningin sa pinapanood. "Mabuti naman at nakauwi ka bago maghapunan. Akala ko pa naman gagabihin ka ulit sa pag-uwi..." Aniya habang nasa pinapanood ang tingin.

Ngumiti naman ako pero naging pilit iyon. Mabuti nalang at hindi nakatingin sa 'kin si Nanay. "Hindi naman ho..." 

"Eh, kumusta naman ang lakad mo?" Tanong niya dahilan para matigilan ako saglit, nangangapa sa kung anong sasabihin at isasagot.

"Ayos lang naman po." Tanging nasabi ko nalang saka nag-iwas ng tingin. Sakto namang napunta ang paningin ko sa pinapanood ni Nanay sa T.V.

Napangiwi nalang ako nang biglang tinulak no'ng lalaki sa palabas ang babae sa ibabaw ng kama saka kinubabawan hanggang sa maya-maya lang ay nagsimula na ang mga itong maghalikan. What the heck, 'Nay? 

Iniwas ko na lang ang paningin ko sa pinapanood ni Nanay saka napabuntong hiningang iniwan siya ro'n at nagtungo sa sariling kwarto ko para magpahinga muna saglit.

Aisshhh! Si Nanay talaga! Kung anu-anong pinapanood!

Nang nakapasok sa loob ng kwarto ay kaagad kong inihiga ang sarili sa kama, saktong biglang tumunog ang cellphone ko, senyales na may nag-text sa 'kin. 

Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon kong suot pagkatapos ay binasa ang text na natanggap mula kay Cian.

———
+639*********

Cian;

Samahan mo kami ni Adrian mamaya pumunta sa isang club sa kabilang baryo. Ano? G?

Whitney;

Ba't ako pa ang kailangan mong isama?

Cian;

Ayaw mo no'n? Makikita at makakasama mo ulit ang iyong irog? HAHAHAz!

———

"Loko 'to, ah?" Natatawa kong bulalas matapos mabasa ang text sa 'kin ni Cian.

———

Whitney;

No thanks, baka magpakamatay na 'yong pinsan mong 'yon kapag nakita pa 'ko ulit.

Cian;

Grabi ka namann Hindi 'yon! Dali na! Sama kana🥹

Cian;

Sige ka! Kapag kami naligaw o hindi kaya napahamak ni Adrian, ikaw ang may kasalanan!!!

———

Muling Ibalik [COMPLETED]Where stories live. Discover now