THE CHAPTER 25

208 4 0
                                    

The Chapter 25;

PINAGHILA AKO nito ng upuan nang nakarating kami sa hapag-kainan.

"S-salamat..." Pagpapasalamat ko matapos maupo.

Nginitian lang ako nito bago naupo sa tabi ko at pinagsilbihan.

Ako naman itong naguguluhan sa mga ikinikilos niya. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa ngayon. Pansin ko lang na parang may nagb-iba sa kanya. Nag-iba bigla ang pakikitungo niya sa 'kin...

Nakakapanibago, hindi ko alam kung paano o anong nangyari pero mas gusto ko 'yong ganito siya... 'Yong pinapansin ako ngayon.

Sana ganito nalang palagi?

Hinayaan ko siyang lagyan ako ng pagkain sa plato ko. Medyo napalunok pa ako nang makita kung gaano karami ang nilagay niyang kanin at ulam.

Ang dami naman! Mukha ba akong patay gutom? May balak ba siyang gawin akong baboy?

"Anong nangyari sa 'yo? May nakain ka ba?" Wala sa sarili na napatanong ako bigla sa kanya habang ang plato naman niya ngayon ang nilalagyan niya ng pagkain.

Napatigil naman ito sa paglalagay ng pagkain sa plato niya saka ako tiningnan na may nagtatakang tingin. "What are you talking about, Whitney?" Nagtatakang tanong niya sa 'kin.

I quickly shook my head. "Nothing... Let's just eat." At nagsimula na nga kaming kumain dalawa.

"You too. Ubusin mo lahat ng nasa plato mo. Niluto ko pa naman 'yan para sa 'yo..." Aniya dahilan para matigilan ako. "Sige ka, kapag hindi mo 'yan naubos, magtatampo ako." Dagdag niya pa.

Marunong na pala siya ngayong magluto, huh? At ano raw? Niluto niya para sa 'kin? Ehe!

May ngiti sa labi na napailing-iling na lamang ako saka nagpatuloy na ulit kami sa pagkain. Paminsan-minsan pa ay sinusubuan niya ako kaya medyo nakakailang para sa 'kin. Naninibago pa rin talaga ako sa inaasta niya ngayon. Hindi ako sanay na ganito siya.

Tapos bukas, iba na naman ang ipapakita niya. Ayaw ko. Ayaw kong masanay.

Nang natapos kami sa pagkain ay kaagad siyang nagyayang pumunta sa library kung saan ang secret place namin roon. As usual, we read some pocket books there. Nagbasa lang kami ng tig-iisang libro pagkatapos ay nag-usap tungkol sa binasa naming dalawa. Hanggang sa bigla na lang siya humingi ng tawad sa 'kin sa hindi malamang dahilan.

"Whitney, I would like to say sorry for everything..." Hingi niya ng tawad sa 'kin kasabay nang paghawak sa isa kong kamay at nilagay iyon sa kabilang pisngi niya pagkatapos halikan ang likod ng palad ko.

Naguguluhan ko siyang tiningnan. "Sorry? Para saan?" Ang random naman.

May nagawa ba siyang hindi maganda kaya siya nagso-sorry?

"Dahil hindi kaagad kita nakilala no'ng dumating ako rito noong mga nakaraang linggo. Dahil sa hindi magandang pagtrato ko sa 'yo." He said. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot, pagkadismaya at iba pang naghlong emosyon sa mata niya. "N-nakokonsensya ako, sobra..."

"B-bakit?" Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko na salita.

"Hindi ba, nangako ako sa 'yo noon?" Aniya "Nangako ako sa 'yo noon na pagbalik ko itutuloy natin ang naudlot nating pag-iibigan," He trailed off. "Pero hindi ko natupad. Nakahanap ako ng iba no'ng nalayo tayo sa isa't isa..." He said that made my heart ached.

"Kung hindi lang siguro ako umalis, siguro tayo na ngayon."

"A-adrian..."

Sa kanya na mismo nanggaling na nakahanap nga siya ng ibang babae na minahal niya doon sa ibang bansa. Tama nga si Cian... Siguro 'yong Vennice ang tinutukoy niya ngayon.

Muling Ibalik [COMPLETED]Where stories live. Discover now